“Taria, Anong oras uwian mo?” Tanong ng isa sa mga blockmate ko sa subject na ‘to na nagkakagusto sa’kin.
“3:00pm”
“Sakto. Pareho tayo, hatid na kita tapos laro tayo basketball.”
“Ayoko.”
“Bakit?”
“Hindi kita gusto, at ayaw rin kitang kalaro dahil ako ang lagi mong sinisisi kapag natatalo kita, kesyo pinagbibigyan mo lang ako. Sabihin mong mali ako.” Natahimik na lang siya nang sabihin ko ‘yon.
Uwian na, kaya lumabas na ako kasama ang tropa ko.
Ngayon ang 5th death anniverssary ng daddy ko kaya pupunta kami sa Mausoleum niya.
Habang papunta ako sa nakapark kong motor ay nakita kong naglalakad papalapit si Carlos. Ang anak ng bestfriend ng mommy ko, na hindi ko kasundo.
Habang pinagmamasdan siyang papalakad sa motor niya naisip ko na napaka gwapo niya sana, matalino rin naman, kaso ang pangit ng ugali.
Pagkarating ko sa Mausoleum ni daddy ay medyo nandoon na ang ilan sa mga kamag-anak namin.
Pagkatapos naming magdasal saka lang dumating ang bestfriend na babae ni mommy kasama ang anak nitong si Carlos.
Buong araw kaming hindi nag-usap hanggang sa makauwi kami ni mommy. Mag aaway lang din naman kasi kami dahil lahat ng sinasabi niya ay nagiging dahilan ng pagkainis at pagkagalit ko na para bang alam na alam niya ang mga bagay na nakakapagpakulo ng dugo ko.
Pamamaril ang dahilan ng pagkamatay ni daddy. Five years ago, habang nangangampanya siya para maging Governor dito sa lugar namin.
Sobrang sakit noong mangyari ‘yon samin. Parang naguho ang mundo namin ni mama.
I was diagnosed in depression that time. Hindi rin kami okay ni mama no’n, dahil pakiramdam ko ako lang ang nasasaktan noon pero mali ako.
Mas nahirapan si mama, dahil hindi lang ang asawa niya ang nawala sakaniya that time, pati na rin ako.
After almost a year of being depressed, sa wakas, naging okay na ulit ako. Sa tulong ni mama, ng mga kaibigan ko, ng therapist ko at ng isang bagay na sobrang laki ng naitulong sa’kin.
I discovered how to do past life regression.
Unang subok ko pa lang ay gumana na siya sa’kin, at malaki talaga ang naitulong noon dahil unti-unti kong nahanap ang purpose ko sa buhay.
Minsan ko na lang siya nagagawa dahil nga abala rin ako sa pag-aaral, pero ngayon ay gagawin ko siya dahil wala naman akong pasok bukas.
Kailangan ay wala akong iniisip na kahit anong bagay maliban sa mga steps para makapasok.
Noong nasa last step na ako ay yumuko ako para makita ang itsura ko kung nakapasok ba ako o hindi.
Black sand na ang tinatapakan ko at nakapaa lang ako. Malamang ay nasa beach ako.
Habang tinitignan ang sarili ko, pumukaw sa atensyon ko ang suot kong ‘di pangkaraniwang wedding ring.
Naexcite naman ako dahil mukhang unang beses kong mararanasang makita ang sarili ko sa past life na merong asawa.
Tumingala ako upang makita kung nasaan na ako. Nasa beach nga ako, ngunit hindi ito pangkaraniwan na itsura ng beach.
Medyo madilim na kaya ang bonfire lang at ang lalaking nakatalikod na nakaupo ang nakikita ko.
Napahinto naman ako nang biglang lumingon sa’kin ang lalaki.
Si Carlos.
“Love!” Masaya niyang tawag habang nakatingin sa’kin kaya’t awtomatiko naman akong nagulat dahil alam kong ako ang tinawag niya.
“Uy, Love!” Pag-uulit niya ngunit mas malambing ang tono.
Lumapit ako saka umupo. Nanlaki naman ang mata ko nang inilapit niya ako sakaniya saka siya humiga at pinahiga ako sa malapad niyang dibdib.
Nakaramdam ako ng sparks…
But I ignored that and cleared my throat.
“Love pangalan ko?” Tanong ko at tumingin sakaniya.
Dahil sa tanong ko ay napatingin din siya sa’kin saka muling natawa.
“Niloloko mo ba ‘ko, mahal?” Natatawa niyang tanong.
Mahal?
Don’t tell me na siya ang asawa ko sa buhay kong ‘to?
Bahagya akong tumihaya ng higa para makita ang kamay niyang nakayakap sa’kin, and then that’s when I see the exact same wedding ring that I’m wearing right now, kaya bigla naman akong napaupo.
“Bakit? Anong meron, love? Ang weird mo ngayon. Masama ba ang pakiramdam mo?” Nag-aalala niyang tanong kaya naman mas kinilabutan ako.
“What exactly is our relationship?”
Imbis na mag-alala ay parang kinilig pa siya na para bang nakikipagbiruan ako sakaniya.
“We are married, and we’re actually on our honeymoon right now.”
Kasal? Kasal kami?! That’s not possible!
My vision starts to be blurry when I heard someone knocking.
“Anak, aalis ako kasama ang tita mo at si Carlos. Sasama ka ba?” My vision completely vanishes when I heard that, and now I’m back to reality.
Kung sineswerte ka nga naman…
The person that I hate the most in my present life, turns out to be the person that I love the most in my past life.