Ang Kasalukuyan at ang Nakaraan

14 0 0
                                    

Prelude

"Ma'am haharap lang po kayo sa camera, sandali lang po ang interview na ito. Handa na po ba kayo?" tanong ng host  sa babaeng i-interbyuhin niya. Ngumiti ang babae at tumango na paghihiwatig ng pagsang-ayon niya sa host na handa na siya.

"Marami ang tumatangkilik sa IPi-Pili, sa loob ng maraming taon ay binabalik-balikan parin ng mamimili at malayo na rin ang narating nito dahil sa mga branches na napatayo na sa iba't ibang lugar dito sa ating bansa. Tulad din ng IPi-Pili malayo na rin ang iyong narating bilang may-ari nito, ano ba ang sekreto ng IPi-Pili? Ikaw? Ano ba ang sekreto? na pwede mong maibahagi sa ating mga manonood para tulungan din silang magtagumpay", tanong ng host sa babae. Humarap ang babae sa kamera nang nakangiti at sinagot ang tanong "Ang IPi-Pili ay bunga ng pagsisikap ng aking mga magulang lalong-lalo na ang aking papa, ipinagpatuloy lang naming magkapatid. Siguro kung may ibabahagi man ako sa lahat ng nanonood ng programang ito yun ay ang pagsisikap, dahil wala namang shortcut sa tagumpay mas masarap talaga ang pinaghihirapan dahil kahit marami ka mang pinagdaanan hindi naman mapapantayan ang saya na iyong mararamdaman kapag nakamit mo na ang bunga ng 'yong pinaghirapan".

Napansin ng host na habang sumasagot ang babae sa kanya ay nakahawak siya sa kwintas na suot niya kaya hindi niya naiwasang itanong ito sa babae, "Napansin ko lang na habang sumasagot ka kanina sa tanong at hanggang ngayon nakahawak ka sa kwintas mo, ito ba ang lucky charm mo?" Nakangiti lamang ang babae at nakahawak parin sa kwintas niya at nagsalita "Ah, ito po ba?" sabay tingin sa kwintas niya at muling nagsalita habang nakahawak parin dito "Sa katunayan hindi naman to kwintas isa itong key chain na ginawa ko lang po na kwintas, para sa akin higit pa'to sa lucky charm. Ito kasi ang naghatid sa'kin kung saan man ako ngayon"...


Chapter 1

Ang sabi ng papa ko huwag na huwag daw ako papasok sa loob ng bakery lalong- lalo na sa may pinagmamasahan ng harina, e yun pa naman ang paborito kung tambayan lalong-lalo na malapit sa pugon dahil amoy na amoy ko ang bagong lutong tinapay. Ang bango talaga, amoy pa lang ay takam na takam na 'ko! Katulad ngayon, nakabantay na naman ako sa pugon dahil ilang saglit na lang ay maluluto na ang isa sa mga paborito kong tinapay---ang pandesiosa.

Ngunit,ilang sandali ay may yapak akong narinig na papasok sa lutu-an ng mga tinapay,

 "Pippa, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo huwag ka dito dahil abala ang mga tao dito" 

yan ang laging sabi ng papa ko at ngayon muli niya na namang inuulit. Pinipilit niya ko na lumabas pero nakasuok ako sa gilid ni Nanay Ailene na nagmamasa ng harina. Nakakapit ako sa apron niya, para kung sakaling pilitin ako ni papa na lumabas hindi ako agad mahahatak dahil nakakapit ako ng mahigpit. Akala ko magtatagumpay ako pero wala akong nagawa dahil kinarga ako ni papa palabas. Pinaupo niya ako sa isang upuan at nakaluhod ng bahagya para hindi siya mahirapang kausapin ako 

"Bakit nakasimangot ang Pippa ko?" pang-aasar na tanong ng papa ko sa akin. Ayaw ko siyang kausapin pero hindi ko matitiis ang papa ko kaya ilang saglit ay tumayo ako at naka-ekis ang mga kamay ko sabay sabing 

"Eh kasi naman papa malapit nang maluto yung pandesiosa tapos pinalabas mo pa'ko". Pinatong niya ang kanyang kamay sa aking ulo at ginulo ang buhok

 "Ikaw talagang bata ka, kung di ko ginawa yun, e di sana nalaman mo na yung surprise ko". Nang marinig ko yun ay napatingin ako sa kanya na mukhang nagdududa

 "Suprise? Ano pong surprise yun papa?", napangiti lang siya at naglakad malapit sa counter dahil may bibili ng hopia at mamon pero habang kumukuha ng tinapay at sinusukli-an ang mamimili ay kinakausap parin niya ko, ayun sa kanya pano daw magiging surprise yun kung sasabihin na niya sa akin. Pinipilit ko siyang sabihin sa akin pero ayaw niya talagang sabihin e, kaya lumabas na lang ako ng bakery at nakipaglaro sa mga kaibigan kong sina Maggie at Pao-Pao.

Rolling in a PinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon