Chapter 2

357 17 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil excited na akong mag-weekend sa bahay ni lolo sa Tagaytay. Ilang beses na nga niya kaming sinabihan ni mama at kuya na doon na lang sa bahay niya tumira pero laging tumatanggi si mama dahil ayaw daw nitong iwan ang bahay na bigay sa kanya ni lola Solidad na siyang ina nito.

"Lolo!" masayang sigaw ko ng makarating kami sa harap ng malaking gate at nandoon sila ni kuya na mukhang nag-aabang sa pagdating namin. Sabay-sabay kaming naglakad papasok sa loob ng mansyon habang buhat ni kuya ang mga gamit ko. Naupo kami sa sala samantalang si kuya ay nagpaalam na ihahatid daw nya ang gamit ko sa kuwarto ko.

"Masaya ako ng sinabi ng mama mo na gusto mo ditong mamalagi ng ilang araw. Ilang beses ko na nga yang kinukulit na dumito muna kayo sa akin pero laging katwiran eh may klase pa daw kayo." natawa ako sa sinabi ni lolo at kumalas sa bisig nito na nakayakap sa kanya.

"Dad naman. Totoo naman kasi na may klase pa sila no'n, ngayon naman ay malapit na ang graduation nitong si Serene at Sander." katwiran pa ni mama.

Napakamot ng ulo si lolo. "Oo nga pala at sabay itong dalawang apo ko na gagraduate." bumaling ito sa akin. "Saan ka magha-highschool apo? gusto mo dito?"

I smiled. "Doon pa rin po 'lo. Saka na po ako lilipat dito kapag college na." natawa ito sa sinabi ko at saka bumaling kay kuya na kababalik lang.

"Ikaw Sander, saan ka magkokolehiyo?"

Tumingin naman ito kay mama. "hmm, dito sana 'Lo kung papayag si mama." sabi ni kuya ng may alanganing ngiti sa labi.

Napabuntong-hiinnga si mama saka naningkit ng mata. "Sige. Basta ayusin mo ang pag-aaral mo Sander hindi yung puro barkada at babae ang inaatupag mo. Naku-naku huwag kang magkakamaling gawin akong lola ng maaga kundi lagot ka sa akin." natawa ako ng mapakamot ng batok si kuya dahil sa sermon ni mama.

"Ma naman, seryoso naman po ako. Saka huwag kang mag-alala guwapo naman itong anak mo kaya d ka na rin lugi sa magiging apo mo kung sakaling may makalusot." anito sabay taas baba pa ng kilay. lalo akong natawa ng binato siya ni mama ng unan.

"Ikaw talagang bata ka! manang-mana ka sa ama mo!" biglang tumahimik ang kinaroroonan namin ng dahil sa sinabi ni mama. Buong buhay kasi namin ay wala kaming kinilalang ama. Laging sinasabi ni mama na wala na ito at huwag ng hanapin pa. We grew up without looking for him but deep inside our hearts there's this hole that only him can fulfill.

Mama cleared her throat then stand "Oh siya mauuna na ako at baka gabihin pa ako sa daan. Mag-iingat kayo dito at huwag magpasway sa lolo niyo. Alam niyo naman na matanda na yan indenial lang."

"Aba't--hindi pa ako matanda no!" giit ni lolo.

Inihatid namin si mama hanggang sa may pinto at saka na rin pumasok kalaunan.

"Lo? I know I shouldn't ask you this pero, nasaan po ba talaga ang tatay namin?" nanlaki ang mata ni lolo sa tanong ko. I sighed then speak again. "Kasi 'lo, for thirteen years iniwasan kong magtanong kung nasaan siya mula nong nakita ko kung gaano kasakit para kay mama iyon, but you can't stop us to know the truth. Darating ang araw na malalaman din namin iyon."

Lolo sighed then hold me closer to him. "Thank you for considering you mom's feelings. Alam mo, I really want to tell you who's your father is o kung buhay pa ba siya at nasaan siya, if I just know ay sinabi ko na sa inyo, but the thing is, I also don't know anything about him. Hindi ko nakilala ang papa niyo."

"Bakit 'lo? di po ba siya pinakilala sa inyo ni mama?" tanong ni kuya na mukhang seryoso ding nakikinig ngayon at bahagyang inalis ang kalokohan sa katawan.

He smiled bitterly. "Alam niyo mga apo, I am not a good person as you may see me. Marami akong nagawang kasalanan noon at isa na doon ang ipagkasundo ang mama niyo sa taong hindi niya mahal. "

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon