NINA's POV
Bakasyon na ngayon. Ako si Nina Yvonne Sherllion at 20 years old na ako. May sariling business ang family namin. Naisip ng family namin na magbakasyon sa Batanes tutal may bahay naman kami doon. Excited na nga ako pumunta doon. May iba't ibang tanawin, pwede kang maghiking at pwede ding magswimming pero ang pinakagusto ko sa lahat ay ang magpicture taking. Maganda kasi ang view kaya hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na ito. Picture kung picture. Mahihiya pa ba ako eh nandito na ako. Speaking of nandito, ito na pala ang hinihintay kong oras.
"Oh anak nandito na tayo. Ayusin mo muna ang mga gamit mo tsaka ka gumala ha." Bilin ni mommy. Sinunod ko naman iyon. Hapon na kami nakarating kaya sakto para sa inaabangan kong sunset. Tumakbo na ako papunta sa may dagat. Agad kong hinanap ang favorite spot ko. Buti nalang at may signal na doon hindi gaya noon.
"#WaitingForMrSunset." Sabi ko habang nagtatype sabay post sa fb. Mag-isa lang ako doon kaya kahit ano pwede kong gawin kasi wala namang makakakita. Kahit magtambling pa ako dyan walang makakakita. Grabe talaga. namiss ko ang mga panahong nandito pa ako. Sariwang hangin plus tunog ng dagat equals perfect. Maya-maya pa ay napagod na ako kaya naghanap ako ng maliit na bato. Actually sakto lang talaga ang size nya para upuan. Hindi masyadong maliit at hindi din masyadong malaki. Sakto nga lang eh. Nakakapagod kayang tumayo ng matagal. Sa MRT/LRT pa nga lang ngawit ka na paano pa kaya kung ilang oras kang tatayo para lang kay Mr. Sunset. Makalipas ang matagal kong paghihintay ay dumating na si Mr. Sunset. Syempre picture picture. Ang ganda talaga.
JC's POV
"Ma pupunta lang po ako sa may dagat." Paalam ko sabay takbbo papuntag dagat. May nakita akong babae na nandoon sa paborito kong lugar para picturan ang sunset. Tutal mukhang hindi ko s'ya mapapaalis doon dahil busy sya sa pagkuha ng litrato, isasama ko nalang sya sa litrato.
"Miss dito sa kaliwa!" Sigaw ko sa kanya. Agad naman syang tumigil sa pagkuha n'ya ng litrato at lumingon sa nais kong direksyon. Pinindot ko ang kamera ko. Sakto naman ang hangin na dumating para sa ikagaganda ng litrato.
"Hey! Delete mo nga iyan. Bakit mo ako kinuhaan ng litrato?" Sigaw ng babae mula sa kanyang kinauupuan.
"Ayoko nga. Maganda ang shot ko tapos ipadedelete mo lang." Sabi ko naman sa kanya. Tumakbo ito papunta sa akin at ako naman ay tumakbo palayo sa kanya. Ang ending ay naghabulan kami sa ilalim ng sunset.
"Idelete mo yan." Sigaw n'ya habang hinahabol ako.
"Ayoko ng teh. Aketch ang picture na itech." Nagboses bakla ako para matawa s'ya. Hindi naman ako nabigo. May kasama pa kasing gestures na pambakla ang ginawa ko na lalong nakapagpatawa sa kanya. Ayun utas na s'ya kakatawa.
"Hahaha. Tama na. Wag mo na ako patawanin. Hahaha." Utas pa rin s'ya kakatawa. Tumigil na s'ya sa paghahabol kaya tumigil na din ako sa pagtakbo at lumapit sa kanya.
"Oo na Suko na ako. Iyo na 'yang picture na 'yan." Hingal n'yang sabi.
'Haha. Susuko ka din pala eh. By the way, I'm Jake Carlo Waltzford. JC for short." Nagipagshake hands ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Summer Love
Short StoryThis is a one shot story of mine. This is my first time to create an one shot story. Sorry if it's too lame. Hope you enjoy this. Feel free to comment your reactions and vote if you like the story. Thanks. ;)