Kabanata 15

321 31 1
                                    

Kabanata 15

How about me?

"Gusto ko, mas malakas ang cheer mo para sa'kin mamaya kaysa sa mga 'yan."

Muling itinuro ni Thiago ang mga grupo ng kababaihan na nasa gilid namin. Napangiwi ako dahil ako ang nakakaramdam ng pagka-hiya sakanila. Halos kita ko na ang ugat sa mga leeg nila habang patuloy parin nilang isinisigaw ang mga apelyido ng mga natitipuhan nilang player.

Rinig ko naman ang bahagyang paghalakhak ni Thiago. Kunot noo akong napabaling sakaniya.

"I'll be the most energized basketball player if you cheer me in that way," muli siyang bumaling sa mga babaeng naghihiyawan sabay tawa ng bahagya.

"Loko ka talaga." ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Callejo, come over here." pareho kaming napatingin sa coach ng Helix.

Agad kong nahuli sa gilid ng mga mata ko ang marahang pagtitig sa akin ni Thiago. Kunot noo ko siyang nilingon. Unti-unting gumuhit sa mga labi niya ang isang malaking ngisi habang itinataas-taas pa ang dalawang kilay. Agad akong nag-iwas ng tingin.

'Seriously, Thiago?'

Napabuntong hininga nalang ako nang muli kong marinig ang bahagyang paghalakhak galing sakaniya. Ramdam ko ang unti-unti nitong paglapit sa akin.

"Zai, 'yong sinabi ko sa'yo."

Nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang kaseryosohan sa tono niya. Isang pilit na ngisi lang ang isinagot ko bago pa bahagyang tumango.

Oo, nahihiya ako, sobra. Alam kong bukod sa akin ay marami ring nagkakagusto dito kay Thiago. And worst, karamihan ay mga babae. But I need to be grateful, isn't it? Atleast ako, nagagawa ko ng makausap siya ng maayos at makabiruan. It's not that bad.

"Oo naman," tugon ko bago pa bumaling sakaniya at ngumisi, "Galingan mo, ha?"

Muli namang lumitaw sa mga labi niya ang ngiti. Tumango siya sa akin bago pa tumayo. Hinarap niya ako kaya't bahagya ko siyang tiningala.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya, nanghihingi ng apir. Agad ko naman siyang sinunod at nakipag apir ako sakaniya. Pero nang madikit ang palad ko sa kamay niya ay bahagya pa niya itong ipinagsalikop.

"Goodluck," pahabol ko pa sakaniya bago ko pa marinig ang pag pito ng coach nila.

Kinalabit ako ni Zerachiel at agad na ibinigay sa akin ang camera ni Sachzna. Doon ay nakita ko ang mga litrato namin ni Thiago. Pulang pula nga ang pisngi ko at halatang naiilang talaga ako kay Thiago. Hawak-hawak niya ang dalawang braso ko kaya't parang nakasandal ako sa dibdib niya. Pero bahagyang nakaiwas ang mukha ko sakaniya habang nakatuon naman sa akin ang lalong sumingkit nitong mga mata nang dahil sa pagtawa.

"Alam mo ba ang alamat ng take advantage?" agad kong tiningala ang lalaking sumulpot sa gilid ko.

Taas kilay kong tiningnan ang kabuuan ni Xaerex na ngayon ay nakahalukipkip na nakabaling sa akin.

"Natulak ka lang, sumandal kana." kumunot ang noo ko nang marinig ko ang tono nitong may pagka sarkastiko.

"Ikaw kaya ang itulak ko diyan?" taas kilay kong tugon kay Xaerex.

Umiling lang siya sabay tawa ng bahagya. Napalunok ako nang makaramdam ako ng inis. Pati ba naman ang muntikan kong pagkahulog ay nakita pa niya?

"Can you also cheer for me? Pampalakas lang din." napako na ng tuluyan sakaniya ang titig ko dahil sarkastiko parin ang pananalita niya.

'At pati 'yon na halos ibulong na ni Thiago nang sabihin niya sa akin?'

"Again, Thiago is not your name." madiin kong tugon sakaniya bago pa inis na umiwas ng tingin.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now