Chapter 17

1.5K 41 1
                                    

Tulala naman akong hinila ni Lennox patungo sa labas at pinag buksan nya ko ng sasakyan. Gaya ng sabi nya pupunta kami sa OB ko nakapag paalam na sya kay nanay. Pero tulala parin ako. Napahalukipkip nalang ako habang pinaadar nya ang sasakyan. Patingin tingin ako sa kanya hangang ngayun hindi parin mawala wala sa sistema ko ang sinabi nya saakin. Parang biglang nagkaroon ng paru paru sa tiyan ko.

Napatingin naman ako sa supladong mukha ni Lennox nandito na kami hinintay lang namin sandali ang OB.
Agad naman akong napaiwas ng tingin ng nagawi ang tingin nya saakin.

"Humiga po kayo dito Mrs, Beuntura." pinamulahan naman ako ng tawagin ako ng doctor ng Mrs. Beuntura. Tatanggi na sana ako pero inalalayan nako ni Lennox pahiga. Parang ingat na ingat sya. Kaya napanguso nalang ako.

Nilagyan yung tummy ko ng gel napatingin ako sa screen. May kung anong bagay sya na inikot ikot sa tiyan ko hindi ko alam kung anong tawag doon since first ko pa naman ko. Napatingin naman ako sa maliit na parang bilog.

"Thats your baby." ani ni Doctor Lerna. Titig na titig ako doon. Wow. Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam ko para akong maiiyak na iwan. Napatingin naman ako kay Lennox. Titig na titig rin sya sa screen namumungay ang mata nya at biglang napangiti. Ng mapatingin sya saakin agad na nawala ang ngiti nya at sumeryoso na. Napanguso nalang ako napaka suplado nya talaga.

Madami pang sinabi si Doctor Lerna saakin at mga pinayo sya saakin. May mga upcoming check up rin ako sa kanya. May mga binigay rin sya na mga vitamins saakin for pregnant woman

Ng matapos kami inalalayan nya parin ako na parang babasaging bagay.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng makasakay kami sa kotse nya.

"We're going to eat." maikling sabi nya. Napakalumbaba nalang ako at binaling ang tingin ko sa bintana. Ilang sandali rin kaming nag lakbay sa highway bago huminto ang sasakyan nya. Napatingin naman ako sa hinintuan nya. Isa iyong five star restaurant.

Bumaba sya at pinag buksan ako ng pintuan. Nang makapasok kami pinag titinginan pa sya ng mga babae. Napairap nalang ako sa kawalan sino ba naman kasing di titingin sakanya.

Umopo naman kami sa bakanting upuan. Tinawag nya yung waiter.

"What do you want to eat?" Tanong nya saakin. Binaling ko naman ang tingin ko sa menu. Pero agad ko ring iniwas ang tingin ko dahil ang hirap hirap basahin nong mga pagkain sa menu.

"Ikaw nalang bahala."

Ng matapos kaming kumainq bumalik na kami sa kotse. Gaya kanina pinag buksan nya ako ng sasakyan.

"Amm..." napalingon. Naman sya saakin. Tumaas ang kilay nya ng hindi ko masabi ang gusto kong sabihin.

"Ano kasi si Query gising na. Wala kabang balak na puntahan sya?" mahinang sabi ko hindi ko alam kung bakit nababahiran ng pait ang boses ko.

"Why would i?"

"Huh?" nalilito kung sabi naiintindihan ko naman ang ibig niyang sinabi pero...

"She's not my fiancé anymore so i don't have to obligate her." nag kasalubong naman ang kilay ko napaka wala talaga niyang puso.

"Pero naging fiance morin sya. Kung hindi lang sa sitwasyon ko ngayun...baka fiance mo parin sya." napaiwas naman ako ng tingin.

"Shut up woman! cant you just be thankful dahil hindi natuloy ang kasal namin!" nagulat naman ako ng biglang tumaas ang boses nya ay tumaas baba ang balikat nya.

"Bakit moko sinisigawan?" naiiyak na sabi ko. Takot ako kapag ganon sya gusto ko nalang mag tago at umalis. Dahan dahang tumulo ang luha hindi ko alam pero big deal saakin yun. Napatingin naman sya saakin. At biglang umamo ang mukha nya.

MR. Billionaire got me pregnantWhere stories live. Discover now