TPoYaM 1

84 0 0
                                    

Ang isip nakakalimot, pero ang puso hindi.

-

From the corner of my memories,

Madalas tayong mag-away, aso at pusa, hindi magkasundo, nag-aagawan sa unang pwesto at madalas hindi nagpapatalo. Ilang taon na ba? Walo? Sampo? Labindalawa? Hindi ko na maalala dahil bata pa tayo non. Kung nasaan ako, nandoon ka rin. Kung anong dapat kong salihan dapat ay iyo rin.

Mortal enemies? Archenemies? It's not about the brain, it's all about the pride.

Naalala mo ba nung unang salta ako sa school mo? Naalala mo ba nung natalo kita sa unang pagkakataon? Pero ang hindi mo talaga matanggap nung umakyat ka ng stage dahil parehas tayong nasa first honors.

Simula non hindi mo na ako pinansin. Ivan, why wouldn't you see? Hindi ko alam kung kailan kita nagustuhan e. Pero bakit ikaw halos iwasan mo ako na para akong may nakakahawang sakit? Huling taon na natin to sa college, same course, not the same feelings. And I'm giving you all the chances, I'll give up that shitty rank for you. Just acknowledge me, please.

>Helena

--

I smiled as I touch the page of the diary where the letter I just read was written. Ito na lang yata ang meron sa akin. My memories are slowly fading and this diary serves as an instrument for me to live. Van... Sino ka nga ba talaga? Kahit isang beses lang gusto kitang makita, pero paano? Kung sarili ko nga hindi ko pa makilala. Helena....

Napangiti na lang ako ng mapait. Ang hirap magkaroon ng dementia. Ang hirap magapos sa sakit na hindi mo gusto.

At ang binasa kong sulat ay ang huling sulat ko sa diary na to. Ano na ba ang nangyari? Anong taon ba ako huling nagsulat? Kailan ba kita huling nakita?

"Helena, sweetheart, lunch is ready."

"Susunod na po ako Ma." I heard myself say. At least they have pictures in my room. Each of them may caption. Mom, Dad, David which is my brother, and my dog, Silver. My family picture din kami. My graduation photo, where I bagged the second highest honors.

Why do I need to end up like this?

Ibinaba ko ang munting notebook na yon sa kama.

"Ate, gusto mo bang manood ng movie mamaya?"

"David, diba may pasok ka pa?"

"Wala ate. Saturday po ngayon." Ngumiti na lang ako. I lost track of the date again.

"What movie?"

"May palabas po ngayon sa sinehan, lalabas po tayo, pinagpaalam na kita kay Mama. That Thing Called Tadhana po yung title."

"Alam mo namang ayaw kong lumabas."

"Anak minsan lang naman." Sulsol ni Mama sa akin. "Tsaka sabi ng Papa mo, pag-uwi nya next week, magfa-family day tayo ng buong linggo." Ngumiti na lang ako.

Ang daming tao. Pakiramdam ko mahihilo ako.

"Okay ka lang ba ate?" Tumango lang ako sa kapatid ko. "Saglit lang po, bibili lang ako ng ticket natin. Diyan ka lang." Tumango lang ako ulit.

Medyo nagdadagsaan na ang tao. Kaya medyo napalayo ako sa pwesto kung saan ako iniwan ni David. Suot ko ang sling bag ko na may laman ng mga litrato ng pamilya ko, just in case na sumpungin ako ng pagkalimot.

"Teka lang po. Teka." Nagtutulakan kasi ang mga tao dahil nag-uunahang makapasok. Napa-upo na lang ako sa sahig.

"Miss okay ka lang?" Someone helped me and extended his arms for me. "Helena?" Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Hi. You know me? So kilala kita? Anong pangalan mo?" Pagkalito ang rumihistro sa kanya tapos napalitan din ng ngiti ang mukha nya.

"Ivan. How are you?" Ivan. Saan ko na nga ba ulit narinig yon?

"I'm good. Teka Ivan ha. Yung kapatid ko kasi." Sino na nga ba ulit yong kapatid ko? Naiiyak na napatingin ako sa kanya. "Yung kapatid ko hindi ko maalala ang pangalan. Teka lang ha." Nagpa-panic na binuksan ko ang bag ko.

"Ate!"

"Sino ka?" Tanong ko.

"David po." Siya na ang humawak sa bag ko at inilabas ang family picture namin. Nakahinga ako ng maluwag at humingi na paumanhin sa taong kaharap ko.

"Mauuna na po kami Kuya. Manonood pa kasi kami ng Ate ko." Tumango lang sya saka nauna nang maglakad.

"Kilala mo Ate?"

"Ivan daw. Pasensya na David, nalimutan na naman kita." Ginulo nya lang ang buhok ko saka ako inakbayan.

Nakatulog agad ako pagkauwi namin. I had a dream. It wasn't clear pero nagising ako na umiiyak. Pakiramdam ko ang laki ng bahagi ng pagkatao ko ang nawawala.

"Ma! David!" Sigaw ko. Nung iminulat ko kasi ang mata ko wala akong makita. "Ma!" Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Anong problema Helena?" Bakas ang pag-aalala niya. Narinig ko rin ang kapatid ko na tumatawag kay Papa.

"Wala po akong makita."

"Wag kang magpanic anak. Normal lang yan. You need to keep calm." Bumalik naman sya nearly after half an hour.

Naiiyak na niyakap ako ni Mama.

Hindi naging maganda ang mga sumunod na araw ko. Nawawalan ako ng balanse, panandaliang nabubulag at minsan hindi na ako nakakapag-isip ng tama. Nalilimutan ko ang manamit ng maayos at halos paliguan na ako ni Mama dahil minsan umaabot na ako ng higit isang oras sa bathroom, at hindi ko maalala kung bakit ako nandoon.

"Helena may bisita ka." Narinig ko ang mahihinang katok ni Mama habang binabasa ko ulit ang diary ko. Pinakialaman ko kasi ang gamit ko at may ilang diary pa akong nakita.

"Susunod na po."

--

Hindi na lang sana ako umamin. Mas masakit na sampalin ng katotohanan na namumuhi ka sa akin.

--

Yon muli ang huling sulat sa pahina ng diary. May oras at date na nakalagay. Hapon iyon. Dalawang taon na ang nakakaraan.

Yan ang mga salitang tumatak sa isip ko. Napatitig na lang ako sa kawalan at nalimutan na may taong bumisita sa akin.

"Kamusta?" Malaking ngiti ang nakapigkit sa gwapo nyang mukha.

"Ikaw si?"

"Ivan." Saan ko na nga ba ulit narinig ang pangalan na yan?

"Ayos lang. Kamusta Ivan? Paano mo ako nakilala?"

"I was your classmate way back when we were still young. Hanggang college Helena."

"Nice to know na may kaibigan pala ako."

"Sorry, we're not friends, actually." Ngumiti ako sa kanya.

"Ang aloof ko pala?" Natatawang tanong ko.

"I don't have friends either." Ngumiti ako saka inalok ang palad ko.

"Friends?" He held it and we shook hands. "Anong ginagawa mo Van?" Parang nanigas sya sa ginawa kong pagtawag sa pangalan nya. "Sorry. Ayaw mo ba ng tinawag ko? Ivan na lang. It was something na parang pamilyar ako. Pasensya na."

"Archi. I have my own firm."

"Oh. And how about me? Archi din ba ako? You said mgkaklase tayo noon?"

"You were working in my firm two years ago, but you've gone missing."

"You must be mad then?"

"No. But you I owe you something." He reached for me and kissed me on the forehead. He enveloped me with his hug and murmured something that made me bring some of my memories back.

"I love you too, Helena. And He knows how I missed you so bad."

The Probability of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon