I LOVE YOU BUT I HAVE TO KILL YOU

11 3 0
                                    

𝐈 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐁𝐔𝐓 𝐈 𝐇𝐀𝐕𝐄 𝐓𝐎 𝐊𝐈𝐋𝐋 𝐘𝐎𝐔

The man that I love.

He's a Drug Dealer.

A Drug Lord, I guess.

And I am...

A secret agent,

And my mission is to find and kill him.

But that was before.

Hindi ko alam no'ng una.

Masyado akong masipag sa trabaho sa ibinibigay sa'kin, pumapatay ako kapag alam ko kung sino ang nasa misyon ko.

Pero sa buong buhay ko...

Ngayon lang ako nagdadalawang isip na pumatay ng tao.

Dahil ang lalaking nasa misyon ko,

Ay ang lalaki ngayon na bumuo sa buhay ko.

Ang lalaking mahal ko.

"Baby?"

Napakurap kurap pa ako kay Acel. Hindi namalayang tinatawag na niya pala ako.

"Is there a problem, Zara?" Nakakunot ang noo na may halong pag-aaalala ang mukha niya.

Meron. 'Yon ay dapat papatayin kita pero kailanma'y hindi ko naisip na makakayakap ko ngayon ang taong papatayin ko  para sa misyon ko.

Tumikhim ako saka nagsalita. "W-Wala."

Bumuntong-hininga siya saka lumapit at bigla akong niyakap ng mahigpit. Napangiti naman ako dahil kapag hindi ko sinasabi sa kaniya ang problema ko, niyayakap na lang niya ako.

"It's okay, I'm here." Aniya na para bang alam ang pinagdaraanan ko saka ako hinalikan sa noo. Bumaba iyon hanggang sa tungki ng ilong ko pababa sa labi ko.

At nang magtagpo ang mga labi namin ay nawala na naman ako sa sarili kaya napahawak ako sa magkabilang braso niya. Noong una ay banayad lang ang halik niya, hanggang sa mas pinalalim niya pa iyon.

Namalayan ko nalang na humahakbang siya paharap at ako nama'y paatras. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang malamig na pader sa likod ko.

Alam ko na ang sunod na mangyayari kaya naman para pigilan, pumikit ako ng mariin habang kahalikan siya saka inilabas ang kutsilyo mula sa likod ko.

Sana kayanin ko 'to. Ang trabaho ay trabaho. Hindi ako pwede magpadala sa emosyon na nararamdaman ko dahil makakaapekto 'yon sa tinatrabaho ko.

Palihim akong napailing sa sarili.

Huli na ang lahat.


Habang mapusok niyang hinahalikan ay ramdam kong unti-unti na niyang tinatanggal ang mga damit ko. Nakakapit ang kanan kong kamay sa leeg niya at ang kaliwa ko namang kamay ay nasa likod niya, hawak na ang kutsilyo na isasaksak nalang sa kaniya.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon