Chapter 10: Behind The Walls
Hyacinth
I miss him so bad.
Hiding behind a tree, I roved my eyes around trying find an escape room. There were watchers in every corner of the walls wrapping the entirety of Esparago Clan. The way those men stood there reminded me of the trees that could withstand any sturdy storm.
Was this my first time here? No. I've been here many times now.
Was this the first time I thought of crossing the border? I thought of it every single day of my life.
But this is the first time backing out isn't in my plans.
I came here with the willpower to succeed this time.
Sumagi sa isipan ko sina Corbie at Tegan. Malamang na hanggang ngayon ay nangangaso pa rin sila. Gusto ko mang magpasama sa kanila ay alam kong hindi sila papayag. Maybe Corbie? But Tegan? I don't think so.
For the sake of my plan, I'd rather be alone.
I pouted my lips. Halos isang oras na rin akong nagtatago rito pero tila hindi man lang kumukurap ang mga bantay. They weren't even flinching! Hindi naman pwedeng tumakbo na lang ako basta dahil mahahabol nila ako.
Saka gusto ko rin na maging sikreto ang pagtakas ko.
I'm here on the far side of the wall. Hindi naman pwedeng sa harapan ako dahil mas maraming bantay roon.
Tumuwid ako ng tayo saka umupo. What should I do?
Nabaling ang tingin ko sa isang bahagi ng puno. May nakapatong doon na posporo. Malamang na ito ang ginagamit ng mga bantay sa tuwing gusto nilang magsindi.
Bumuntonghininga ako. There's an idea in my mind but I don't think it will work. Lit a fire and scream for help so I can take that chance to distract them and escape? Nah.
Then, what? How can I escape from here?
Napalunok ako. Nanunuyo ang lalamunan ko. Dapat pala sinunod ko muna 'yung bilin ng babae at uminom muna ako ng dugo para may lakas ako mamaya. Pero ayoko nang bumalik.
I yawned.
Pinikit ko ang mga mata ko at hindi nagtagal ay nakatulog. Nagising ako nang may marinig na usapan. Mabilis na naging alerto ako. Hindi pa naman lumulubog ang araw kaya maliwanag pa.
I've overheard their conversations and that put a smirk on my lips.
Magpapalit na ang mga bantay pero mukhang hindi na makapaghintay ang mga lalaki kaya nauna na silang umalis. Ilang minuto lang ay may papalit na sa kanila kaya kinuha ko na ang pagkakataon na 'yon.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at tinanaw ang malaking pader. Napalunok ako nang mapagtanto na hindi hamak na mas mataas ito kung ikukumpara sa inaakala ko.
But that's not just it. The thought that I was about to cross the boundary, that all my life I was told not to, ignited the determination in me. I just need to climb and make it to the top.
I can. This is easy.
Sa huling pagkakataon ay bumaling ako sa pinanggalingan ko.
"I'm sorry, Mama..." I mumbled.
Sinimulan ko nang akyatin ang pader. Nang makatungtong sa pinakataas ay sandali akong natulala sa tanawin. Sobrang taas ko at mula rito ay kitang-kita ang walang hanggang kagubatan na kailangan kong tawirin.
Sandali akong napapikit ako nang humaplos sa mukha ko ang malamig at malakas na hangin. Mula rin dito ay kitang-kita ko ang unti-unting paglubog ng araw. Sobrang ganda!
BINABASA MO ANG
Freed Souls
VampireCardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 3) Just when they thought everything was going according to plan, a seed sprouted from the ground, changing the game entirely.