Chapter Twenty Eight

12 0 0
                                    


Pinatay ko yung sasakyan ko matapos kong makarating sa bahay nina Charm. Agad nya akong pinagbuksan ng gate nila. I kissed her forehead.

"Sorry for being late. Na traffic lang ako." Sabi ko sa kanya. "Anyways, you're too beautiful. Some guys may stare at you." I pouted.

She giggled. Damn! She's too cute. "Stop that. It's embarassing. So tara na?" Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako sa kanya saka dinala sya sa kotse ko. Pinagbuksan ko sya at inalalayan. I set aside the thought of her earlier with that guy.

Tahimik kaming dalawa habang bumabyahe. Ayoko syang tanungin tungkol sa nakita ko kanina kasi alam ko namang idedeny nya iyon and I don't want to argue. Baka pumalpak lang yung plano ko ngayong gabi.

Habang bumabyahe kami, she turned on the radio. We both listened to the song Without You by Air Supply. I am not used to listen with their songs pero di ko alam, bigla akong nalungkot.

"Ang ganda talaga ng songs nila." Biglang saad ni Charm.

I smiled at her bitterly. Biglang kumirot ang puso ko. Maganda naman yung song. I am also with Charm so there is no reason for me to be sad. I should be happy. I shook my head to ease the thoughts.

I parked the car outside. Muli ko syang pinagbuksan ng pinto nung makababa na ako sa kotse. She extended her hand to me. Tinanggap ko naman iyon. Inayos niya muna yung sarili bago kami tuluyang pumasok sa park.

Pagdating namin sa amusement park, sobrang dilim. She suddenly grabbed my arm. Natawa ako.

"Why are we here? Sobrang dilim babe." Saad nya. Kumapit pa sya ng todo sa braso ko, sobrang higpit na para bang takot syang iwan ko sya bigla. Well takot naman kasi talaga sya sa dilim. Kaya ganito nalang sya kung makareact.

"Just wait babe." Wika ko. I held her hand. Tinignan ko sya at saka nagsalita ulit. "Trust me babe. Don't worry andito lang ako. Di kita iiwan."

Dinala ko sya sa may middle part and then biglang bumukas yung ilaw. She was bit shocked. Napapikit pa sya dahil sa gulat.

"Open your eyes babe." Wika ko.

Pagdilat niya, nakita nya ang mga batang andun. They are smiling beautifully. Isa isa silang lumapit kay Charm saka binigay yung rose na hawak nila. I smiled when I saw her face, still shocked.

Sumunod naman ang soft music. Binalingan ko sya. I saw her with her teary eyes.

"Don't cry babe." Malambing na saad ko. Mahina nya akong hinampas sa dibdib.

"You scared me earlier. I thought mag go-ghost hunting tayo." Nakangusong sabi niya.

"That is silly babe. Tayo mag go-ghost hunting sa isang amusement park? If ganun man, di kita dadalhin dito. Sa gubat siguro, pwede dun." Panunukso ko. Matalim niya akong tinignan. "Just kidding." I hugged her.

I let her sit in front of me, ako naman ay nakatayo lang sa likuran nya. Nanuod muna kami ng performance ng bandang The Juans. Yes I told them na kung pwede ay kumanta sila sa araw na ito. They said yes.

They are singing their latest version of the song Prom. Saktong sakto para sa gabing ito. I saw Charm, seriously staring at them. She seems to enjoy it.

"Isasayaw ka sa ulap, damhin ang hangin. Ang ihip na nagsisilbing himig natin. Kasabay ng tibok ng mga puso natin. Nagnigning ang mga bituin."

Wala na akong ibang hihilingin pa kay Charm. She means everything to me. I can't afford to lose her. Anjan sya nung mga panahong walang wala ako.

Nung magising ako sa hospital when I lost some of my memories, she helped me regaining them. She told me that we are so inloved kahit nagkalayo kami ng ilang taon dahil kinailangan kong mag-aral sa ibang bansa. That's the time na nasa California ako. She even told me na may aso akong inaalagaan and we considered her as our baby. That's cute.

She held my hand as she was staring at The Juans. I was thankful enough nung anjan lang sya sa tabi ko. She never abandoned me. Inalagaan nya ako. Inasikaso nung nasa hospital ako. Wala na talaga akong mahihiling pa sa kanya.

After the performance of The Juans, I invited her to the table. Una ko syang pinaupo. Hinila ko yung upuan. She sat carefully.

"I never thought na ang isang Jethro Agony Marcielo may ganito palang side. Never saw this side of yours, not even once in my life." Pabirong saad nya.

She giggled. "Well you are too lucky to finally see it." Pabiro ko ding sagot sa kanya.

Nagsimula na kaming kumain. The Juans are still playing some music just to match the moment. Nilagyan ko sya ng pagkain sa plato niya and same as her. She placed a piece of chicken to my plate.

We ate silently. Ganito talaga kami kapag magkasamang kumakain. Ayaw kasi naming mag-usap kapag kumakain pa. It seems to be so informal. Not a good habit.

Paminsan minsan ko syang tinitignan. The way she eats, parang ang lambing lang. Sobrang hinhin. Pati pagnguya nya, napaka careful.

After eating, may dumating na waiter para i serve ang desserts. Charm declined the offer of eating them. Busog pa daw sya.

Dinala ko sya sa may ferris wheel. Sa lahat ng rides, ito ang pinakagusto niya kaya dito ko napiling mag propose sa kanya.

Pumasok kami doon. Tumambad sa amin ang isang bottle of wine at dalawang wine glass.

We are just enjoying the view. Sobrang ganda lang. Different lights coming from different buildings and such.

"Nagustuhan mo ba ang inihanda ko para sayo?" Tanong ko kay Charm.

Binalingan naman nya ako matapos syang mamangha sa city lights. "Of course babe. I loved it. But di naman natin monthsary or anniversary." Tanong niya.

She was curious all along. Yes, hindi namin anniversary or monthsary. Matagal pa iyon. Few months from now.

Itinaas nya ang kanyang kilay. Kinabahan ako bigla. Di ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat.

"Alam mo naman diba na mahal na mahal kita and I can't imagine my future without you." Wika ko.

Batid ko ang pamumuo ng mga luha niya nang kunin ko ang box na nasa bulsa ko lang. Dumoble ang kaba nang makita ko syang umiiyak na.

"You mean everything to me babe. I love you so much." Wika ko saka lumuhod sa harapan niya.

Tinakpan niya ang mukha niya. Nahihiya syang harapin ako. She wiped her tears away and then faced me. I waited for her to calm down.

"You ok?" I asked.

"Yeah." She said and nodded.

I smiled as my tears began to fall. Di ko na din napigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

"Will you---Ahhh!"

"J-Jethro? Are you ok?"

Nabitawan ko yung kahon saka napaupo. Sumakit ulit yung ulo ko. Sobrang sakit na di ko alam kung bakit.

"Ahhh!" Sigaw ko pa din.

Natataranta na si Charm. She picked her phone up and dialed someone's number. Hawak hawak ko lang ang ulo ko. Sa sobrang sakit neto ay pinikit ko nalang ang mga mata ko. Di ko na matiis.

Pagdating namin sa pinakababa, madami na yung mga tao. Agad akong inalalayan nina Sander at daddy. Pati si mommy nag-aalala na din.

"What happened Charm?" Rinig kong tanong ni mom.

"I-I don't k-know tita. Magpopropose na p-po sana sya s-sa akin nang b-biglang sumakit a-ang ulo niya. Di k-ko po alam k-kung bakit." Naiiyak na paliwanag ni Charm sa mommy ko.

Isinakay na nila ako sa ambulance. Nanghihina na yung katawan ko dahil sa sobrang sakit sa ulo.

"A-Agony hold on. Papunta na tayo sa ospital. Don't worry." I felt her hand holding mine. Yun lang ang huling narinig ko bago ako tuluyan nawalan ng malay. But then, after she held my hand, I felt secured.

Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon