<62> Story of the McBride's

54 6 4
                                    


AN: Kinds of Women Abuse are written, please read at your own risk.



Maira's POV

"Ikaw po mommy, ano pong kwento nyo?" biglang tanong ko sa kanya.

Iniharap nya naman ako sa kanya at sinabing,

"Ano bang gusto mong malaman sa akin, anak?"

"Lahat po" tugon ko napangiti naman sya at muli akong niyakap.

"Sige simulan natin sa school, ang Memorial High" panimula nya.

Tumango na lamang ako at hinanda ang sarili sa pakikinig. 

"Ang Memorial High ay ipinamana sa akin ng lola mo, na namana nya pa sa lola ko. Napakatagal na siglo nang nakatayo ang eskwelahan na iyon. Noong una ay handang handa na ako na manahin ang school na iyon not until nakilala ko ang daddy mo. He's kind of a gangster, palagi syang absent, nagcutting classes at higit sa lahat ay palaging kasama ang barkada. Sa madaling sabi pariwara ang buhay niya" pagkwekwento nya. 

Kung gayon ay tama nga si ma'am Lyn sa mga sinabi nya sa amin noon. Syemays, kaya naman pala pamilyar ang pangalan ni mommy noong nagpakilala sya sa akin. Yun dapat ang itatanong ko kay nanay dati eh kaso dumating naman si Kevin at inumpisahang sirain ang buhay ko. 

"Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan, pinapunta ako sa principal's office, hindi naman ako natatakot doon dahil sanay na ako dahil pinapatawag din nga ako para sa preparasyon ng pagmamana ko sa campus. Akala ko itretrain lang nila ako o di kaya ay may sasabihin silang muli na importante ukol sa Memorial High. But unexpectedly your father was there, sitting across the principal's table and annoyance can clearly see on his face. Nagtaka ako kung bakit sya doon hanggang sa ipaliwanag sa akin ng principal kung ano ang dapat kong gawin sa balahurang estudyante na nasa harapan niya. He asked me to discipline your father, ayoko namang tumanggi dahil hindi magandang asal iyon. Kaya simula noon ay inisip ko na lang na ginagawa ko iyon bilang training, aral na dapat kong isabuhay kapag namana ko na ang lahat" pagpapatuloy niya. 

"We became friends, hindi ko inakala na magiging magkaibigan kami pero wala eh nangyari ang imposible. Noong una ay hirap na hirap akong pakiusapan siya hanggang sa bigla ko na lang ang katauhan nya, I saw him one daw seating on a bench, alone. Naninabago ako kasi kadalasan ay nakikita ko syang bumabarkada, kaya nilapitan ko sya noon and on that day I saw his soft spot. He opened up to me, kaya sya napariwara ay dahil sa magulang nya, they don't have enough time for him kaya sya naging ganoon ay para magpapansin at para mabigyan ng atensyon ng magulang. Nagbigay ako ng advice sa kanya, I told him na hindi iyon ang tamang paraan para magpapansin sa magulang, tamang sipag at tyaga lang sa pag-aaral mapapansin din siya ng mga magulang nya. Noong una ay hindi sya naniwala sa dahilan ko, pero nagulat na lang ako isang araw nasa library sya at nag-aaral ng matiwasay. And on that day forward he studied hard and finally he became on top list. Nagpasalamat sya sa akin ng bongga at simula noon ay naging malapit na kami sa isa't isa" pagkwekwento ni mommy. 

"Until one day he confessed his feelings for me, he said he loves me, he adores me, and he asked me if it's okay if he could court me, I was hesistant na pumayag sa gusto nya, kaibigan lang turing ko sa kanya pero naawa ako sa kanya, he is finding love to full his heart. Kahit hindi ko gusto ay pumayag akong magpaligaw sa kanya. Akala ko nga hindi ako mahuhulog sa kanya, but faith is playing around that time, I fell for him too until I say my yes to him. Nanatiling tago ang relasyon namin hanggang sa makatuntong kami ng kolehiyo. We we're 3rd yeat students of college noong nabuking kami. Nalaman ni mommy, ng lola mo, na may karelasyon ako. At first suportado sya sa akin pero noong nagtagal ay pinigilan nya ako. Noong una ay nagalit ako kasi bakit nya hinahadlangan ang kasiyahan ng anak nya, diba? But she explained that muntik ng malaman ni daddy, ng lolo mo, ang tago kong relasyon, pinagtakpan lang ako ni mommy pero galit niyang binaggit kay mommy na hindi nya kayang makita na ang nag-iisang anak nya ay lumandi at may karelasyon ng palihim. Dapat daw dumaan muna sya kay daddy, pero kilala ko si daddy, he will reject it, ayaw nyang magboyfriend ako hangga't hindi ako nakakapagtapos at nakakapagtrabaho. Kaya sinabihan ako ni mommy na makipag break at magfocus sa pag-aaral. Baka kasi kapag nalaman pa iyon ni daddy ay mapatay nya pa ang lalaking minamahal ko. I don't have a choice but to let go, even if it hurts I need to in order to save him from my dad's hand. I need to cut out ties together, I need to let go" maluha luha niyang pagkwekwento sa akin. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon