Kabanata 12

72 1 3
                                    

Bubble gum

I woke up with a gentle caressed on my face. Nang magmulat ako ay nakita ko si mommy na pinagmamasdan ako. Bumuntong hininga ako at dahan dahang umupo.

"Sunday ngayon. Your dad told me na magsisimba tayo ngayon," she said.

"For what? Para ipakita sa mga tao na masayang pamilya tayo?" Sarkastiko kong sinabi.

"Jez..."

"Mom, dad has a mistress at kaklase ko pa ang anak ng kabit niya! At ang mas nakakatawa pa ay gusto niyang agawin si daddy sa atin! I don't care kung kuhain nila si daddy sa akin but....dad is still my father! I can't let them used him!"

Mom sighed and I saw tears forming on her eyes. Hindi ko maiwasang maawa sa aking ina. She lived her life with all the harsh words and all the beating of my dad. Hindi ko pa nakikita sa kanyang mga mata ang tunay na kasiyahan.

"No matter what they do ikaw pa rin ang anak ng daddy mo. No one could replace you,"

Natahimik ako sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at tumingin sa kanyang mga mata.

"Pero paano ka mommy? Hahayaan mo na lang ba na may kabit si daddy? Paano mo nasisikmura ang lahat ng ito?" Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng boses.

Mas lalo pang nawasak ang puso ko ng makita ko kung paano nagbagsakan ang mga luha sa kanyang mga mata.

"I'm okay as long as you're fine, Jez," she said softly.

I shook my head in dismay. I can't believe na ayos lang sa kanya ang ganitong set-up. Hahayaan niya lang ang lahat ng ito? She is the legal wife! We are dad's family! Kahit papaano ay umaasa akong maaayos din ang pamilyang ito pero kung magpapatuloy ang lahat ng ito baka tuluyan lang kaming mawasak.

Kahit labag sa loob ko ay nag-ayos ako para sa pagsimba. Hindi ko alam kung bakit umuwi si daddy sa Lucena gayong busy siya sa pagiging senador. Nang bumaba ako ay nakita ko na agad ang nagkalat na bodyguards ni Daddy. Nandun na rin si mommy na maayos ang kasuotan. With her navy blue dress, neclace, a french hat and high heels makikitang siya nga ang asawa ng isang Senator Juando Romulo Nicio.

Dad looked at me as I go downstairs. Inayos niya ang kanyang necktie at nakita kong inutusan niya na ang driver na ihanda na ang sasakyan sa labas.

"Good morning Mom," I greeted my mom and kissed her on her cheeks. Nilampasan ko lang si daddy pagkatapos nun at lumabas na para makasakay na sa kotse na inihanda para sa akin.

Wala akong pakielam kung magalit si daddy sa inasta ko pero masyado akong galit sa kanya para pansinin pa siya.

Nasa unahang sasakyan sina mommy and daddy samantalang ako ay mag-isa sa kotse. Ang kasama ko lang ay ang isang bodyguard at driver na nasa front seat.

Napatingin ako sa designer bag na dala-dala ko ngayon. How funny how I used his money but here I am being angry at him. Anong gagawin ko sa mamahaling gamit na ito kung ang sarili kong pamilya ay hindi ko maayos?

Nang makarating na kami sa malaking simbahan ng Cathedral ay agad akong pinagbuksan ng mga tauhan ni daddy. My dress danced with the wind when I went out of the car. I am wearing a white off shoulder dress and high heels.

Sumunod ako kay mommy at daddy na papasok sa simbahan. Marami ng tao at lahat ng nandoon ay binabati si daddy at mommy. Kahit ang mga pari ay kilala si daddy. The poor held my dad's hand na para bang isa siyang savior ng mga ito.

Syempre dahil kilalang senador si daddy pinaupo kami sa pinaka-unahan. Ito pa man din ang pinakaayaw ko dahil hindi ako makakatulog! Damn!

Wala sa sarili akong umupo kahit ang lahat ng tao ay nakatayo. Napatingin sa akin si daddy pero hindi ko siya pinansin. Nangangalay na ako eh. Bakit ba kailangan pang tumayo kapag kumakanta ng 'Ama namin'? Paulit-ulit lang naman yan eh. Hindi ko mapigipang umismid.

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon