Chapter 1

692 19 0
                                    

"Hoy Rentot! hintayin mo ako!" sigaw ni Matyas at nagmamadaling tumakbo para maabutan ako pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang hindi pa rin pinapansin ang bwesit na lalaking walang ibang ginawa kundi ang asarin ako. Palibhasa alam na alam nito na madali akong mapikon sa kanya.

"Hoy, galit ka ba sa akin?" anito at inakbayan ako na agad ko namang tinanggal at nagpatuloy pa rin sa paglalakad at hindi siya pinapansin. Pero sadyang papansin ito at naunang naglakad sa kanya ng nakatalikod sa daan habang nakaharap sa kanya. Matisod sana siya!

"Rentot naman, pansinin mo ako uy."

"Umalis ka nga sa harap kong bwesit ka! Ayaw kitang makita kaya pwede ba lubayan mo ako? Ang sakit mo sa mata!" sigaw ko dito at umakto naman itong nasasaktan sabay hawak pa sa dibdib nito. Akala naman  niya maukuha niya ako sa paganyan-ganyan niya. Pwe!

"Ang sakit naman no'n, Rentot. Ano bang nagawa kong kasalanan sayo at inaapi mo ako?" madramang sabi nito na nagpausok sa ilong niya at nagpakulo sa kanyang dugo.

"Hoy, Matyas, ipapaalala ko lang ang ginawa mo kanina sa school! Pinagbintangan mo akong umutot kahit hindi naman talaga ako! buti sana kung ikaw ang pinagtawanan sa classroom!" singhal ko. Bwesit na lalaking ito. Kanina kasi ay may bigla na lang umutot ng malakas sa room at siya agad ang itinuro nito. Muntik na nga akong maiyak dahil lahat sila ay pinagtatawanan ako. Kung hindi lang dumating ang teacher namin ay hindi sila matitigil kakatawa at kakaasar sa akin.

"Hey, Sorry na. Bati na tayo! Joke lang naman 'yon eh, di ko naman alam na maniniwala sila." inirapan ko ito at tuluyang pumasok sa gate ng bahay namin dahil saktong nasa tapat na ako nito. Rinig ko pa ang tawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy ng pumasok.

Sa araw-araw na ginawa ang Diyos ay walang ibang ginawa ang Matyas na iyon kundi ang bwesitin ako. Motto yata nitong bwesitin siya habang buhay eh. Kung pwede lang lumipat ng bahay para di ko ito makita ay ginawa ko na. Si mama lang naman ang may ayaw na iwan itong bahay eh.

"Oh, bakit nakasimangot ang prinsesa ko?" bungad na tanong ni mama ng makita akong papasok sa bahay. Dumiretso ako ng sala at sumalampak sa sofa.

"Si Matyas kasi 'ma eh. Pinahiya ako sa klase namin kanina. Sabihan ba naman ang buong klase na ako daw yong umutot ng malakas, ayon pinagtawan nila ako." nakasimangot na sumbong ko. Si mama naman ay parang natatawa kaya lalo akong napanguso.

"Sus, di ka pa nasanay sa batang iyon. Type lang no'n na bwesitin ka para pansinin mo siya. Paano kasi madalas na di mo siya pinapansin kaya lagi ka niyang inaasar para kunin ang atensyon mo. Kaya huwag kang masyadong harsh sa batang 'yon. Mabait naman si Matyas eh."

"Ma! bat parang mas kinakampihan mo siya? ako kaya ang anak mo! dapat sa akin ka kampi at hindi sa bwesit na lalaking 'yon!" natawa si mama sa sinabi ko saka ginulo ang buhok ko.

"Wala akong kinakampihan. Ang akin lang eh, kilalanin mo siya. Malay mo maging matalik kayong magkaibigan." muntik na akong masuka sa sinabi ni mama. Ew, ako magiging kaibigan ang gago na yun? never! kumulot man ang super straight kong buhok, hinding-hindi ko magiging kaibigan yun no! Makita ko pa nga lang ang mukha niya nag-iinit na ang ulo ko eh.

"Kadiri 'ma. Never kong makakasundo ang bwesit na yun no. Itaga niyo pa sa kahit anong bato!" natatawang nagpaalam na si mama para tignan ang niluluto nitong meryenda.

Nagpasya naman akong umakyat na sa kuwato ko at magbihis dahil balak kong mamasyal mamaya sa may dalampasigan na malapit lang dito sa bahay namin. Nagsuot lang ako ng shorts at t-shirts saka ng slippers tapos ay bumaba na.

"Ma, sa may dagat lang po ako." paalam ko.

"Oh, sige, basta umuwi ka bago mag-alas-singko dahil baka dumalaw ang lolo mo. Ikaw pa naman ang madalas hanapin no'n." paalala nito.

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon