Unknown Calling......
Nagulat ako ng biglang may tumawag sa aking telepono.
Kasalakuyan akong nag-aayos ng mga gamit na aking dadalihin para sa field trip namin nang tumawag ito.Ang unang tawag ay hindi ko sinagot dahil hindi ko naman ugali ang makipag-usap sa hindi ko kilala pero paulit ulit itong tumatawag kaya narindi na ako at sinagot ang tawag.
" Hello? Sino po ito?"
Tanong ko sa tumawag ngunit puro paghinga lamang ang aking naririnig kaya medyo kinabahan ako.
" Sino 'to? Kapag hindi kapa nagpakilala ibaba ko na itong tawag"
Kabadong sabi ko.
" Huwag kang sumama......."
Mababa at baritono ang boses ng nasa kabilang linya.
" Sino' to? Bakit ka tumawag? At anong huwag sumama? Saan? Sa field trip?"
" Basta Huwag kang sumama......"
Ang baritono talaga ng boses niya.
" Alam mo kung prank ulit ito isa lang masasabi ko! Fuck You ka!"
Sabi ko at binaba na ang tawag.
Alam kong talamak ang mga Pranks ngayon kaya baka isa ito sa prank ng classmate ko o kung sino man pero bahala siya.Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng biglang tumunog ang Cellphone ko dahil sa isang text.
" Huwag kang sumama sa field trip bea please......"
Basa ko sa text.
Hinayaan ko na ito at pinatay ang Cellphone.Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos para sa Field trip namin.
Pagkababa ko sa hagdan ay nandoon na at nag-aabang si Mama." Ihahatid kita sa School anak"
Mahinhing sabi niya.
" Sige po mama"
Habang nasa sasakyan ay puro paalala ang sinasabi niya. Huwag daw kung saan saan pupunta, Huwag daw malikot, huwag kung kani kanino sumama at marami pang iba.
" Anak 'yong mga paalala ko sayo, a?"
Sabi ni mama bago ako lumabas ng sasakyan.
" Opo ma! Love you po"
" Mahal din kita anak"
Hinalikan ko na siya sa pisngi saka lumabas ng sasakyan at pumasok na sa loob ng school kung saan naghihintayan ang mga estudyanteng sasama sa Field trip.
" Bea! Dito"
Sigaw ng kaklase ko na si Mae na kasama na ang mga classmates namin. Dahan dahan akong naglalakad habang bitbit ang maleta ko na may lamang damit at mga gamit na kakailanganin ko para sa tatlong araw naming Field trip sa batangas.
Agad akong sinalubong ni Paolo para kunin ang maleta ko.
" Ayieeeeeeeee"
Kantayawan na naman ng mga kaklase namin. Ang sabi nila may gusto daw sakin si Paolo pero matagal ko na siyang kilala at hindi nila alam na may alam akong lihim ni Paolo na walang ibang nakakaalam.
" Siraulo kayo! Ang iissue niyo"
Sabi ni Paolo sabay tawa at nilingon ako at kinindatan. Napailing na lang ako atsaka naghintay na para sa pagpapapasok samin sa Bus, maya maya lang din ay sumakay na kami sa loob ng bus at as usual katabi ko parin si Paolo sa upuan. Ang huling umakyat ay si Dylan, siya ang tinaguriang badboy sa classroom namin dahil maliban sa badboy look niya ay badboy talaga siya dahil madalas siya makipag-away kung kani-kanino. Nagulat ako ng sinulyapan niya ako at umiling saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa likod na part ng bus. Hindi ko na lang iyon pinansin at tumingin na lang sa labas ng bintana.
Maya maya ay naramdaman ko ang pagvibrate ng aking telepono dahil sa isang message.
Unknown Number:
Sabi ko sayo Huwag ka sumama diba? Bakit ba ang kulit mo.
Hindi ko ito pinansin at natulog na lang sa biyahe. Gumigising ako at kumakain pagkatapos ay matutulog ulit hanggang sa makarating na kami sa Destination namin.
Malaki ang Farm na paggaganapan ng Field trip namin. Pinapasok na kami sa loob ng isang malaking Villa para makapag-ayos na ng aming gamit sa mga room na pagtutuluyan namin.
Pagkatapos mag-ayos ay napagdesisyonan ko na maglakad lakad sa Farm. Napunta ako sa bandang likod ng villa na kung Saan ay may duyan kaya umupo ako doon. Maya maya lang ay may narinig akong boses na nag-uusap sa aking likuran.
" Ipagpapatuloy mo ba?"
" Oo. Itutuloy ko"
" Para ka talagang gago pre!"
" Bakit? Bakit ayaw mong ituloy ko 'to?"
" Ewan ko saiyo! Bahala kana diyan"
Boses ng mga lalaki iyon at papunta na ata sa pwesto ko ang mga nag-uusap kaya naglagay ako ng earphone at nagpanggap na tulog.
Naramdaman ko ang pagkakatigil ng isang tao sa aking gilid pero maya maya lang ay nag-umpisa na ulit maglakad.
Dumilat ako atsaka tiningnan ang likod ng lalaking papaalis.
Sino 'yon?
Nagulat ako dahil may humawak sa balikat ko. Pagtingin ko ay Si Andrei kaklase rin namin ang humawak sa balikat ko. Nakatingin siya sakin na parang may malalim na iniisip pero maya maya ay nagsalita pa rin.
" May narinig ka ba?"
Tinanggal ko ang earphone sa aking tenga at nagkunwaring walang narinig.
" Ano?"
Inilingan niya ako at naglakad papaalis.
Ano kaya 'yong pinag-uusapan nila na Plano? Jusme baka may masama silang gagawin.
BINABASA MO ANG
Field Trip
Mystery / ThrillerAraw na kung saan ay puno sana ng kasiyahan, Araw na kung saan ay masasayang bagay lamang sana ang nangyayari, Araw na kung saan ay dapat puro ngiti lamang ang makikita. Kasayahan na napalitan ng Katatakutan. Samahan ang kakaibang biyahe ng Class143.