ASTER

61 4 1
                                    


"I'm so proud of you, love." Dani said as he hand me a boquet of yellow Roses.


"Thanks, love. Shit's about to get real na! I'll take my boards August next year then NMAT" I said to him habang naglalakad na kami palabas ng convention center kung saan ginanap graduation namin. I graduated today in BS Psychology. Kinuha ko 'yun as my pre-med dahil plano kong mag Neurologist, for no reason. Gusto ko lang talaga maybe because I'm too interested sa field na 'yun.



"Congratulations, anak." Dani's mom said nang makarating kami ng parking area. Wala na akong parents mula pagkabata, laking lola ako pero pumanaw na din years ago , in short lumaki din akong mag-isa. I'm super thankful nga nang makilala ko si Daniel, dahil hindi lang siya tumanggap sakin, pati nadin ang magulang niya. Katulad ngayon, bumyahe pa sila dito sa Manila, from Boracay just to celebrate with me.


"What's your plan now, Rei? Mag work kaba while waiting for board exam and NMAT?" Tanong saakin ng dad ni Dani habang kami'y kumakain ngayon sa isang Italian restaurant to celebrate my grad. Nahihiya nga ako dahil imbes na ako ang manlibre ay nag volunteer na si Mommy bilang gift na daw nila saakin.


"Should we enroll you to Review center? You don't have to work na para makapag focus ka on your studies anak. Just tell us." Sabi ni mommy na nakapag pailing saakin kaagad, hindi ako makasagot dahil puno pa ang aking bibig kaya't naunahan na ako ni Daniel sumagot.


"She don't need that mom. She's smart enough to ace the exam. Summa Cum Laude ata 'to." Mayabang na sabi ni Daniel kaya't ako ang nahiya't pasimple siyang kinurot.


"I'm planning to focus my studies on my own mom, while handling my jewelry business. Para naman po makapag-ipon ako for my Med school."



I have my own small business, hindi ganoon ka big time pero enough siya para maiahon sarili ko sa allowance sa school. I have my savings given by my lola, pero hindi ko masyadong ginagalaw for my future. Lumaki akong hindi maluho't sanay sa budgeting, kaya kahit scholar na ako ay nagiipon parin ako ng allowance for school para hindi matinag ang savings ko, lalo na't mahaba-habang pagaaral pa ang gagawin ko.




After our lunch out ay agad kaming umuwi ni Dani sa condo. Actually this is his. Pero okay lang naman sakanilang dito narin ako tumira since last year nang makagraduate siya ng college. I'm in charge naman sa kuryente and tubig para hindi ako mahiyang rent-free ako dito. Ayaw pa nga sana niyang pumayag pero naipagpilit ko.


"I love you." I randomly said to him nang makapasok kami ng condo. Sa araw-araw na binigay saakin, sobrang laki ng pasasalamat ko na ibinigay saakin si Daniel at ang parents niya. Sila ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon at nagsusumikap para maabot ang aking pangarap na maging doctor. Darating ang araw na makakabawi ako sakanila.

"I love you." He replied at niyakap ako't hinalikan ang aking ulo.


"Let's celebrate every milestone together. I'll promise to make you proud lagi." Lambing ko sakaniya bago higpitan ang aking yakap. I'm being emotional ngayon lalo na't may naachieve akong kasama siya.

AsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon