OLN - 8

350 8 1
                                    

Hindi ko siya matingnan dahil tama ang mga sinabi niya.

Malay ko ba na kailangan pala pag-gising niya ay naroon pa rin ako? Napanguso ako sa naisip.

Sana sinabi niya habang niroromansa niya ako nang gabing iyon na dapat pag-gising niya katabi niya ako.

Tinitigan ko lang ang kamay niyang hinahaplos ang tiyan ko at ang isang kamay na nakahawak sa isang kamay ko...

Gusto kong bawiin 'yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Ngunit mas lalo lang niya itong hinigpitan.

Hindi na lang ako nagpumilit...

Hinayaan ko siya.

Pinagmasdan ko kung paano niya hinahaplos ang tiyan ko at kung paano niya ito pagmasdan...

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Why is he being like this?

Mas matatanggap ko pa yata kung ang maririnig ko sa kanya ay ang pagtangging hindi kanya itong buhay na nasa sinapupunan ko...

But, here he is... In front of me, acting like we knew each other for a long time. Like he knew me from the very beginning.

Well, he do. Kinalimutan lang n'ya!

I don't like him. He's a playboy!

I just don't like him being a playboy. Kailangan ba talaga niyang makipag-chukchukan sa ibang babae..

Ni ang maalala ako hindi niya magawa! Tsk.

I hate you, Third! But still, I want you to remember your oh-so-called promises... Tsk.

Narinig ko ang pagpihit ng door knob at agad kong inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa akin.

Pumasok do'n si Ssen. Where's Alelie?

Nakita ni Ssen ang lalaking nakaupo sa gilid ko kaya napairap siya.

I know her.

Lumapit siya sa akin, "Kaya mo bang tumayo? Nabayaran ko na ang bill mo." aniya.

Napairap ako. "Of course kaya kong tumayo, Ssen. Hindi pa naman ako imbalido, okay?" ani ko pa.

Napairap din siya.

Tiningnan naman niya si Third na nasa kabilang gilid ko.

"I saw your friends outside. Why are you still here?" tanong ni Ssen at pinagtaasan niya ito ng kilay.

Binalingan ako ng tingin ni Third, as if he's asking me for a help.

Tumingin ako kay Ssen, "S-Siya ang daddy ng baby ko." pag-amin ko kay Ssen kahit alam kong may hinala na siya.

Tiningnan ko si Third. Sa akin lang siya nakatingin at halos di ako makagalaw dahil sa ngiti niya.

Binalik ko ang tingin ko kay Ssen dahil sa pagkailang sa tingin ng lalaking ito.

"I know." Ssen said then she rolled her eyes on Third, "As if may ibang sikat na modelo na pumupunta sa club na iyon at may pangalan ding gaya ng sa'yo? Tsk." baling niyang sabi habang nakatingin sa lalaking nasa gilid ko.

OUR LUSTFUL NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon