Matapos kumain ng dinner ay dumeretso na kami pauwi. I immediately took a shower and put on comfortable pajamas. Napangiwi ako ng maalala ang sinabi ni Seig na 'wag daw akong magsusuot ng undies kapag nandito so I did!
I only wear pajamas. Wala akong kahit anong suot panloob. Naabutan ko siyang nasa veranda, nakatanaw sa kawalan habang humihithit ng sigarilyo. I don't know why I have this feeling that I want to come near him and talk to him about things. But I was taken aback by his presence. There's something with his actions na parang nakakapagduda. I don't know, maybe because I know what kind of man he is.
Hindi pa rin maitatago ang katotohanang, pareho kaming anak ng dalawang magkalabang pamilya sa lahat ng bagay.
Sa yaman or sa kasikatan? Sa impluwensiya at sa karapatan.
This is something thrilling, risky, and scary at the same time.
'Yong alam mong sa huli, ay wala rin namang kahahantungan. Nasapo ko ang sariling dibdib ng makaramdam ng kakaiba. Binabago ang tibok ng puso ko. Sa iksi ng panahon na kasama ko siya, unti-unti ko ng nararamdaman ang bagay na hindi ko dapat maramdaman umpisa pa lang. I bit my lip and took my phone, it was the new phone I bought, iilang contacts pa lang ang na-save ko rito kasama na ang number ni Pia. I messaged her yesterday. Tahimik akong lumabas ng kwarto at tinahak ang balkonahe sa baba.
The night was so peaceful. I browsed my contacts and found the one I wanted to call. Ilang ring lang iyon at agad na niyang sinagot.
"Hey! Kumusta? Ano okay ka lang ba d'yan? Hindi ka ba niya sinasaktan? Pinagbubuhatan ng kamay o tinuturing na walang kwenta?"
"Actually, it was the opposite Pia." natahimik siya saglit.
"Y-you mean, he's treating you in a nice way?"
"Yeah, hindi niya pinaparamdam sa 'kin ang away sa pagitan ng pamilya namin. He's giving me all I need. He gave me a job, let me sleep in his room, and let me live in his house. Kung tutuusin buhay reyna ako rito."
Totoo naman, although being with Seigraine feels like riding a roller coaster. Daig pa niya ang math problems. He's a puzzle to me na hindi ko magawang buoin. There's always a missing piece. Hindi ko pa rin siya lubos na maintindihan.
Mahirap siyang maintindihan.
"Anong tingin mo kay Seigraine? I mean, anong nararamdaman mo when he's around?" nagtaka ako sa naging tanong niya.
"What kind of question is that?"
"Sagutin mo na lang," Kumunot ang noo ko at inalala si Seigraine sa t'wing magkalapit kaming dalawa.
"Well, bukod sa kakaiba talagang pakiramdam sa dibdib ko. Nagiging komportable na rin ako sa kaniya kahit paano. Nakakaya ko nang i-handle ang ugali niyang mahirap intindihin. Kahit minsan nakakainis kasi bigla na lang may sumusunggab na babae sa kaniya kahit nasa tabi niya ako o nasa harapan." Katahimikan.
Hindi nagsalita agad si Pia sa kabilang linya, at parang narinig ko pa siyang magbuntong hininga.
"Ali, have you ever wondered why you hated him, lalo na no'ng college tayo?"
"He's a womanizer, araw-araw iba ibang babae ang kasama niya. Feeling niya ang gwapo-gwapo niya, na parang lahat ng babae maaakit niya. He's treating girls like fucking toys. He's a heartless beast, kung anong gwapo niya ay siyang sama ng ugali niya—"
BINABASA MO ANG
Enemies With Benefits (Under Major Revision)
Художественная прозаDanielle Callaway did not think twice to flee their home after learning that her father had set her up for another marriage. As she escaped being betrothed to someone she doesn't want, she found herself in a room on a sultry night with a stranger, w...