Chapter 12
"I'm sorry I lied."he whispered. Biglang nagtawanan ang parents ni Dale.
"Joke, lang iha. Binibiro ka lang namin. Tara pasok na tayo sa loob."sabi ng mama ni Dale. Joke lang pala.
"Birthday ko talaga ngayon."sabi ni Dale pagpasok sa loob ng bahay nila. Sa sala ay may isang banner na may nakalagay na 'Happy Birthday Dale!'. Ang cute kasi parang bata lang.
"Dale, siya lang ba ang bisita mo?"tanong ng papa niya.
"Opo pa."sabi ni Dale. Bumuntong hininga ang mama niya.
"Sabi ko sayo anak dapat kaibiganin mo lahat ng kaklase mo eh."sabi ng ina niya at binatukan siya.
"Ma, naman eh. Kuntento na ako sa isang kaibigan."sabi ni Dale at hinimas ang ulo niya.
"Iha, tara kain na tayo."yaya ng ina ni Dale.
"Ah sige po."sabi ko at pumunta na kami sa sala. Naghanda ng plato ang mama niya kasi may nakahain na pagkain sa mesa. Kumuha lang ako ng sapat na makakain ko pero di ko pa agad kinain ah.
"Happy Birthday to you, Happy birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you."biglang kanta ng mama niya at sinindihan ang kandila.
"Happy Birthday to you, Happy birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you."kanta na naming lahat. Hinipan na ni Dale ang kandila.
"Thank you ma, pa, at Yvonne."sabi ni Dale. Kumain na kami. Ang saya. Nagkuwentuhan kami ng mga magulang ni Dale.
"Iha, anong buong pangalan mo."tanong ng papa niya.
"Yvonne Emily Mae Andres po."sagot ko.
"May alam ka bang musical instrument?"tanong ng mama naman niya.
"Wala po."sagot ko.
"Alam mo ba yang si Dale, magaling kumanta at mag-gitara."pagmamalaki ng ina niya.
"Alam ko po, kasi po isang beses kumanta po siya para sakin."sabi ko. Naalala ko noon sa restaurant. Tumingin ang mama at papa ni Dale sa kanya.
"Ikaw ah Dale, pinapalitan mo na si Adamaris ah."sabi ng mama niya.
"Ma, naman eh."sabi ni Dale. Sino si Adamaris?
"Si Adamaris iyong pinangakuan mo ng kasal noong bata pa kayo, sabi mo siya lang ang kakantahan mo noon."sabi ng ina niya. Ah,kababata niya.
"Ma, bata pa ako noon eh. Young and reckless."sabi ni Dale. Natapos na kaming kumain. Niyaya na ako na ihatid ni Dale sa malapit sa may restaurant.
Habang naglalakad, hawak-hawak ko pa rin ang paper bag na may laman na magazine na regalo ko sa kanya.
"Anong laman ng paper bag?"tanong niya. Inabot ko naman ito sa kanya. Kinuha niya ito.
"Regalo ko sayo. Iyan lang nakayanan ko sorry."sabi ko. Ngumiti siya at binuksan ang paper bag.
"Thank you."sabi niya at pinisil ang pisngi ko. Tinanggal ko naman agad kamay niya.
"Kakantahan kita."sabi niya. Parang nagkunwari na may hawak na gitara.
"I'm hurting, baby, I'm broken down I need your loving, loving, I need it now When I'm without you I'm something weak You got me begging Begging, I'm on my knees" kanta ni Dale.
"I don't wanna be needing your love I just wanna be deep in your love And it's killing me when you're away Ooh, baby, 'Cause I really don't care where you are I just wanna be there where you are And I gotta get one little taste."kanta niya. Nakisabay ako sa may chorus.
"Your sugar Yes, please Won't you come and put it down on me I'm right here, 'cause I need Little love and little sympathy Yeah you show me good loving Make it alright Need a little sweetness in my life Your sugar Yes, please Won't you come and put it down on me."kanta namin. Hindi na ako nakisabay dahil hindi ko na alam ang lyrics.
"My broken pieces You pick them up Don't leave me hanging, hanging Come give me some When I'm without ya I'm so insecure You are the one thing The one thing, I'm living for."kanta niya. Tumigil na siya at tumingin sa mata ko. Grabe, kung makatingin naman siya parang kakainin ako.
"Pahinge ako ng number mo Yvonne."sabi niya. Natawa naman ako.
"Iyon lang pala."sabi ko at ibinigay ang number ng cp ko.
"I-miss call mo ko para ma-save ko number mo."sabi ko.
"Pede mag-request?"
"Ano iyon Dale?"tanong ko. Bigla niyang hinawakan kamay ko.
"Ganito muna tayo kahit saglit lang, hanggang papunta sa may stoplight."sabi ni Dale.
"Sige, pero ngayon lang ah. Birthday mo naman kaya pagbibigyan kita."sabi ko. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Ano ba yan parang ayoko nang bitawan kamay niya pero dahil nandito na kami sa stoplight. Kailangan ko nang bitawan kamay niya. Bibitawan ko na sana kamay niya pero...
"Ganito muna tayo mga 10 seconds lang."sabi ni DAle at nag-count off.
"1...2...3...4...5...6...7...8...9...10."at biglang... Ohmy! Hihimatayin yata ako dahil bigla niya akong hinalikan at tumakbo paalis. He stole my first kiss!
"You need to marry me you kiss-stealer!"sigaw ko. Naniniwala kasi ako na ang first kiss mo ang dapat mong pakasalan kasi iyon ang nakaunang halikan ka. Childish right? But who cares?
Hinawakan ko ang labi ko. Kahit saglit lang I could still feel his lips.
Ano ba yan kalandian na ang nasa utak ko. Kainis ka Dale! You stole my first kiss!
Konting galit at kilig ang nadarama ko ngayon. Bakit niya ba kasi ginawa iyon? Kainis naman eh di pa ko ready para sa first kiss ko .
Kainis kalandian na ang naiisip ko...
Lahat dahil sayo Ivan Dale Kano.
BINABASA MO ANG
Calling. Cannot be reach.
Teen FictionSince you came into my life. Everything has changed. You Made me feel new things. You made me feel LOVE. You are my first. You broke everything. "I tried to reach him. But I just cant. I'm Calling....But....Cannot be reach...."