Kahit Kunwari (KristSingto)

36 0 0
                                    

+° Note!

️Typographical and Grammatical errors ahead. Lame story, read at your own risk!

Now Playing: Kahit Kunwari by TJ Monterde
—•—

"Have you ever thought of letting go, Krist?" isang mapait na ngiti ang puminta sa aking mga labi nang marinig ang tanong n'ya. Malalim akong napabuntong hininga't tumingin sa langit. Ang madilim at mapayapang kalangitan na mas pinaganda ng buwan at mga bituin. Nakakainggit, kung gaano kapayapa ang kalangitan ay ganun naman ang ikinagulo ng aking damdamin.

"Kahit kailan, hindi ko kailan man naisip na bitawan ka, Singto." mahina ngunit may diin kong sagot sa tanong n'ya. Tinignan ko s'ya, ang mga mata n'yang hindi ko kailan man mabasa. Hindi ko alam kung anong iniisip n'ya, gusto kong magtanong pero...

Pero natatakot akong malaman ang mga tumatakbo sa isip n'ya ngayon.

Pareho kaming nakatanaw ngayon sa balkonahe ng kwarto ko. Kapwa tahimik at ang simoy ng hangin ang nagsilbing ingay sa napakatahimik na mundo. Alas dose na ng madaling araw, tulog na tulog na ang mga tao ngunit heto kami't gising na gising pa.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ay masyadong mabigat sa pakiramdam. May kung anong hindi tama, parang may gusto s'yang sabihin na hindi n'ya mailabas.

"Ikwento mo 'yan, 'wag kang mag-alala. Makikinig ako." pagbasag ko sa katahimikan dahilan upang mapatingin s'ya sakin. Ang kanyang mga matang puno ng pag-aalala'y tumingin sa akin. Ngumiti ako upang siguraduhing handa akong makinig sa kung ano mang sasabihin n'ya.

"Napapagod na ako, Krist. Napapagod na ako sa ganito. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, sinusubukan kong lumaban, humanap ng dahilan para kumapit para kahit papaano'y walang masaktan sa ating dalawa..." mapait ako napangiti, nanumbalik ang mga ala-alang hindi ko kailanman makakalimutan. Nung una ko s'yang nakilala, nung una n'ya akong nilapitan.

"Pero pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung bakit pero napapagod na ako, dito, sa tayo... Napapagod na ako sa'yo." tila gumuho ang napakagandang imahe sa aking harapan nang bitawan n'ya ang mga salitang 'yon. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko, magkahalong sakit at lungkot ang nararamdaman ko.

Sakit dahil hindi ko akalaing mapapagod s'ya sakin...

Lungkot dahil pagkatapos ng usapang 'to, hindi ko na alam kung sa pag-gising ko, may Singto pa ba akong madadatnan sa umaga.

"Hanggang sa nakilala ko s'ya. Hindi ko alam pero parang nahanap ko yung pahinga ko. Alam mo 'yun? Sa tuwing nakikita ko s'ya, gumagaan yung bigat sa pakiramdam ko. Parang nahanap ko na yung pahinga ko sa nakakapagod na mundong 'to." hindi ko na napigilan at isa-isang kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Teka nga, hindi ba't ako ang pahinga mo? Bakit parang ako yung nakakapagod na mundong tinutukoy mo?

"Sinubukan kong pigilan. Itong nararamdaman ko pero wala eh. Krist, nahulog na ko." ako din naman, Singto. Nahulog din naman ako. Mas masakit nga lang yung akin kesa sa'yo.

Humarap ako sakan'ya, may mga ngiti sa mga labi ko habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha, "Naiintindihan ko..."

"Naiintindihan kong hindi mo na ako mahal, na pagod ka na sakin, na may bago ka na, pero pwede bang ako parin, Singto? Ako parin sana, ako parin sana yung mahalin mo, ako parin sana yung uuwian mo, ako parin sana yung laman ng puso mo..." mariin s'yang umiling sakin.

"Please, ako parin sana... kahit kunwari lang."

"Krist..."

"Singto, okay lang naman sakin eh. Kung s'ya na yung mahal mo, naiintindihan ko. Kung s'ya na yung nagpapasaya sa'yo, Singto okay lang. Huwag mo lang akong iwan. Huwag mo lang akong iwan ng ganito, parang-awa mo na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko..."

"Krist, please... Tama na..."

"Alam mo naman diba? Na mahal na mahal kita. Singto kaya kong mag-tiis, huwag ka lang mawala. Wag mo lang akong bitawan, please. Mahalin mo na lang ako kahit kunwari lang..."

Kahit kunwari lang, Singto. Yun lang naman ang hinihiling ko.

Na kahit kunwari, maramdaman kong ako parin ang mahal mo...

Na kahit kunwari... Kahit kunwari lang, ako parin ang mahal mo.

Mariin s'yang umiling sa akin. "Krist, hindi ko na kayang saktan ka pa. Please, pakawalan mo na ko."

Pwede bang ibalik ang oras? Pwede bang ibalik ang nakaraan? Kung hindi, pwede bang magkunwari na lang? Magkunwaring walang nasasaktan, magkunwaring walang maiiwan.

Pinanood ko ang imahe n'yang unti-unting lumalayo sakin. Bawat hakbang n'ya'y tila ikinadudurog ng puso ko, hindi ito ang inaasahan kong katapusan para sa aming dalawa ngunit... mas masakit pa pala ito sa inaasahan ko.

----------------

This story is written by @𝔂𝓾𝓷𝓲𝓳𝓷x

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BL ONE SHOTWhere stories live. Discover now