[K A I]
"Okay! Group yourselves into 5..."
Mga ilang saglit lang, may ka grupo na ang lahat, maliban lang sa akin.
Laging ganito. Walang pumapansin sa akin dahil weird daw ako. So ang ending, kung saan may kulang, doon ako pinapa sali ng teacher.
"Ano ba yan! Ba't sa atin pa sya napunta!" Pabulong na sambit ng isang ka grupo ko na narinig ko naman. At dahil sanay narin naman ako, binabalewala ko nalang.
Nang matapos na ang PE namin. Bumalik na kami sa classroom. At dahil wala ang next teacher para sa susunod na subject, ang mga kaklase ko ay wala na sa kani-kanilang upuan. Lahat sila may kanya-kanyang kausap katabi ang mga close nila dito sa classroom. Wala akong nakikitang mag-isa sa upuan... maliban ulit sa akin.
Nilabas ko ang comic book ko sa bag ko at inipit sa mathematics na libro para hindi nila makita na nagbabasa talaga ako ng comics ng bigla malakas na bumukas ang pintuan at pumasok ang isa sa lalaki kong kaklase.
"Guys! S-Si Cathana! Si Cathana!" Hinihingal pa siya habang sinasabi yon. Naging alerto naman ang mga kaklase ko na sa kanya na ngayon ang atensyon, mostly mga lalake ang interesado sa sasabihin niya.
"Papunta siya dito!" Sa wakas ay nasabi narin ng kaklase ko na hingal parin.
Agad naglabasan ang mga kaklase ko. At ako naman, hindi na makapag focus sa babasahin sana.
Biglang tumahimik kaya napa lingon na rin ako sa pinto.
Sa labas ng pinto namin, nakadungaw si Cathana na para bang may hinahanap sa classroom na ito.
Maraming gusto yatang matanong sa kanya kaso walang nag lakas loob. Pero biglang lumapit sa kanya ang kaklase kong babae na bali-balita na galit kay Cathana dahil inagawan daw siya ng boyfriend nito last year.
"Cathana? May hinahanap ka ata ah? Sino? Bagong boyfriend mo na naman ba?" Mataray niyang tanong.
Pero hindi siya pinansin ni Cathana dahil abala siya sa paglingon sa bawat sulok ng classroom namin hanggang sa nag pang-abot ang mga paningin namin. Agad naman siya pumasok at lumapit sa akin. Sa sobrang kaba ko, parang hindi na ako nakagalaw pero sa kanya parin ang paningin ko.
Ng nakalapit na siya, nilapit niya ang mukha sa akin at kasunod nuon ay rinig ko ang pagsinghap ng mga nakakita na para bang nagpipigil rin ng hininga.
"Hinahanap ka ni Lola." Bulong niya sa akin saka siya tumayo ng tuwid at tinalikuran ako.
Ako naman ay hindi na mapakali dahil sa titig ng mga nakakita. Pakiramdam ko ang init ng buong mukha ko. Nasa pintuan na si Cathana ng biglang humarap na naman sa banda ko.
"Bilisan mo!" Bored niyang utos sa akin kaya natataranta na akong nagligpit ng gamit at sumunod sa kanya.
Pero bago pa ako makasunod ng tuluyan sa kanya, narinig ko ang ilan na nagbulong-bulungan.
"Ang nerd ba na iyon ang bagong target ni Cathana?!"
"Paanong napansin ni Cathana ang lalaking iyon?"
"Ano?? Yung nerd na naka glasses at medyo long hair?"
"Yung gloomy na nerd?? Kinausap ni Cathana?"
Nasa labas na kami ng paaralan at papunta na kami malapit sa kanila.
"Sabi ni Lola may iuutos na naman daw siya sayo."
BINABASA MO ANG
Coolest Outcast
Short StoryThe famous "nerd" or what they call outcast was secretly inlove with this famous brat named Cathana. Paano nga ba nagustuhan ng isang kagaya ni Kai ang isang kagaya ni Cathana na kilala din bilang playgirl at basagulera?