Chapter 2

9.3K 84 3
                                    

ISABEL (POV)

Kakatapos ko lang mag asikaso ng mga papers dito sa bago kong papasukan na university. Medyo nalilito pako dahil nasobraan naman ata sa laki ang school na to.

Bachelor of Science in Tourism Management ang kinuha kong course and 3rd year college nako but I'm irregular student dahil nga nagtransfer ako dito. Di naman kami ganung mayaman. Siguro masasabi ng may kaya. Nakatipid din ako sa tuition fee dahil nagtake ako ng scholarship. Kung di man ako nakapasa sa university na ito, malamang di talaga ako makakapasok dito dahil hindi afford ng mama ko na bayaran ang full tuition.

Marami din namang dahilan kung bakit ako lumipat ng school. Una, dahil ayoko dun mag-aral. Pangalawa, dahil nandun ang ex girlfriend ko. Oo isa akong bisexual at nasaktan ako ng sobra dahil niloko din ako ng kapwa ko babae.
Pangatlo, di ko kayang nakikita ang ex girlfriend ko na may kalampungang ibang babae. Siya kasi una kong nakarelasyon kahit maraming mga lalaking nanliligaw sakin ni isa wala akong nagustuhan. Ewan ko ba? bakit ako nainlove sakanya eh may pagka mayabang naman. kaso nga lang maganda talaga siya sexy at masasabi na ng lahat na isa siyang perfect girl, dahil mapalalaki man o mapababae nakukuha niya agad. Pero tingin ko naman di na ito pumapatol sa lalaki dahil sa panchichix niya palang di mo na mabibilang kung ilang babae na ang dumaan sa buhay niya. iba kasi talaga ang pakiramdam kapag siya na lagi kong nakikita. Kaso wala na. Iniwan na niya ako kaya sobrang sakit.

Kaya eto nandito nako nakalipat na din sa wakas. Bukas na agad start ng class ko.

Wala nakong dapat ayusin pa dahil tapos na lahat. Hapon na pala, kaya Naisipan ko na ding umuwi.

Pumara nako ng taxi at tuluyan ng umalis

"Miss nandito napo tayo" sabi ni manong driver.

"Ah si-sige po manong" agad ko namang inabot ang bayad.

Diko namalayan na nakaiglip na pala ako kanina sa taxi. Naglakad nako papuntang bahay, nilock ang gate at pumasok sa loob.

"Oh anak, andito kana pala," Agad naman akong hinalikan ni mama sa pisngi. halika na dito at maghapunan na tayo"

"Osige ma, tamang tama gutom na din ako"

Nilapag ko muna yung shoulder bag ko sa sofa. at pumunta nako sa kusina.

"Kamusta ang pag enroll mo nak?" Sabi ni mama habang ngumunguya ng pagkaen.

"Eto ma, okay lang naman. Medyo nakakapagud." Sabay subo ko ng pagkaen. Tska alam mo ma, sobrang laki ng university na yun compare dun sa pinasukan ko dati halos maligaw ligaw panga ako eh." Habang nakangiti.

"Mabuti naman nak kung ganun. Siguraduhin mo lang na hindi kana lilipat ng ibang school ha? Mahal pa naman ang tuition fee sa bago mong papasukan. Diko din naman alam kung makapagtapos ka dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon may trabaho ako." Lungkot na sabi ni mama.

"Ma! Ano kaba wag ka nangang magdrama jan. Alam mo namang ayokong nalulungkot ka eh. At tska ma may surprise ako sayo." Habang nakangiti.

"Ano yon anak?"

"Ma wala na kayong dapat ipag alala sa tuition fee, Dahil kumuha ako ng scholarship at sa awa ng diyos nakapasa ako." Ngiting sabi ko kay mama.

"Talaga anak? Hay diyos ko, salamat naman na nakapasa ka anak. Sobrang saya ko para sayo dahil kahit papano makakapagtipid tayo." Ngumiti naman si mama.

"Ayus lang yun ma, alam mo namang love na love kita eh. Ayokong nahihirapan ka."

"Salamat talaga anak, ang swerte swerte ko sayo. Dahil bukod sa kabaitan mo, isa kapang matalino at magandang bata." Kita ko talaga sa mga mata ni mama na masaya siya para sakin.

Addicted To Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon