#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
Sa huling pag-uusap namin ni Sir Yohan ay bigla akong hinimatay, mabuti nalang daw ay nasalo niya ako sabi ni Ate Fely. Nilagnat ako na naging dahilan para hindi na ako makasali sa beauty pageant kaya sobra ang panghihinayang ko. Tatlong araw ang lagnat ko, inaalagan naman ako ni inay pero may kasamang sermon.
"Kung bakit ka kasi hindi kaagad uminom ng tubig at nagbihis ayan tuloy nagkasakit ka" wika ni inay. Bumangon ako nang makitang may dala na siyang pagkain.
"Dahan-dahan lang" mahinahong sabi ni inay.
"Hindi na naman masakit ulo ko" wika ko kay inay.
"Sa susunod alagan mo ang sarili mo at huwag mong hahayaan na magkasakit ka lalo na't tumatanda na ako wala ng maalaga sa'yo" malungkot na sabi ni inay. Napatawa ako sa sinabi niya dahilan para napabahing tuloy ako, may kasama na yatang sipon ang lagnat ko.
"Hindi ako nagbibiro Lindsy" seryosong sabi ni Inay. Kaya naman sumeryoso rin ang mukha ko sa sinabi niya.
"Inay wag naman kayong magsalita ng ganyan" malungkot na sabi ko sa kanya. Inilagay ni Inay ang pagkain sa mesang katabi ko at umupo sa kama. Niyakap niya ako kaya niyakap ko si Inay pabalik. Bakit parang nararamdaman ko na magpapaalam na si Inay sa akin?
"Minsan may mga bagay talaga na mawawala sa atin pero huwag mong kakalimutan na kapag may mawawala may darating" wika niya dahilan para kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya ng seryoso.
"Anong ibig niyo pong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin ay kumain ka na, tignan mo nga ang katawan mo para ka ng kalansay" sermon ni inay kaya naman napanguso ako sa sinabi niya pero tinawanan lang naman ako ni inay.
"O siya susubuan ko nalang ang munting prinsesa ko" wika ni inay at sinubuan ako. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Si inay lang ang natatanging kayamanan sa buhay ko. Wala man kaming pera ay masaya akong siya ang aking naging ina kaya kailanman ay hindi ako nagtanong tungkol sa papa ko.
Pero palaisipan talaga sa akin kung sino ang ama ko dahil hanggang ngayon walang binabanggit si inay tungkol dito, hindi ko rin alam kung buhay pa ba siya o patay na. Ngunit sa kabila ng mga tanong sa isip ko kahit kailan ay hindi ko tinanong si inay tungkol rito.
Alas dies na ng gabi.Nandito ako sa kama ni inay natulog sa baba samantala nasa taas naman natulog si inay. Tanging tunog ng minutes sa wall clock lang ang ingay sa buong kwarto. Pinagpawisan na rin ako hudyat na wala na akong lagnat. Pinilit kong matulog pero hindi ako makatulog.
Aakmang tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto kaya naman bumalik ako sa kama at mabilis na pinikit ang mata. Nanginginig ang kamay ko sa kaba ng maramdaman ang yapak ng paa ng tao na naglalakad papunta sa kama ko.
Sino ba to? Baka magnanakaw o baka rapist na magnanakaw. Mariin kong pinikit ang mata ko.Lumubog ang parte ng kama kaya natitiyak kong nakaupo na sa kama ang tao. Pero pinili ko paring magkunwaring tulog.
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang hinawi ng tao ang hibla ng buhok sa mukha ko. Mas lalo akong kinabahan ng hinawakan niya ang pisnge ko ramdam ko ang mainit niyang palad sa pisnge ko.
"I'm sorry" napahinga ako ng maluwag ng marinig ang malalim na bosess ni Sir Yohan."I'm sorry Lindsy" wika niya ulit at sa pagkakataon na ito binaggit na niya ang pangalan ko. Hindi mapigilan ng mga luhang kumawala sa mata ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin inaamin niyang na isa lang ako sa mga babaeng pinaglalaruan niya.
Nagulat ako ng pinunasan ni Yohan ang luha sa pisnge ko. "You must be having a bad dream" wika niya."Wag kang mag-alala magdadasal ako para gumaling kana kaagad at hindi ka bangungutin" wika niya. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam na ang lalakeng nandito kasama ko ay may takot sa diyos.
Dahan-dahang hinawakan ng malaking kamay niya ang maliit kong kamay. Unti-unti na siyang nagdasal. Palihim kong binuksan ang mata ko napahinga ako ng maluwag ng mapagtantong nakapikit ang mata niya. Napatingin ako sa Adams apple niya na gumagalaw sa tuwing nagsasalita siya. Nang matapos na siya sa dasal ay mabilis kong pinikit ang mata ko.
Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising pero worth it naman kasi magaling na ako at malakas narin. Napansin kong wala na si inay sa kwarto kaya napadesisyunan kong lumabas. Kaagad ako dumeritso sa kusina para magsipilyo. Nang matapos akong magsipilyo ay pumunta ako sa sala nag-babakasakaling nandoon si inay.
Kumunot ang noo ko ng mapagtantong tahimik ang buong mansion. Ilang saglit ay napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang doorbell galing sa labas.Kaya lumabas ako sa mansion, sinilip ko ang gaurd house kung nandoon si Mang Kanor. Napailing nalang ako ng napagtantong wala rin siya.
Binuksan ko ang gate nagulat ako ng makita si Jandrick. Naka V-neck T-shirt siya masyadong fitted ang T-shirt dahilan para humubog ang maganda niyang katawan, naka-khaki shorts din siya.
"Hi goodmorning or should i say goodnoon" bati niya sa akin sabay tawa.Maaliwalas ang mukha ni Jandrick dahilan para mas lalo siyang gumwapo lalo na't magulo at basa pa ang kaniyang buhok halatang bagong ligo.
"Tinanghali kasi ako ng gising, pasok ka" wika ko sabay kamot sa batok ko. Nagkatinginan kami saglit at nagpalitan ng ngiti pero agad iyon naputol ng pumasok sa isip ko na baka may muta ako sa mata ko.
Tumalikod ako sa kanya. "Pasensya ka na Jandrick, nakakahiya naman sayo may muta pa siguro ako" wika ko sabay kuha ng muta sa gilid ng mata ko. Ramdam ko na pumasok na si Jandrick at sinira ang gate.
"That's okay you're still beautiful kahit na may muta ka" wika niya. Ibinaling ko na ang tingin ko sa kanya ng makuha ko na ang lahat ng muta sa mata ko.
"Si Sir Yohan ba ang sadya mo, sa palagay ko wala siya ngayon" wika ko sa kanya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"No hindi si Yohan ang sadya ko well actually ikaw talaga ang sadya ko" wika niya sabay kagat ng pang-ibabang labi dahilan para kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"B-bakit a-anong kailangan mo sa akin?" utal na sabi ko sa kanya. Hindi ko inexpect na ako pala ang sadya niya.
"Gusto sana kitang yayain mag-date" nakangiting sambit niya. Napalunok naman akong binaling ang tingin sa kanya.Biglang umihip ang sariwang hangin at dahan-dahang sinayaw ang buhok naming dalawa habang nagkatinginan kami sa isa't isa. Napalunok ako ulit at hanggang ngayon ay naguguluhan na ako sa kung ano ang isasagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...