Huling Halik

85 8 1
                                    

Ako si Mara, pangalawa sa sampung magkakapatid. Mahirap ang buhay namin sa probinsya ngunit masaya kami ng aming pamilya. Punong-puno ng pagmamahalan ang bawat isa. 

"Mara magluto ka na," wika ng Ate Paula ko. "Narito si Migz, dito raw siya kakain."

Nang marinig ko ang pangalan ni Migz ay napakislot ako sa aking upuan. Matagal ko nang lihim na minamahal ang tropang ito ng ate ko. 

"Ang kapal talaga ng mukha mo," sabi ko kay Migz. "May bigas naman sa inyo pero dito mo pa  talaga gustong kumain. Bumili ka ng ulam o kaya tulungan mo akong manguha ng gulayin kasi pulubi na kami dahil sa katakawan mo."

"Gusto ko kasing kasabay kumain ang mahal ko," tugon niya sa akin. 

Natawa si ate sa usapan  namin. Alam niya na crush ko ang tropa niya pero ayaw ng mga magulang namin na maging nobyo ko ang lalaking ito. Ayos lang kina mama at papa na maging kaibigan namin si Migz pero hindi ang maging bahagi ng pamilya namin dahil sa ugali ng mga magulang niya. Mabait ito, guwapo at matalino kaya hindi ko napigilang mahulog ang puso ko sa kaniya. 

Doon nagsimula ang kwento ng pagmamahalan namin ni Migz. Niligawan niya ako kahit tutol ang mga magulang namin. Sinagot ko rin siya ng walang pag-aalinlangan.

"Ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari!" umiiyak kong sabi sa mama ko. Binugbog kasi ako ni mama nang malaman niyang boyfriend ko na si Migz. Unang beses iyon na nakatikim ako ng pananakit ng magulang ko pero para kay Migz tiniis ko ang lahat. 

"Iyang katigasan ng ulo mo Mara ang magpapahamak sayo!" galit ring turan ng mama ko. 

"Sige na po 'ma, bigyan n'yo kami ng pagkakataon na ipakitang mahal namin ang isa't-isa."

"Hindi!" sabay hampas sa akin ng walis tambo ngunit maagap akong niyakap ni Migz kaya siya ang tinamaan ng pamalo. 

Dahil sa pangyayaring iyon ay lumayas ako sa amin. Sumama ako kay Migz papuntang Antipolo.  Mahal ko ang mga magulang ko ngunit mas mahal ko talaga ang lalaking ito. 

Lumipas ang mga panahon. Buntis ako sa unang anak namin ni Migz. Sinubukan naming umuwi sa aming probinsya. Wala ng nagawa ang mga magulang namin kaya ipinakasal na lamang kami. Pinatayuan pa nila kami ng sariling bahay. Maliit lang iyon pero abot hanggang langit ang saya sa puso ko dahil malaya na kaming dalawa ni Migz. 

Ngunit ang sayang iyon ay napalitan ng mga sugat sa puso at katawan ko sa paglipas ng panahon. Ang lalaking minahal ko at ipinaglaban ay nalulong sa bisyo, sugal at pambababae. 

"Mara!" tawag ni Migz sa akin. Paglapit ko sa kaniya ay sinuntok niya ako kaagad sa sikmura dahilan para mamilipit ako. 

"Anong sinabi mo kay mama?" galit niyang tanong sa akin. Hindi pa ako nakakabawi sa sakit ng suntok niya ay nasundan agad iyon ng sipa, sabunot, balya at kung ano-ano pa kaya lalo akong namilipit sa sakit. Parang hindi ko na kaya pa ang sakit ng katawan ko pero mas nadudurog ang puso ko. 

"W-wala akong… Ah… ang tiyan ko…. Tu-lungan mo ako Migz. Ang sakit ng tiyan ko."  Pabulong na lang halos ang mga daing ko. Biglang nagbago ang anyo ng asawa ko ng makita niya ang sitwasyon ko. Nawala ang galit, nahimasmasan siya. May pag-aalala niya akong binuhat at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Nanganak ako ng kulang pa sa buwan. Sobrang sakit ng kalooban ko ng mga oras na iyon. Hindi ito ang inaasahan ko mula sa lalaking mahal ko. Hindi pa nga nawawala ang mga pasa na dulot ng pambubugbog niya noong nakaraang linggo, ito na naman siya, sinaktan ako dahil sa mga maling kwento ng mama niya.  

"Mama, hindi ko na po talaga kaya."

"Iyan ang sinasabi namin sayo noon. Kaya ayaw namin na maging katipan mo ang lalaking iyan dahil alam naming hindi mapapabuti ang buhay mo pero matigas ang ulo mo eh."

Huling Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon