Chapter 10

30 15 2
                                    

Mauto

A/N:

May conflict sa Plot mga bhe, hindi anak nila Nicki at Eminem lahat ng Babies si Juris lang also.. may bago tayong tawag sa Nannies para maayos

Cheotnny
Dulnny
Setnny
Netnny

Nagising si Juris na nakahiga sa isang mahabang kahoy na napapalibutan ng bulaklak. Nasa gilid niya si Doc Ria kasama ang mga Nanny, Punong Nanny at Dongji.

Hawak ng ikaapat ang isang botelya, inaalog alog niya ito, tila parang diring diri siya sa laman na ito dahil ayaw nya ng lasa ng gamot.

Unting unting namulat si Juris nangunot ang kanyang noo ng makita niya ang pagmumukha ng Punong Nanny. Gusto nyang kurutin ito na ngunit hinang hina siya. (Kaya ang author na lang ang gagawa.)

Napatingin si Juris sa kanyang paanan, naroon ang Pinakamataas na Chanak at ang Young Nanny na na si Doray
Pinilit bumangon ni Juris, inalalayan naman siya ng ikaapat ngunit tinapik niya ang kamay nito, nag attitude si Juris.

"Wae Mama? Wae?" ‘yun ang unang nasambit ni Juris nang muling magtama ang mata nila ng MasterMom.

Napalunok na tumingin ang Punong Nanny, at akma ng sasagot ng pigilan siya ng Dongji.
"Juris, gwenchana?" nagaalalang tanong ng Dongji, inattitudean din ito ni Juris dahil hindi niya kilala ang matanda.

"’Wag mo kong ma Juris Juris," inis na sambit ni Juris ng akmang hahawakan siya ng Dongji, "Nuguseyo, Ahjussi?"

"Naega, Naega jil jal naga charr,"

"Ako ang Dongji, Juris ang Pinakamataas sa lahat ng Nannies"
"Wala akong pakialam sa titulo mo, pangalan mo lang ang tinatanong ko." attitude ni Juris.

Nag walkout ang Dongji, sa iniasta ni Juris ngunit agad ding bumalik kaso pabebe siya.

"Siya ang Nunong Harbeng, ang Dongji ng Lechon Juris," paliwanag ni Audreng.

Nag bigay galang si Juris sa Dongji at napadasal sa iniasta.

"Narito ako para dalawin ka, Cheona," sabat ng Dongji. Naguguluhan napamaang si Juris.

"Che-Cheona? Ako? Cheona?" tanong ni Juris.

"Hindi pa panahon, Harvey, hindi pa ito ang tamang panahon omaygass," gigil na ani MasterMom.

A/N: Cheona is your Highness Hehehehe Hindi ko alam kung Cheona ba basta naririnig ko yon sa Kdrama na HisFic.

"Kailan pa ang tamang panahon Aries, kailan mo pa sasabihin na ang tagapagmana ng Monarkiya ay narito sa Emperyo?" gilalas ni Nunong Harbeng.

"Hindi ikaw, at hindi ako ang tamang magsabi sa kanya Dongji... Maski tayong mga Nannies ay walang karapatan."

"Wow, just Wow." sambit ni Juris, "Ano ba kasi ang ginagawa nyo dito?"

"Narito ako dahil sa Curfew." pang bu-burn ng Dongji.

"Wag mo kaming attitudean ghorl wala ka sa Monarkiya," sambit ng Ikaapat habang inalog alog ang botelya.

"Sabi ko nga, so ano na, ito na nga Curfew na wala na tayong magagawa ano pa ba ang gagawin nyo sa akin,"

"Kailangan mong maintindihan Juris kung bakit mayroong Curfew at kung para saan ito." sumawsaw na ang Cheotnny.

"Lingid sa kaalaman mo, na ikaw ang madalas magpuyat sa Emperyo, nalalaman mo rin na ika'y mag aaral Juris, at bilang susunod na taga pangalaga ng Brilyante ng Apoy ay kailangan mo itong malaman." sandaling natahimik si Juris, lubha parin syang naguguluhan sa mga nalalaman.

"Nalalaman ko na ang batas ng ating organisasyon ay ganap at hindi magbabago, pero ang pagiging Reyna ang hindi ko makahulugan."

"Sa tamang panahon Juris, sa S2 ng libro malalaman mo.. chill ka lang," sabat ng Dulnny.

"Pero ngayon girl, bilang attitude ka kanina, kailangan mong inumin to," mataray na sabi ng ikaapat.

"Iwww chemical,s" napatakip ng ilong si Juris habang tinitignan ang gamot na isinalin ni Netnny.

"Ito ang Sleeping Pills, mabisa pang patulog, pantanggal attitude, kailangan mo itong inumin sa lalong madaling panahon."
"Ba-bakit?"

"Dahil magaganap na ang batas ng organisasyon," confident na sagot ni Audreng.

"You-you mean? Papatulugin nyo ako? No way hell nah!"

"Kailangan Juris, kung ayaw mo ma kick," pagtataray muli ng MasterMom. Natulala si Juris sa kawalan. Nagugunita na niya ang kahihinatnan ng pagpapatupad ng batas.Hindi niya makayanan isipin na maaga siyang makakatulog gayong ala sais na siya ng umaga kung humilata sa kama.

Nag isip isip si Juris kailangan niyang makatakas upang magpakalayo layo.. ‘paano kaya kung mag seen siya mamayang madaling araw?’ Nasa isip niya.

"Inumin mo na!" pamimilit ng ikaapat, bumalik sa ulirat ang dalaga. Lutang man, ay inilagay niya sa kanyang palad ang pills na ibinigay ng ikaapat. Sa kanyang kaliwang kamay ay hawak niya ang isang baso ng tubig.

"Inom na!" excited na utos ng ikaapat. Halo halo ang kaba sa dibdib ni Juris na halos matapon na ang tubig sa basong kanyang hawak.

"Inom na sabi eh!" iginaya ng Ikaapat sa bibig ni Juris ang kamay nito upang dagliang mapainom ito. Ngunit pumalag si Juris at ang sumunod na nangyari ay nakatulog ang mga Nannies pati na ang Dongji.

“‘Wag siyang hahayaan makatakas!!!” sigaw ng MasterMom bago ito bumulagta sa sahig.

Ang kaninang walang dialogue na si Doray ay bilang humugot ng Pana at Palaso na siyang itinutok nito sa tumatakbong si Juris....

"’Waggg, may curfew ka din!" Sigaw ni Audreng.

Huli na ng mapigilan nila ang Young Nanny at lumipad ang pana papuntang dibdib ni Juris.

The Curfew (Season One) Where stories live. Discover now