Chapter 7: Saving The Angel (2)

1.8K 85 3
                                    


ARIA.

Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako. Malambot ang hinihigaan ko at pakiramdam ko ay sumasakit ang buong katawan ko. Babangon sana ako nang biglang may malambot na kamay na umalalay sa akin. Nagising ang buong sistema ko nang maamoy ko ang pamilyar na amoy na iyon.

"Keirra?" Nang mag-adjust ang paningin ko ay nakita ko ang nagaalalang mukha niya.

"Where am I?" Tanong ko sakanya at tinulungan naman niya akong umayos ng upo.

"Have you forgotten that I brought you at our hotel?" Napalunok ako nang maalala ang sinasabi niya. Oo nga pala at dinala niya ako dito sa hotel nila ni Miss Shina. Hindi naman mukhang hotel ito dahil kwarto pa lamang niya ay malawak na.

"I have some questions for you and can you answer it properly?" Napatingin ako sakanya at doon ko lang narealize kung ano ang suot niya. She's wearing a nightgown. I can clearly see her milky white skin. Her bare shoulders and neck is very inviting.

"A-Ano ba iyon? A-Anong oras na pala? K-Kailangan ko nang umuwi." Akmang bababa na ako sa kama nang pigilan niya ako. I was stunned when she went on top of me. Nakahiga ako habang siya naman ay nasa ibabaw ko at nakaupo. I can feel the soft fabric that she's wearing on my stomach kaya napalunok ako. May tukso sa ibabaw ko!

"You're not going anywhere." She looks at me firmly. Pakiramdam ko ay nanghihina ako. Sino ba namang hindi lalo na at nakapwesto pa siya sa ibabaw ko?

"You'll come with us tommorrow. Ako na ang bahalang kumausap sa tiyahin mo." She said with finality. Umalis siya sa ibabaw ko na lihim kong ikinahinga ng malalim.

"Baka magkaroon lang ng gulo, Kierra." Sabi ko at tinaasan niya ako ng isang kilay at inirapan. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"You wanna go back to that place?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Napilitan akong tumango at tinitigan niya lang ako. Wala akong mabasang kahit ano sa expression niya kaya kinabahan ako.

"A-Ayoko lang na sa orphanage siya sumugod kapag nalaman niyang nawala ako bigla." I heard her sigh and crossed her amrs in front of me.

"I'll handle that one too. We're talking about your future here. Don't you want to achieve your dreams and live a peaceful and free life?" Napalunok ako. Syempre gusto ko, sino ba naman ang may ayaw diba?

"Why do you want to help me anyway?" Tanong ko dahil hindi ko maintindihan bakit desidido talaga silang tulungan ako sa problema ko. Hindi sa nagrereklamo ako o ano pero nakakapagtaka lang ako.

"Kasi we can see na you have a bright future. Pero paano mo tutuparin iyon kung ayaw mong tulungan ka namin?" Bumuntong-hininga ako sa sinabi niya.

"Sigurado ba kayong hindi maaabala ni tita ang orphanage?" She nodded kaya napangiti ako. Ayoko talagang magkaroon ng eskandalo kapag umalis ako dito.

"Sige pero kukunin ko muna ang mga gamit ko sa bahay." Sabi ko at itinuro niya ang isang malaking bag na nasa gilid pala ng kama.

"May inutusan na akong kumuha ng gamit sa bahay niyo. Don't worry because that person sneaked into your house." Agad akong tumakbo sa bag ko at agad na binuksan iyon.

Naroon nga ang mga gamit ko pero nagulat ako nang makita ang isang brown envelope kaya agad kong binuksan iyon. Napatingin ako kay Keirra na tumango sa akin kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. It's the money that I am saving.

"That's yours right? I don't want to let those people steal money from you anymore." May iniabot siyang puting envelope sa akin na ikinakunot ko ng noo.

"A-Ano ito?" Tanong ko sakanya at nagulat ako nang makita ang sampung libo doon.

"Didn't I promise you that I'll pay you if you'll be with me today?" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman siya sinamahan. Ibinalik ko sakanya ang pera na ipinagtaka niya.

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon