Ella
Morning Nay!! bati ko sa ina ko, na ngayon ay nagluluto ng almusal namin. Ganito kami tuwing linggo, si nanay ang nagluluto at syempre ako naman ang taga kain, hihihi.. Tuwing linggo lang kasi kami nagkakasama ni nanay sa bahay namin, bilang mayordoma kasi sa mansion ng mga Choi, dapat hands on si nanay sa lahat ng bagay dun.. Oppss! Di nyo pa pala ako kilala.
Ako nga pala si Raphaellah Gwyneth Gonzales, 12 years old, grade six na ko. Nagaaral ako sa San Gabriel Elementary School, public school lang yun, hindi kasi namin kaya mag private school,. Kahit naman kasi malaki ang sinasahod ni nanay bilang mayordoma, kailangan parin nyang magipon para sa pagaaral ko in the future, ngaun pang maghihighschool na ko. Gusto ko na nga rin mamasukan kahit katulong o labandera lang para naman matulungan ko din si nanay. Kaso ayaw nya, ang gusto nya magaral lang ako, sya na daw ang bahala, basta magaral lang daw ako ng mabuti. Syempre ako naman, aral ng aral, gusto ko kasing maging Fashion Designer balang araw.. Hayyyy!!!
Ella, anak? Tulala ka jan?! Tawag ni nanay sakin. Antagal ko na palang nakatulala dito, kakamuni muni.. Hihi sorry naman..
Sorry nay! May naisip lang po ako bigla. Pumunta na ako sa hapag at sabay naming pinagsaluhan ang luto ni nanay.. Ang sarap talaga ng luto nya..hihihi
BINABASA MO ANG
The Soul Sisters
Teen FictionSoul sister? Tawag sa magkaibigan na ang turingan ay parang magkapatid. Yan sila ella at elle, magkaiba ng magulang, magkaiba ng ugali, magkaiba ng estado sa buhay pero magkapatid ang turingan. Meet Raphaellah Gwyneth Gonzales or mas kilala bilang...