Feelings
Bumalik kami sa loob ng simbahan at sakto namang patapos na mag-usap si daddy at Congressman Suarez. Walang nakapansin sa pag-alis namin ni Edward kaya wala ring nakapansin sa pagbalik namin.
"Sige mauna na kami Congressman!" Paalam ni daddy. Tumango lang si Congressman Suarez at nagbigay galang kay mommy bago kami hinayaang umalis. Bago ako tumalikod ay sumulyap pa muna ako kay Edward na ngayon ay titig na titig sa aking pag-alis.
Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mapa-isip sa sinabi ni Edward sa akin. He will help me escape? Hindi ko alam kung bakit sinabi niya iyon at nararamdaman kong may hinuha na siya sa problema ko pero hindi niya lang ito isinasaboses.
Agad akong umakyat sa aking kwarto ng makarating kami sa bahay. Wala akong pinansin kahit tinatawag ako ni mommy. Nag-lock ako sa aking kwarto at pagkatapos magbihis ay nagmukmok na lang ako sa aking kama.
I decided to scroll on my cellphone while spending my boring time. Ngunit nabulabog ako sa isang katok.
"Jezebel," it's dad.
Binaba ko ang aking phone at nanatiling nakatitig sa phone.
"I know you won't open this door so I'll just talk to you here," he said. I sighed. Kinuha ko ang aking unan at yun ang niyapos habang nakikinig kay daddy.
"I know that you will not understand why I put up in this situation but I just want you to know that you will always be my daughter. No matter what,"
I bit my lower lip trying to stop my tears from pouring out. Kung mahal niya ako. Kung gusto niyang manatili ako sa tabi niya bakit naghanap siya ng ibang pamilya? Bakit meron siyang ibang babae? If he really want then he should break his relationship with that slut!
Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak simula ng umalis si daddy. I heard na umuwi na ng Maynila si daddy dahil sa trabaho.
Kinabukasan ay tahimik kaming nag-almusal ni mommy. She did not spoke about daddy. Hindi ko alam kung nagpapaka martyr lang si mommy o talagang wala ng pagmamahal sa pagitan nila ni daddy.
Bumuntong hininga ako. I forgot that they never loved each other since then. Mom loved someone else. Dad only loved my mom but now he fell for someone else.
How fuck up my family is!
Hinatid ako ng driver patungo sa school pero katulad ng gusto ko ay umalis na sila. Hindi na sila umaaligid sa akin dahil iyon ang gusto ko and dad seems fine about it. Isa pa hindi naman ito Maynila na sobrang crowded.
Pagkapasok ko pa lang sa room ay nakita ko na si Patricia na masayang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan. Para maiwasan ang kung ano manggulo ay nagsaksak na lang ako ng earphone sa aking tainga.
I listened to the music until the teacher comes. Nang mag-lunch time na ay mabilis akong umalis sa room pero natigilan ng may humarang sa aking pamilyar na lalaki. I surveyed his whole face because he is really familiar.
"I'm sorry for blocking your way pero nandito ako para ibigay sayo 'to," he said and handed me a notebook. This notebook is mine. Paano napapunta sa kanya ito?
"Thank you," saad ko at lalampasan na sana siya ng bigla niyang hinawakan ang braso ko para pigilan.
"Hindi mo ba tatanungin kung saan ko yan nakuha?" Tanong niya. Natigilan ako at lumingon sa kanya ay malamiy siyang tiningnan.
"Do I really have to know that?" Tanong ko pabalik. Natawa siya at nagkamot ng ulo.
"Natatandaan mo pa ba ako?"
BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
RomanceMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...