Chapter 5

9.4K 303 3
                                    

Andrea's POV

Umuwi na din kami after magkwentuhan at maglaro ng kung ano ano. Kahit na umalis yong tatlo hindi pa din kami umuwi kaagad.

"My, Labas lang po ako." Paalam ko kay Mommy na nagbabasa ng Diyaryo sa sofa. Hindi kona siya hinintay sumagot. Lumabas na agad ako ng bahay.

Pumunta ako sa park kung san ko nakita si Malia. Sa totoo lang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sakanya. Nasabihan ko agad siya ng sikretong ayaw kong malaman ng iba kahit sila Alessia at Nikki. Ayaw nila ako pagkatiwalaan sa secret nila dahil masiyado daw akong madaldal. Edi ayoko din ipagkitawala sakanila yung secret ko.

Umupo ako sa swing at tumingin tingin sa paligid. Magdidilim na. Kitang kita ko dito yung Ice cream store na binigay sakin ni Lola. Nakita kong may pumasok na couple don. Magkaholding hands pa sila.

"Ang sweet naman nila." Nakangiting bulong ko. Muntik na akong malaglag sa swing ng may biglang may magsalita sa tenga ko mismo.

"Sinong kausap mo diyan?" Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Ashton.

"Bakit kaba nanggu-gulat!" Sigaw ko. Binatukan ko siya dahil tinawanan niya lang ako. Umupo siya sa katabing swing na inuupuan ko.

"Sorry pala kanina." Napatingin ako sakanya ng magsalita siya.

"Sorry saan?" Takang tanong ko. Yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri niya.

"Yong nasabi ko kanina nung nandon tayo kila Alessia. Baka na-offend ka sa mga actions ko nung inaasar tayo ni Malia." Napangiti naman ako. Tumingin ako sa harap bago sumagot. Sa totoo lang kinikilig ako ngayon kasi kasama ko siya tapos nakakausap kopa ng kaming dalawa lang hehe.

"Ah, yon? Wala yon. Wala sakin yon. Tsaka isa pa, inaasar lang naman niya tayo. Hindi naman totoo yon." Totoo naman na hindi yon totoo kasi alam kong hindi niya ako gusto. Kahit hindi niya sabihin, alam ko. Ngumiti ako ng mapait. May pag-asa kayang magkagusto siya sakin? Ewan ko din.

Napapansin kong hindi na siya sumasagot sakin kaya napatingin ako sakanya. Nagtama ang tingin namin dahil nakatingin na pala siya sakin. Titig na titig siya sakin. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa.

"M-may dumi ba ako sa mukha?" Bakit ba ako nauutal! Mygosh!

"H-huh? Ah, wala. Tara Ice cream tayo! Libre kita!" Natatawa ako ng hinatak niya ako papuntang Ice cream store na pag mamay-ari ko.

"Baliw ka talaga! Ililibre mo ako pero dito ka bibili sa Ice cream store ko?!" Natatawang tanong ko. Natawa din siya at napakamot sa ulo.

"Osige, ako na lang ang ilibre mo." Hinatak ko naman agad siya papasok. Umorder ako ng combo cookies and cream para saming dalawa. Dito na din kami kumain at nagkwentuhan.

"Hindi kaba nagtataka kay Kiaan?" Biglang tanong niya. Sa totoo lang nagtaka din ako sa inasta niya kanina. Sa pagkakilala ko sakanya hindi siya basta basta nagkakagusto sa babae.

"Nagtataka. Hindi ko alam kung bakit niya sinabing gusto niya si Malia at may nickname na agad siya ha." Tumango tango naman siya sa sinabi ko.

"Siguro gusto talaga niya si Malia. Ngayon lang naman naging ganun yun si Kiaan." Ako naman ang tumango.

"Wala naman masama. Tsaka isa pa, si Malia naman ang magdidisisyon niyan sa huli." Sumubo ulit ako ng ice cream. Ang sarap talaga.

"Ikaw, kelan mo balak mag boyfriend?" Nabilaukan ako sa tanong niya. Buti na lang at inabutan ako ng tubig ng tauhan dito sa store.

"Bakit kaba nangbibigla diyan!" Natawa naman siya.

"Anong nakakabigla don? So, kelan nga?" Kunwaring nagisip muna ako.

Mr. Cold Na Mapanglait  -Meets- Ms. Bungangerang MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon