Prologue

16 3 5
                                    

Kahit kailan hindi ako nagsawang tingnan ang nga bituin.

Kahit kailan hindi ako nagsawang paniwalaan na kaya nitong tuparin ang mga kahilingan ko.

Sa tuwing nalulungkot ako, nasa taas ang bituin at tila ngumingiti.

Napakagandang pagmasdan ang butuin sa kalawakan lalo na't nakaupo ka sa buhangin at nakikinig sa musika ng alon ng dagat.

Nakakalungkot ng mga bagay na nangyari sa buhay ko, puno ng problema, puno ng sakit pero hindi ako nagsawang paniwalaan ang katagang 'There would always be a rainbow after the rain.' Pero, kailan kaya dadating ang rainbow na 'yon? Kailan ko ulit mararamdaman ang saya?

Natigil ako sa pag-iisip ng may biglang tumikhim sa paligid.

"Nakatulala ka, ang lalim yata ng iniisip mo ah? Pwede ba akong maupo"

Tumango ako bilang pagtugot habang pinupunasan ang kaunting luha na lumabas kanina habang iniisip ko ang mga problema.

"Andito tayo sa beach para magsaya, pero ikaw dito nag-iisa, may problema ba?"

Tama siya, andito ako para magsaya, iwasan muna ang kalungkutan. Pero kasi, kahit anong gawin ko parang hindi ko magawang ngumiti at magpakasaya.

"Alam mo walang masama sa mag open up ng mga nararamdaman. Com'on, ilabas natin yan at pagkatapos subukan nating magpakasaya kasama sila. Hinihintay ka nila do'n."

Ewan, pero parang kailangan ko na talaga ng taong masasandalan ngayon.

"Alam mo gusto kong sumaya, gusto kong magpakasaya, pero hindi ko magawa dahil sa tuwing naiisip ko ang problema, nalulungkot ako."

Halos mangiyak-ngiyak na ako dito. Ano? Itutuloy ko pa ba?

"Luke, alam mo sa loob ng isang taon, andaming hindi magandang bagay na nangyari sa buhay ko. Nagkasakit at namatay si mama dahil sa sakit sa puso, si papa naman may sakit ring pneumonia. Tapos ako, hindi na makakapag aral pa sa college, kasi andaming utang na kailangan kong bayaran. Tapos 'yong boyfriend ko, ay hindi, ewan ko ba kung kami pa ba ngayon."

Hindi ko na talaga napigilan ang mga luha kong nagpapaligsahan sa pag-agos. Ang hirap mag open up.

"Bakit nasa'n ba siya?"

Andito lang sa tabi ko.

"Ewan ko, halos limang buwan na kaming walang komunikasyon. Nami-miss ko na siya, as in sobra. Sa tuwing nahihirapan ako, isang yakap niya lang, gumagaan na ang pakiramdam ko."

Ramdam kung nakikinig lang siya sa mga rants ko dito.

"Pero malabong maging kami ulit. Yung mga pangarap na binuo namin malabo ng mangyari lahat ng 'yon."

"Pa'no mo nasasabing malabo?"

"Kamakailan lang nabalitaan kong~" ang hirap, halos mawalan na ako ng hininga sa kakaiyak. "Nabalitaan kong nabuntis niya ang ex niya." Halos pabulong ko ng nasabi ang huling katagang iyon.

Sobrang nahihirapan na 'ko. Kaya ayaw kong mag open up kasi eto ang mangyayari.

Nasa kalagitnaan ako ng paghikibi ko nang tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa'kin. At tinulungan niya akong makatayo.

"Sabi mo, pag may problema ka, isang yakap niya lang gagaan ang nararamdaman mo. Isipin mo na lang na ako, siya."

Walang pagdadalawang-isip na niyakap ko siya, 'yong mahigpit na mahigpit. Na-miss ko 'to. Ang sarap sa pakiramdam na mayakap siya, ulit.

Niyakap niya rin ako pabalik, ramdam ko parang dati lang ganito niya din ako yakapin.

Hindi nakaligtaan ng mata ko ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha.

'Yong mga pangarap na binuo natin, 'yong tayo, malabo ng mangyari. 'Yong mga masasakit at masasayang araw na ako na lang ang nakakaalala, hindi mo na yata maibabalik pa.

Sa ganito bang paraan matatapos ang relasyon natin?

Hindi ba matatapos ang sakit na 'to? Ang lungkot na nararamdaman ko?

Araw-araw na lang ba akong babati ng 'hello sadness?'

Hello SadnessWhere stories live. Discover now