<65> Time to Say Goodbye

68 6 10
                                    

Maira's POV

Ngayon ang huling araw ko rito sa Pilipinas bago ako umalis papunta sa New York. Nabanggit ko na din kayna Scian at Jade ang pag-alis ko at labis silang nalulungkot dito. Ipinaliwanag ko sa kanila ang sitwasyon ng aking pamilya. Maliban syempre sa private story ni mommy, pinanatili ko yung pribado bilang respeto na din sa pinagdaanan niya. Luckily my friends understand my situation and they respect mommy's privacy, kaya hindi na sila nagtanong pa. 

Friday morning napag-usapan namin na magbonding muna bago ako umalis. Kaya maghahalf day kami ngayon. Wala na din namang gagawin sa ngayon dahil kinabukasan ay christmas party na namin. Sayang nga lang at hindi na ako makakaattend doon dahil sa kalagayan ni nanay. Gusto ko na kagad na gumaling siya para maging malakas na siya. 

At syempre may sarili akong christmas party, kami lang tatlo ang imbitado. Ang plano ko lang sana ay kumain sa labas at manuod ng sine kasama silang dalawa kaso gastador talaga si mommy kaya ayon nagrent ng party organizer na kaming tatlo lang naman ang aattend. Tumatanggi naman ako pero mapilit talaga sya, at dinadahilan na minsan lang naman daw at gusto nya din makilala ng husto ang mga kaibigan ko. Wala na akong nagawa kundi pumayag. 

Lunch Time na nung sabay sabay kaming umalis sa school sakay ng magarang kotse ng pagmamay-ari ni mommy. Magko-commute nga lang sana kami o di kaya ay magpapahatid sa driver nina Jade pero saktong dumating noon si mommy. Mapunta daw talaga siya sa school para ipaalam sa principal na magtratransfer na ako sa New York at doon na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko at isa pa ay bibisitahin nya ang eskwelahan niya. At syempre sinadya nya talaga na ngayon bumisita para yung driver nya ang maghahatid sa amin sa venue na inupahan nya. Hindi ko naman sya masisisi eh, she is just protecting me. Kahit wala ng taning ang mga buhay namin ay syempre hindi sya mapapakali kasi hindi naman nauubusan ng magtatangka sa buhay ng may buhay diba? 

Pagkadating naming tatlo sa venue ay napanganga na lang kami sa ganda! Hindi naman kalakihan ang lugar pero ang ganda, simple lang sya kagaya ng gusto ko pero may pagkaelegante din. Parang picnic ang set up nito pero nasa loob sya ng room. Mula sa plaided red and white ang tela na nasa gitna na may picnic basket na siguradong may laman na mga pagkain. May mga baso, kutsara't tinidor, plato, platito din na nakalagay sa tela na iyon. Ang paligid ay napapaligiran ng mga bulaklak at may mga prutas din na nagkalat sa sahig. 

"Bongga naman para tayong nasa park!" puna ni Jade at agad na tinunggo ang tela na nakasapin sa sahig. 

"Mahal na mahal ka ng Mommy mo Maira" ani naman ni Scian at sumunod din sya kay Jade. 

Masunod na sana ako kaso may nagsalita sa likod ko, napaigtad ako sa gulat. 

"Ay ate nakakagulat ka naman" saad ko pa nang makaharap na ako dito.

"Sorry po ma'am, ako nga po pala yung hinire ng mommy nyo, iiwan po namin kayo rito for privacy nadin po. Basta po kung may kailangan lang po kayo ayon po ang telepono at automatic na po na marereceive na namin ang tawag nyo" wika niya at itinuro pa yung parang sinaunang telephone. 

"Ah sige po, salamat" pagpapasalamat ko rito, ngumiti na lang sya at umalis na din. 

"Gutom na ba kayo?" bungad ko sa kanila pagkatapos kong kausapin yung nag-oraganize ng mini party na ito. 

"Alangan, umalis kaya tayo nang hindi pa naglalunch" pangbabara sa akin ni Jade. 

"Ano ba Jade? Sama ng ugali mo ha" suway sa kanya ni Scian. 

Napatawa na lang ako ng makita ko silang nagtatawan. Mamimiss ko sila. Mamimiss ko ang pagsasama naming tatlo. 

"Hoy wag ka ngang mag-inarte diyan Maira, dapat happy lang tayo!" wika ni Jade at pinaupo na din ako sa tabi nila. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon