Naging smooth naman ang Christmas and New Year for me. And as expected my parents didn't come home to celebrate the Christmas and New Year with me dahil si daddy ay naka base sa Antipolo at si mommy naman ay nasa hospital dahil sa mga mapuputukan. Nagpadala lamang sila ng bagong laptop, regalo daw nila kahit na ang sabi ko'y hindi naman kailangan... dahil mas gusto ko ng oras... yung sama-sama... pero hindi naman nangyari. Well at least I have yaya Biring in my life.
Balik school na ulit kami ngayon. Hindi na gaanong marami ang ginagawa dahil nag cocompile nalang kami ng mga activities and after noon ay magpapractice na for graduation.
Naglagay na ako ng necktie at nag powder lang at sabay bumaba na.
"Ya, sa school na po ako mag aalmusal." Sabi ko kay yaya Biring na nasa kusina.
"Ay sya magbaon ka nalang ng sandwich, Lanie. Baka magutom ka sa klase mamaya."
"Yaya, may pagkain naman po sa First Asia. Bibili nalang ako kapag nagutom."
"Oh sya sige pumunta kana ng sasakyan at baka mahuli kapa sa klase mo."
Habang nasa byahe ay nakatingin lamang ako sa labas. Pinagmamasdan ko ang makulay at magagandang tanawin ng Tanauan. Kahit na marami ng sasakyan ngayon ay masarap parin naman ang simoy ng hangin. Tanda kopa noong bata pa ako, kumakain kami nila mommy sa Jollibee at hinahayaan nila akong maglaro sa play station doon... I wish I'm always a kid...
Tumigil ang sasakyan sa harap ng First Asia, hindi ko manlang namalayan. Pinunasan ko ang luhang lumalandas sa aking mata at pagkuwa'y bumaba na ng sasakyan.
Sinalubong naman ako ni Angie, my all time bestfriend. Ang daddy niya ay isang konsehal and ang mommy naman niya ay nag mamay-ari ng isang business dito sa Tanauan.
"Lanie!! How's your Christmas? I missed you!"
"Ayos naman Anj, miss you too. Halika na sa loob at late na tayo."
Dumiretso na agad kami sa classroom. Habang nagkaklase ay panay ang kulo ng aking tiyan. Dapat pala nagbaon na ako.
Kaya naman nang nag-ring ang bell ay una-unahan ang mga kaklase namin na pumunta sa canteen. Nakita kopa ang iba na may inilalagay na kolorete sa kanilang labi bago lumabas, wari ko'y liptint 'yon.
"Lika na Lanie!" Nagpatianod ako sa hila ni Angie. Nang makarating kami ay siya na ang nag presinta na bumili ng aming pagkain kaya naman umupo na ako pagkarating namin doon.
Nagulat ako ng may biglang umupo sa aking harapan. "Hi Lanie! How's your holiday?" Si Jacob 'yon, ang captain ball ng highschool sa basketball.
Ngumiti ako, "Ayos naman Jacob."
"May kasama kaba rito? Do you mind if I join you here?"
"Ayos lang, kami lang naman ni Angie ang narito sa uh mesang ito."
"Alright, dito na ako." Sabi niya at inilapag ang kanyang bag sa ibabaw ng mesa. Naka jersey pa siya, siguro ay nagpapractice sila ngayon.
Dumating naman si Angie.
"Hoy Armando bat nandito ka sa mesa namin?!" Nakataas ang kilay ni Angie
Napahawak sa dibdib si Jacob na ani mo'y nasasaktan. "You're so mean to me, Anj. Nakikiupo lang e."
"Ayos lang Anj, malaki naman ang lamesa."
Nagsimula na kaming kumain. Ngunit napatigil lamang nang biglang umingay ang paligid sa di malamang dahilan.
"Si Nikolo ba 'yon? Hala bakit siya nandito!" Sabi noong babaeng nasa katabi naming mesa.
"College team yata ang magtuturo ngayon sa basketball ng highschool, hanggang before lumaban." Sabi naman noong kausap niya.
YOU ARE READING
Buying Love (Tanaueño Series #1)
RomanceSimula pagkabata ay ang hangad lamang ni Lanie ay ang oras ng kanyang magulang. Ngunit sa sobrang pagtatrabaho ng mga ito ay ang tanging nag-aalaga nalang sakanya ay ang kanilang kasambahay. Namuhay si Lanie na hindi maluhong bata, ngunit dahil sa k...