VOODOO

335 15 10
                                    

VOODOO

Hindi dapat ginugusto pero nakakaramdam ng ganito

Sa tuwing ika’y lalapit kumakaripas itong puso

Kamay nanginginig, hindi malaman kung anung nasa isip

Maging salita ko tuloy, nagkakandapilipit

Ano nga bang dinulot mo , katawan tila hindi kontrolado

Sa tuwing ako’y lalayo, parang dinudurog ang puso

Mga salitang minsang hindi sinasabi

Ngayon lagi ng  namumutawi sa labi

Ano nga bang dulot mo, sa tuwina ika’y nasa isip

Mula umaga, tanghali, maging sa panaginip

Kaya ako’y nag-imbestiga, at tsaka ko lang naunawaan

Langhiya! Lahat ng ito pangkukulam mo lamang

Sabihin mo kung nasaan ang manika

Na gamit mo para puso ko’y iyong makuha

Sisirain ko iyon ‘pag aking nakuha

Upang matanggal itong mga ginawa mong sumpa

Nang aking mahanap agad kong sinira

Pinunit, sinunog, nang sa gayo’y walang matira

Pero hindi maipaliwanag, meron pa ring nararamdaman

Siguro nga TUNAY NA PAG-IBIG  itong aking nararanasan.

#TAGA-ILOG09 02/16/2015

Bulong ng Damdamin #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon