Nagdaan ang araw at Wednesday na ngayon nasa room ako katabi si Jason dahil pinanindigan nya ang pagtabi tabi sakin kahit na may mga tropa sya don sa unahan. Hindi tuloy nila tinitigilan si Jason sa mga pang aasar nila na kesyo inlove na daw ito sakin kaya naman ang mga kaklase kong babae ay ayun galit galitan ang drama.
Second period na namin ngayon at lunch na ang sunod, kamalas malasan nga lang ay naiwan ko ang packed lunch ko sa may gate dahil nagsuot pa akong rubber shoes dahil washday ngayon, ang aga aga shunga tsh!. Naiwan ko sa shoe rack ung baunan. Ayan tuloy nganga ako, makikipagsiksikan ako sa canteen para lang hindi magutom dahil hindi naman pwedeng hindi kumain dahil dalawa pa ang lectures ko ngayon na halos tig 3 hours. Tsh nakakastress ka talaga Fourienn!!
"Nagugutom na kooo ang tagal naman mag luch no? Ikaw ba gutom ka na?" Pagtatanong ni Jason habang hinihimas ang tyan, halatang gutom na nga ang isang to haha
"Medyo lang,nag breakfast kasi ako ng rice kanina before pumasok"
"Ahh e ako din naman e pero gutom na talaga ako, parang any moment now e magiging cannibal na ko at luluunukin kita ng buo"
Nanlaki naman ang mata ko dahil naiimagine ko na isa sya dun sa mga napapanuod ko na horror movies, ung sa wrong turn ba yun. Creepy
"Ang creepy mo magutom HAHAHA"
" Ganyan talaga pag gutom, sabayan mo ko mamaya sa canteen ah? Lagi ka nalang dito nag-iisa, samahan mo na ko at may table akong palaging tinatambayan don"
"Ah eh pano ung mga tropa mo? "
"Suss! ayos lang sa kanila un, mababait mga yon kahit mga loko HAHA, so ano payag ka? Yiee papayag yan!" nagliliwanag ang mukhang sabi nya
"Sshh may klase pa tayo hinaan mo boses HAHA, oo sige naiwan ko rin ung baon ko e kaya no choice kundi sa canteen mag lunch, kesa magutom ako dito"
"Yown nice! Sana matapos na tong klase para makalabas na tayo, gutom na talaga ako!"
Natawa nalang ako at sinenyasan syang wag maingay dahil panay na ang lingon ng prof samin.
Lunchbreak (Canteen)
"Fourienn dun nga pala kami palaging nakain, un yung sa may kulay green na
mga chairs malapit sa puno" turo sakin ni Jason habang nagaantay kami sa pila"Ahh, okay lang ba talaga sa kanila na sumabay ako? Okay lang kung sasabay lang ako sa pagbili then sa room nala-"
"Fourienn ayos lang samin HAHA wag ka na mahiya kami lang to mga poging nilalang sa Nursing Department!" Putol sakin ni Makky na tropa ni Jason
Nginitian ko sila at tumango nalang
"O yan na tara order na tayo" sambit ni Jason kaya naman umorder na kami
Umorder lang ako ng rice, sisig, at buko pandan,ganon rin sila.
Pumunta na kami sa pwesto nila at nagsimulang kumain
"Ah Fourienn wag ka na maiilang samin ah, mababait kami pramis! Hindi tayo close dahil ngayon lang naman tayo naging magka block mates except sainyo ni Jason pero yun nga sana maging tropa ka na din HAHAHA para bago bago din nakikita ko hindi lang tong tatlong abnoy na to HAHAHA" Sambit ni Luke habang inaayos ang patas ng kanyang kakainin. Hindi naman sya madaldal HAHA magtotropa nga sila
"Ganon? Sige sige"
"Grabe ang daldal mo Fourienn! Sa haba ng sinabi nitong si pareng Luke ay yan lang sinabi mo? Babae ka ba?"
Ano naman kayang kinalaman ng gender sa pagiging madaldal? Haha sya nga madaldal e
"Hindi ako madaldal e, kayo lang haha" sagot ko kay Erin
"Hindi pwede yan! Dapat sa tropa ay makuda! Yaan mo dadaldalin ka namin hehe" dagdag naman ni Makky
Natawa nalang ako sa kadaldalan ng mga lalaking to, dinaig pa ko tch!
Ang alam ko sa apat na to ay mga magbabarkada na sila since highschool and medyo sikat sila lalo sa girls dito sa nursing department dahil may mga itsura sila at matatalino pa. Balita ko nga din ay mga nag papageant sila mula noon dahil nga mga beauty and brains tong apat na to.
Pano ko nalaman yan? Kay Eena hehe, crush nya si Jason dati pa so nabanggit nya sakin yan noon
Si Makky Libreon ang pinaka matangkad sa kanilang apat, varsity sya dati ng basketball kaso nga lang nabusy sa studies kaya ata nag stop. Sa pagkakatanda ko ay sya talaga ang pinaka lapitin nang chixx dahil napaka magiliw nya at palabati sa mga "fans" nya. Kaso ngsb tong lalaking to ewan ko kung bakit
Si Luke naman, full name nya ay Dennison Luke Mejares. Sya ung may pinaka mahabang nasabi kanina, I may say na sya ang pinaka maputi at pinaka charming sa tatlo dahil bukod sa muka nyang pang prinsipe ay isa sya sa masasabi ko na pinaka mabait sa kanila.
Next is si Erin Jastin Del Mundo, ang pinaka mayaman sa apat, pag aari lang naman nila yung Del Mundo Beach and Resort dito sa province namin at bukod pa don ay may chain of restaurants din sila na talaga namang sikat at yun ang El Prinstine. Charming din to si Erin at kabaliktaran ni Luke dahil andami nyang naging girlfriends at talaga namang chickboy pero napaka gentleman nya parin naman, hindi sya bastos pero hindi rin sya nagseseryoso sa relasyon.
Last but not the least naman ay ang palakang tumalon papunta sa buhay kong tahimik, si Jason Rey Cruz. Bukod sa madaldal at friendly sya ay gentleman din sya, honor student na talaga mula pa daw elementary at totoong hakot award. Gwapo sya at matalino kaya ang daming naghahabol sa kanya pero ni isa ay wala syang pinapansin dahil nga busy sya sa kakaaral, nerd nga sya diba kagaya nung naikwento nya sakin.
Bilib din ako sa lalaking to e dahil nagawa nyang mahanap ung totoong sya sana ako rin
*Sigh*
"Fourienn aasahan kita sa party ah? Pupunta ka haaa?" Biglang singit ni Jason kaya naman napatingin ako sa kanya at ngumiti ng bahagya at tumango
"Tabi ka samin ng table okay?" Tanong naman ni Makky
"Sige ba"
"Yun ayos! Pero pano ka pala pupunta sa bahay nila Jason? Alam mo ba bahay nito?" Dagdag nya pa
" Ayy yun nga, hindi ko alam e " nahihiyang sagot ko at napahawak sa batok ko at saka tumingin kay Jason
"Don't worry susunduin nalang kita sa bahay nyo, turo mo sakin later pagkauwi natin"
"Yiee kayo ah sabay nanaman kayo ah" panunukso ni Erin samin, nginiwian ko nalang sya at iiling iling na nagtuloy sa pag kain
"Wala namang masama don since same lang naman kami ng daan pauwi, diba Fourienn?"
"Yeah"
"See? HAHAHA"
Nagtawanan pa sila at nag kwentuhan minsan nakikisali rin ako pag tinatanong nila ko hanggang sa matapos kaming mag lunch at bumalik na kami sa klase.
Klase klase klase uwian
Gaya nga ng sabi kanina ni Jason ay sabay kaming uuwi at tinuro ko nga sa kanya ang bahay namin, d ko na sya pinatuloy dahil marami pa kaming kailangang tapusin para tomorrow kaya umuwi na din sya.
BINABASA MO ANG
Count On Me: The Luck
Non-FictionFourienn Luck Cruz, an average college girl whose life became extremely rock bottom after she looses herself to the weight of every burden in her life that challenges her whole being. In just a snap of the finger, her almost perfect life became com...