Chapter 8

413 35 2
                                    

Panibagong biktima na naging abo na naman. A missing woman na paniguradong ang abo na nasa mga daliri niya ang nawawalang biktima.

Pinagmasdan ni Azzam ang sunog na parte na lupa. Basa man iyun ng ulan ay may naiwan pa din bakas ng abo mula sa sinunog na katawan ng tao. Muli,isang babae na naman ang nabiktima.

Naireport ang pagkawala ng isang babae mula sa isang kaanak ng biktima at matagal na nila sinusubaybayan ang ganitong eksena pero mahusay ang gumawa nito bukod sa naiwan abo at parte na bahagi na pinagsunugan ng mga katawan ay wala ng naiwan pa na ebidensya na siyang magtuturo sa kanila kung sino ang gumagawa nito.

Hindi na nagugustuhan ni Prinsipe Aquilles ang kasong ito dahil hindi pa rin nila alam kung sino ang gumagawa ng ganitong kawalang awa na pagpatay sa mga inosenteng tao.

"Matagal na natin sinusubaybayan ang kasong ito pero hanggang ngayon wala tayo lead kung sino ang gumagawa nito. Napakahusay niya,"mariin na saad ni Prinsipe Aquilles na kahit abala ay nagpunta sa pinangyarihan upang personal na makita ang ganitong senaryo na maraming taon na nitong tinututukan.

Tumayo siya at hinarap ang prinsipe na mababanaag ang galit at pagkainis dahil bigo na naman sila malaman kung sino ang suspek.

"Hindi kapwa niyang tao ang gagawa nito maliban na lang kung kauri natin,"usal nito habang mariin pa rin nakadungaw sa basang lupa na may sunog na mga damo.

"Isa siyang alamat,"untag niya upang pakalmahin ang prinsipe.

Madilim ang mga mata nito na nag-angat ito ng tingin sa kanya at nginisihan niya ito.

"Isang malaking insulto sakin na mapasahanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang gumagawa nito sa mga inosenteng tao,"saad nito na mauulinigan ang galit at pagkadismaya sa boses ng prinsipe.

"Palagi may tamang panahon at darating din ang oras na mahuhuli ang gumagawa nito,"alo niya sa prinsipe.

Napatiim-bagang na lamang ang prinsipe sa huli.

Sinuyod ng mga mata niya ang malawak na bukirin. Madali nila nahanap ang lugar na ito dahil  may nakapansin na may liwanag na nagmula rito mula sa kinaroroonan ng nakapagsabi at hindi sila magdalawang-isip na puntahan ang lugar na ito at hindi sila nagkamali na panibagong case na naman ang nadagdag sa listahan nila ang hindi nila matukoy kung sino ang may kagagawan.

Nilanghap niya ang malamig na simoy ng hangin. Humalo sa hangin ang amoy ng lupa mula sa pagkabasa niyun sa ulan ng nagdaan gabi.

Napahinto sa paglalakad si Azzam ng matanaw niya sa labas ng opisina ng prinsipe si Sanya. Nauna siyang umakyat sa palapag na iyun dahil may kinausap pa ang prinsipe sa baba ng building.

Agad siya nakaramdam ng excitement na makita ang dalaga pero agad na naagaw ng tingin nya ang lalaking palapit sa prinsesa nanggaling ito marahil sa banyo dahil doon lamang may pintuan bukod sa pintuan ng opisina ng prinsipe.

Anong ginagawa ng lalaking iyun rito?

Mabilis ang hakbang na ginawa niya at nasa tabi na siya ni Sanya. Hindi na ito nagulat pa na naroon na siya sa tabi nito.

Sinulyapan siya nito pero agad din niya binaling ang tingin sa lalaki.

"May bisita ka?"tanong niya kahit sa lalaki nakatingin.

May palakaibigan na ngiti na nakapaskil sa mapupulang labi nito.

"Magandang umaga,Sir! School mate ako ni Sanya,Ismail,"pagpapakilala nito sa sarili at naglahad ng kamay sa kanya.

Nakatutok naman sa kanya ang mga mata ni Sanya kahit nakakaramdam siya ng pagkadisgusto sa lalaki. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.

"Nandito siya para kay ama,"untag ng dalaga sa kanya.

Bumaling siya sa dalaga. "Talaga?"

Bahagyang naningkit ang maiitim na mga mata ng dalaga.

"Gusto niyang mag-apply dito,part tome job..si ama ang hinihintay niya,"saad nito na deretso ang tingin sa mga mata niya.

"Hindi mo nasabi na pupunta ka dito?"huli na para pigilan ang pananalita niya na may himig na pagdududa.

Bago pa man makareak ang dalaga bumukas ang elevator at niluwa roon ang prinsipe.

"Sanya,nandito ka pala?"agad na bungad ng ama nito sa dalaga.

Nakahalukipkip na humarap ang dalaga sa prinsipe. Alam niya sa ayos nito iyun ay hindi nito nagustuhan ang huli niyang sinabi.

Anong magagawa niya? Iyun ang nararamdaman niya at daan-daan taon na ang nagdaan sa buhay niya para umasta pa na parang teenager na idideny ang isang bagay .

Hindi siya tao kaya wala sa bokabularyo niya ang maging mapagkunwari.

Pupunahin sana ng prinsipe ang inakto ng anak ng maagaw ng atensyon nito si Ismail.

"Ismail,tama?"agad na nakilala sabi ng prinsipe.

"Yes,Mr.Halpert!"agad na pagtugon ng binata sa prinsipe.

"Sa loob na tayo mag-usap,"anang ng prinsipe saka muli ito bumalint kay Sanya.

"May kailangan ka ba,hija?"tanong ng ama rito.

Malamig na tingin ang pinukol sa kanya ng dalaga.

"Dito na po ako nagpunta dahil alam kong magkasama kayo ni Azzam..magpapasama sana ako sa kanya,"saad nito.

Agad na nilingon siya ng prinsipe.

"May gagawin ka ba ngayon?"

Umiling siya.

"Ayos lang ba samahan mo si Sanya?"anito.

Agad na tumango siya.

Lumapit ang prinsipe sa dalaga at pinatakan nito ng halik ang noo ng anak saka ito nagpaalam sa kanila.

"Mr.Ravires,follow me,"may pagkaawtoridad na untag nito kay Ismail.

"Yes,Sir,"maagap na tugon nito sa prinsipe.

"See you around,Mahal na prinsesa!"saad nito saka mabilis na sumunod sa prinsipe sa loob ng opisina nito.

Binalot sila ng katahimikan ng dalaga na sila na lamang ang naiwan roon.

"May pupuntahan ka?"pagbasag niya sa katahimikan.

Kung wala lamang sila sa teritoryo ng ama nito malamang nilambing na niya ang dalaga.

"Sa baba na tayo mag-usap,"untag ng dalaga na napansin kaagad ang kagustuhan niya na lapitan ito.

Pinagbuksan niya ito ng pintuan ng kotse at mabilis na sumakay siya sa likod na manobela.

"Pasensya na sa sin--"naputol ang sasabihin niya ng humilig ito sa balikat niya.

"Namimiss kita,"usal nito habang nakapikit ang mga mata nito na nakahilig sa balikat niya.

He's melting. Para siyang nauupos na kandila sa inakto ng dalaga.

Naglalambing ang pinakamamahal niyang si Sanya!

"Namiss din kita,"saad niya sabay halik sa ibabaw ng ulo nito.

Dinala niya ang dalaga sa condo unit niya.

"Gusto mo tugtugan kita?"untag niya sa prinsesa habang abala ito sa pagsipat sa mga instrumento niya.

Agad na tinuro nito ang piano. Napangisi siya at umupo sa harapan niyun.

Tumabi naman ito sa kanya at sinimulan na niya ang pagpapiano.

Inihilig ng dalaga ang ulo nito sa balikat niya.

Sinabayan niya iyun ng pagkanta sa isang kilalang awitin.

Nang matapos ang huling pyesa ay natawa na lamang siya ng makitang nakatulog ang prinsesa sa balikat niya.

"Tinulugan ako ng mahal na prinsesa.."natatawang turan niya at maingat na pinatakan ng halik ang noo nito saka niya binuhat ito patungo sa kanhang silid.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon