first and last

35 0 0
                                    

Sa pagdaan ng panahon, napagtanto ko na siguro pinagtagpo lang tayo para makakuha ng aral sa ating susunod na hakbang. Bagamat masakit ang mga pangyayari, wala akong magawa kundi magpatuloy. Bawat araw na dumaan, may bigat sa loob na akin paring dinaramdam. Maraming katanungan ang di maibigkas.

Linamon ako ng galit at pagkamuhi, ewan, ewan kung anong nangyayari sa akin, ewan kung bakit ako nagka ganito. Hirap makalimot no? Ang hirap magpatuloy kung alam mong parang may kulang. Saan ba talaga ako patungo? Sino ba talaga ang para sakin? Diba? Ang gulo ng aking isipan, maraming problema, maraming hindi maipaliwanag.

Sana nga malagpasan ang dilim ng sa gayon maranasan ko naman maging masaya, yung tipong walang bahid ng kalungkutan. Ang saya siguro ng pakiramdam na buo na ulit ang aking sarili. Ang saya siguro kung dika nagbago. Sa totoo lang? Mga ala-alang iyong iniwan ay nanatili parin sa akin, at nakakapanlumo dahil ang ala-alang iyon ay patuloy akong sinasaksak na wala na, na hindi na talaga maibabalik pa.

At ngayon sa paglipat ko sa susunod na pahina, sana naman hindi na tutulo ang luha, na sana makalimutan na kita, na sana wala ng pait na madarama. Ang sakit na kasi, parang diko na kaya, parang sa tingin ko wala nakong silbi? O eto na naman tayo, naalala ko na naman mga pangako mo, at ngayon wala na talaga, talagang linimot mo na.

Ang hirap, basta ang hirap yan lang masasabi ko. Diba ang saklap? Pati sarili ko diko na alam. Ang alam ko lang, nabago lahat ng iyon dahil sa isang pangyayari. Ganoon ba talaga? Yong tipong matutulala ka nalang dahil dimo alam ang nangyayari sayo?

Ito na talaga, sana sa pagsara ng libro, sana masaya ako, sana naranasan ko mga gusto kong maranasan. At sana sa huling bigkas ng libro ay "When struggle hit him, he conquer it and become happy as he always dream".

Sa Susunod na PahinaWhere stories live. Discover now