Kabanata 14

391 39 1
                                    

Kabanata 14

You're so cute

HINDI na ako nakapasok sa pang-umagang klase namin dahil nga sa tinanghali na ako ng gising.

At kahit na masyado pang maaga para sa afternoon class ay mabilis parin ang ginawa kong pagkilos para makaalis na ng bahay at dumiretso na kina Sachzna.

Aaminin ko, kahit na sabik akong makasama pa ang mga magulang ko, hindi parin gano'n kakumbinsido ang damdamin ko para ipakita sakanila ang tunay kong nararamdaman.

Oo, medyo nagpanggap ako sa mga inasta ko sakanila noong mga nakaraang araw. Kinailangan kong makisama kahit na ramdam kong may galit parin sila kay Kuya Malach, lalo na si Daddy. Habang ako naman ang mukhang tangang nangangapa ng mga detalye kung ano ang dahilan ng pag-aaway nila.

Napangiwi ako nang pumamewang si Sachzna sa harapan ko at tila ba isang modelang pumu-posing sa harap ng salamin.

"Gaga, pati salamin halatang nandidiri rin sa'yo." sarkastikong asik ni Zerachiel kay Sachi na patuloy paring naglalagay ng mga kung ano-anong kulorete sa mukha.

Kasali kasi si Sachzna sa All Star, 'yong mga taga cheer ng isang liga. Naka navy blue siyang crop top na may design ng bahagya sa may bandang gilid ng kaniyang dibdib at tsaka tinernohan ito ng isang mini skirt. May faceprint rin siya sa pisngi na nakalagay ay ang initials ng school: MU.

Ngayon kasi ang pangalawang basketball game sa pagitan ng Helix na pinamumunuan ni Kuya Zachario at ng Moscov na pinamumunuan naman ni Davis Alpharo. Malamang, puno nanaman mamaya ang gymnasium dahil nga sa sobrang init ng mga pangalan ng mga miyembro ng bawat kopunan.

Kung sino man ang manalo sa labang ito, sila na ang magiging representative ng campus namin para sa interhigh. That'll be a big event for us.

At hindi nga ako nagkamali, pagkarating namin ng gymnasium ay halos mabingi na ako sa lakas ng hiyawan ng lahat ng estudyanteng nandoon. Nagii-stretch na kasi ang grupo nina Davis Alpharo. Naka black silang jersey at ang ilan sakanila ay may mga wrist band pa.

"Ayan nanaman si Daddy Davis! Apaka yumm-" hindi naituloy ni Sachzna ang sasabihin niya nang batukan siya ni Zerachiel.

Lumobo naman ang pisngi ko nang handugan rin ni Sachzna si Zerachiel ng isang malutong na mura.

"Nandito ka para sumayaw! Ang bilis namang mag expire ni Malach sa'yo?" singhal ni Zerach kay Sachi na ngayon ay marahang nakataas ang kilay.

Hindi ito nakasagot at itinuon nalang ang pansin sa grupo nina Davis na ngayon ay ang siyang may hawak ng bola. Ang landi talaga.

"Omg! Zachario Fortalejo!" agad akong napangiwi nang muling namutawi dito ang sigaw na sinamahan pa ng isang malakas na tili ng isang grupo na nasa likuran namin.

Panay rin ang mura ni Zerachiel na ngayon ay isa isang sinisinghalan ang mga babaeng nagsigawan. Pero napako lang ang tingin ko sa pagdating ng isang batalyon ng mga kalalakihan.

Pare-parehong naka navy blue jersey sina Kuya Zachario nang katulad sa suot ni Sachi. Ang pinagkaiba lang ay mayroong parang logo ng isang agila sa gitna ng jersey nila. Mukhang wala pang masyadong enerhiya si Kuya Zachario dahil sa medyo umiirap pa ito sa kawalan. Marahil ay ramdam parin ng isang 'to ang hang-over.

Napakurap ako nang mapansing papunta ang grupo nila sa gawi namin. Muling humagikhik ang mga tao sa likuran namin dahil agad na naglagay ng mga monoblocks ang mga SSG Officers sa harapan namin, dito nga sa gawi namin ang magiging pwesto nila.

Wala paring humpay ang hiyawan ng mga tao sa loob ng gymnasium. Pero hindi ako natinag at talagang nanatili ang titig ko sa grupo nina Kuya Zachario. Naagaliap ko ang isang lalaking nakahalukipkip lang at walang ekspresyong nakapinta sa mukha niya habang nakikinig sa coach nila.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now