10

874 21 2
                                    

CHAPTER 10

>Lenie’s POV<

 

“after ng urine test, saka natin ita-transvaginal so we’ll know kung ilang weeks ka na, alright ??” saad ni Dr. Jalyn, isang OB. Agad naman akong tumungo sa cr at pagkatapos kong gawin iyon ay ipinakita ko kay doktora ang dalawang linya sa pregnancy test, pansin ko ang pagdungaw nung kasama ni ate Majie sa PT na inabot ko sa doktora, ang pagkakatanda ko ay Reyvan ang pangalan nito.

“psshh. .buntis nga” anito sa mahinang boses pero sapat na para marinig naming tatlo iyon.

“hoy buwang !! bakit ka ba nandiyan sa likod ni doktora, napakatsismoso mo talaga noh ??!! dito ka nga !!” suway naman agad ni ate sa kanya, nagkibit balikat lang si Reyvan kasabay ng pag-irap nito sa hangin. “aba’t !! dukutin ko yang eye balls mo, kalalaki nitong tao ang galing mang irap !! dito ka sabi ihhh !!” sigaw ni ate habang tinuturo ang upuan sa tabi niya.

“whatever. .” ani Reyvan saka naglakad papunta sa tabi ni ate at pasalampak na umupo sabay nagdekwatro. Pinitik naman ni ate majie ang teynga nito napasinghap sa sakit si reyvan ngunit hindi na ito umimik, hindi ko alam kung anong namamagitan sa kanilang dalawa dahil hindi naman nakikwento ni ate kung ano niya si reyvan ngunit bagay na bagay sila tingnan. Kahit kasi may anak na itong si Reyvan ay nanatili pa rin itong batang tingnan gwapo ito, matangkad at matipunong tingnan, idagdag mo pa yung malalim niyang biloy sa pisngi.

“so. .may cravings ka ba ??” biglang tanong ng doktor sa gitna ng pagmamatyag ko sa nag iirapan kong ate majie at sa kasama nitong si reyvan.

“wala naman pero madalas po akong magsuka tuwing umaga” sagot ko.

“what else do you notice ??” muli nitong tanung.

“wala na po”

Tumango namang si doktora jalyn sabay pakita sa akin ng isang puting robe, “remove anything and change into this robe then humiga ka na lang doon, i’ll be back” saad nito nang maituro sa akin ang isang silid na may nakalagay na ‘intrasectal room’ pagkatapos ay umalis ito.

“labas muna ako, patingin na lang nung picture ng baby sa ultrasound aahhh” ani Reyvan pagkatayo nito mula sa pagkakaupo at tuluyang lumabas ng nakapamulsa.

Hinintay lang namin ni ate na makalabas siya bago kami nagsalita, “pagpasensyahan mo na iyon aahh, hindi kasi niya nakita sa isang monitor habang nasa loob palang ng tiyan si Keyv kaya nung nalaman niyang magpapacheck up ka ay nagpumilit na sumama” kwento ni ate habang umiiling iling pa.

“sabihin mo nga ate, boyfriend mo ba yun ??” napatunghay naman ng biglaan si ate sa tanong ko mula sa pagkakayuko ng ulo.

“h-hindi aahhh, babysitter lang ako ng anak nun !!” mabilis niyang sagot. Napataas naman ang kilay ko.

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon