7: Glimpse

39.1K 435 25
                                    

Capítulo 7: Gimplse

Jhon's POV

Sya pala si Dana. Akala ko talaga Darna ang pangalan nya. Magkatunog eh.

"Anong minumuni-muni mo jan?" Tanong sa akin ni Amy. Nagpunta sya dito sa bahay ko para maglinis. Sipag no? Katulong ko yan. Hahahaha!

"Wala."

"Wala naman pala eh. Tulungan mo akong itabi 'tong napakarami mong Orange dito sa bahay. Grabe ka, di ka ba nagsasawa dito?"

"Hindi." Binuhat ko yung kahon ng Mandarin at dinala sa sulok. "Kinabubuhay ko 'tong Orange na 'to. Pinag-aaral ako nito at pinapataas pa resistensya ko."

"Pwede ka ng pang commercial." Pang-aasar nya sa akin.

Pamana sa akin ni Dad bago sya mamatay ang limang hektariang Mandarin Farm. Sa kasalukuyan yan pa lang ang pwede kong gamitin sa mga pamana nya.

"Talaga. Sa gwapo kong 'to."

"Pero may iba pa namang pamana sayo ang Dad mo diba?"

"Ilang beses mo na ba tinanong yan?" Ilang beses ko na kinukwento kung bakit hindi ko pa nakukuha ang kayamanan sa kanya pero tanong pa rin sya ng tanong.

"Kasi naman, parang joke mo lang yun." Tumawa sya ng malakas. "Kailangan mong.. Ano nga uli yun? Hahaha!"

"Maglinis ka na nga jan!" Lakas ng trip nito.

"Opo Master."

Maski ako natatawa sa habilin ni Dad sa akin. Alam nyo yung sa TV o sa movie lang naman nangyayari yun, tapos ipapagawa sayo? Ewan ko ba. Hindi ko naman alam kung saan ko hahanapin ang babaeng yun. Kung sino ba yung prinsesang dapat kong iligtas at kung ano-ano pa. Hayy. Ang weird talaga ng tatay ko.



<3

Mirko's POV

=Mas lalo pang naging magulo ang takbo ng pamahalaan sa Leuropia. Maski ang mga sibilyan ay nalilito na sa papanigan. Sa kasalukuyan, hawak na ng Prime Minister ang Reyna ng tinutugis na Royal Fam---=

Pinatay ko kaagad ang TV ng mapansin kong dumating ang Mahal na Prinsesa.

"Bakit mo pinatay?" Reklamo nya na natatarantang lumapit sa TV para buksan uli.

=Naguulat Tina Curnejo=

"Tapus na tuloy!" Galit na tinitigan nya ako. "Alam mo ba kung gano kahalaga ang balitang yun? My Mom is in danger! Narinig ko ang lahat!"

"Pero wag nyo na pong isipin yun. Hindi magagawang saktan nila ang Mahal na Reyna."

"Hindi nila sasaktan kung magpapakita na kami!" Kita ko yung mga luhang umaagos sa mga mata nya.

"Shhhh.." Niyakap ko sya at hinaplos ang buhok nya. "Magiging maayos din ang lahat."

"Sana nga Mirko. Sana nga."

<3

Maghapon syang nagkulong sa kwarto. Hindi ko na alam kung pano ko sya icocomfort. Wala rin naman akong magawa sa mga nangyayari at magiging may kwenta lang ako kung papanatilihin kong ligtas si Daniella.

"Anong iniisip mo Mirko." Kaagad na salubong ni Niella pagpasok nya pa lang sa kwarto.

"Iniisip ko kung saang lupalop nagtatago si Heneral Wyomi."

"Hanggang ngayon wala ka pang lead kung nasan sya?" Naramdaman kong minamasahe nya ang balikat ko.

"Wala."

My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon