Chapter 1: Ako Muna bida dto🤭😁

1 0 0
                                    

Just call me "Camile"hehe totoong pangalan ko yan 😂

Totoo nga ang sabi ng karamihan na sa highschool mo maeenjoy ang buhay mo, well naranasan ko kung pano maging masaya, umibig, maglakwatya, tumawa ng malakas, magkaroon ng medals, matatas na grades, maging TOP 1 and higit sa lahat, magkaroon ng marami and mga totoong kaibigan. Dito ko lahat naranasan yan sa highschool. ❣️

Pero bago ako maghighschool, haha kwento ko muna ng pagkaikli ikli ang buhay elementary ko. 😁

Elementary ako naranasan kong mabully, sobra sobra, mga classmate kong mga feeling mayayaman and magaganda lang naman ang nambubully sakin, isama mo na pati mga teachers kong feeling santa and edukada mga wala namang utak at malasakit. Tss! Sorry pero totoo. Hindi lahat ng guro mababait! 😒

Anjan yung kurot kurutin ako pag tumabi ako ng upuan kahit upuan ko naman talaga yun!, Anjan yung lagi nalang nila akong nakikita and pagtripan, keso pangit ako, mahirap lang kuno marungis, badoy. anjan pa yung pinagbintangan pakong magnanakaw ng bwesit kong kaklase na mas lalong naging dahilan para kamuhian nla ako. Tawag nga sakin (makati kamay, ) (tamadity) and marami pang iba. Pero kahit papano nakagraduate naman ako and nasurvive ko yung 6 na taon kong paghihirap. 😅 Ewan ko ba pero matatag ako. Kasi kung iba yun baka ayaw na nila magaral.  Nakaraos nlang ako ng konti nung nagabroad si mama. Medyo umokay naman ang buhay kahit papano, 😁

Nung naghighschool ako, akala ko tulad parin ng dati yung mararanasan ko, tahimik lang ako kasi wala akong kakilala ni isa sa mga kaklase ko 🥺 para akong kinakabahan na ewan pero nanahimik nalang ako. Nagadjust ako kahit papano. Pero, nung magdaan yung ilang araw nakita ko na may mga nagkikipagusap narin sakin. Sabi pa nila na nakakatakot daw ako kasi mukha akong masungit sa sobrang tahimik ko. Pero nung nakilala nila ako kwela naman daw pala. May mga naging kaibigan ako na sobrang napalapit sakin nung 1st yr HS ako.. sila Eva, Zyra, Divina, Shaina, Mylene, Roman, Jenelyn, Jeroy, Alfonso, Raul, and marami pang iba haha, halos lahat ng classmates ko kaclose ko rin ultimo yung mga di masyadong nagsasalita 😁😁 nagkaroon rin ako ng maraming crush haha pero mas tumatak sakin sina ARKO at ALFONSO 😅 Si Arko taga kabilang section katapat lang namin, pero nakaclose namin sila nakakaaway rin haha. Si Arko kasi gwapo, mabait and crush nya rin ata ako HAHAHHAHA diba assuming, ? Nagbigay rin kasi ng motibo sakin juskon😅

Habang naglilinis pa nga ako lumapit sya , hinawakan baba( jaw 😅 baka ano isipin nyo) ko and sinabing "tama na yan  pinagpapawisan kana," nasweetan ako and kinilig pero di ako nagpahalata haha. Ang totoo rin, nagpapansin lang din ako sakanya 😅 landiiiii😂 pero dahil sa kanya nagaway kami nung kaibigan ko rin na knows ko naman ng crush na crush rin si Arko pero crush ko lang naman din yun ee inaway ako bigla hahaha kala mo naman inagawan ng boifriiin. Hehe.

Si Alfonso tinuturing kong 1st love ko, yung maliit na yun, yung panday kids na yun, tinuring kong 1st love 🥺😅  love is blind talaga 😂 pangit ko rin naman dati pero sya cute. Tinawag namin syang Oliver kasi kamukha nya si Buboy Villar nung sa Panday Kids palang.. naging close kami hanggang sa nalaman nyang crush ko sya at sabi nya sa kaibigan namin na liligawan nya daw ako. Pero wala namang naganap na official ligaw, imagine? 12 anyos palang kami nun hahaha.. Yun siguro ung tinatawag nilang Puppy Love 🥰 walang official pero naging kami kuno, hahaha wala ring official status pero tingin namin sa isat isa naging kami at ex ang turingan namin ngayon, hahaha wala ring official break up 😅 galing 😂 Di rin namin sineryoso yun, ay sya lang pala ang di sumeryoso HAHAHA shiket🥺 hahaha

Nung magbakasyon na at mag 2nd yr highschool na kami, wala na kaming nag komunikasyon, hanggang sa dumating ang second yr hindi ko na sya naging classmate pero karamihan sa mga kaklase ko dati kaklase ko parin nun, marami lang nahiwalay, si Alfonso napunta sa ibang sekyon, deritso na yun at dina kami nagusap, and nagkakahiyaan na kaming dalawa like seriously? 😂😂 Charrr.. Hanggang sa nagtext sya sa isang kaklase namin na " Pakisabi kay Camile hindi ko na sya mahal" like TFvck.🥺 Masakit yun sobrang sakit and matagal bago ako makamove on. 🥺 And nagpaligaw naman ako nagkaroon ng bebe pero 1week lang kasi diko kaya eh paplay play lang hahaha landiiii talaga. Hahaha Diko pa napapansin yung magiging asawa ko pala ngayon na kaklase ko nung secondyr 😂 gets nyo? hahahaha

Pano kasi, may sarili silang mundo, hindi naman kasi sila kagwapuhan ng barkada nya, tapos mga parang adik pa, mabisyo sila, inom sigarilyo tapos bulakbol pa😒 mabait naman sila and minsan nakikipagbiruan, diko lang sya napapansin dati kasi dipa ko nakakamove on kay Oliver ee😂 nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan dahil mga bagong akong kaklase lalo na mga babae, dun ko rin naranasang makipag kompetensya sa grades 😂 TOP1 ako deritso mula 1st grading to last quarter may katie lang ako nung 1st-2nd grading si Gerlie na kaibigan ko rin nakilala ko rin si Daniella na magiging bestfriend ko hanggang ngayon. Matatag kami hehe. Ewan ko ba sa babaeng yun at bilib bilib sya sakin. Lagi nya akong ninonominate sa mga election sa klase tapos supportive pa sakin sa mga quiz bees 🥰 kaya ko sya naging bestfriend, di na kami mapaghiwalay, nakilaa ko rin sina April, Jesabel, Mildred,  Rosemay ,Jessa 1,  Jessa 2, Jaspher  , Yanna and si Meliza na nagiisang naging kaibigan ko nung elementary pero saglit lang yung kasi lumipat sya ng school. 😂 sa lalaki naman sina Alfred, Romel, Kevin , Jeremy, Jomari and Si Artemio (Art for short, hahaha oo sya magiging asawa ko, pangit ng pangalan no pang gurang na) hahahaha

Anjan rin sila Joyce, Almira, Reybellen, at Carla na mga chicks hehe. Mga medyo pasaway ng klase hahaha

Naging masaya naman ang 2nd yr ko pwera lang nung ipahiya ako nung bading kong teacher sa math hahaha ,

"Dimo deserve maging top 1 napaka irresponsible mo, pati pagpass lang ng notebook and clearance late ka" like seriously? Batayan naba nun ang clearance sa pagiging top 1? Naging top 1 ako kasi matataas ang grades ko no? And for his information kaya lang naman ako nalate sa pagpass kasi nawala yung clearance ko 😒 hayss. Diba sabi ko naman sainyo di lahat ng teachers mabait HAHAHHAA. nakakaloka pero diko naman na sya sinagot kasi naiiyak nako nun 🥺 bwesit naman kasi hahaha napahiya ako ng bongga nun. 😒🥺

Lumipas ang buong school yr and 3rd yr na kami. 😂 Malamang😂😂 Di parin ako nakakamove on kay Oliver 😂 hahaha pero may mga nagpaparamdam sakin rin nun, tulad ni Ericson na since 2nd yr nagpaparamdam na pero diko lang pinapansin, pero alam ni Daniella at nahahalata nya yun, napaguusapan rin namin sya minsan pero sobrang torpe eh. 😂😂 .

May mga bago nanaman kasing mga kaklase pero konti lang, Anjan sina Patricia, Charlene( na magiging bff ni Girlie) si Trisha at Si Gerald.

Naging close ko rin naman sila napaka friendly ko kaya 😂 hahaha mas naging masaya ang buhay ko kasi andami kong kaibigan and dagdag mo pa yung paborito naming adviser si Maam Pel🥰 napakastrikto nya pero napakamalasakit, parang nagging nanay  nanayan ko sya, ako kasi president ng classroom kaya mas close kami, minsan ngang nagkaproblema yung isang kaklase ko si patricia, hinanap namin kahit gabi na. Napagalitan pako sa bahay HAHHAHA😂😂

Dito ko rin unti unting nakilala si Art, (my hubby🥰) hahaha kiliiig! 😂 Humanga ako sa kanya sa galing nya sa math, di narin sya masyadong umaabsent, minsan ngang kinontest kaming dalawa sa math quiz bee, ang galing nya sa math talaga hahaha fav subject daw nya yun. Mas lalo kaming naging close, tipong dadaan ako sa pinto eh "hi camile" laging bungad nya hehe , diko naman masyadong binigyan yun ng meaning baka assumera pako hahaha.

One time, kasama nya si Jeremy nasa Corridor ako sa tapat ng roon namin, sila naman nasa baba tapat ng kinaroroonan ko, tapos paakyat nila na parang lalapit sakin at may sasabihin, pero nung malapit na sila biglang dumating si Daniella at napahinto sila, hinila ako ni Daniella papasok ng room, mula nun di ko na tuloy alam kung ano ba ung sasabihin nila sakin hahahaha

Aaminin ko maging crush ko rin sa noon sa galing nya sa math, naturn on ako sa kanya, kasi kahit bulakbol sya, diko akalain na ganon pala sya kagaling sa math, tipong mababa ang nga grades nya sa iba pero sa math mataas. Sana all talaga magaling sa math hahaha. 😂

Still You Since 2014❤️❣️Where stories live. Discover now