Chapter 17
Ang chapter na ito ay para sa taong kilala ko na ayaw magpatalo sa usaping “birth sign”. Madalas man nating lait laitin ang sinasabing itinadhanang “traits” ng sign natin eh bottom line pareho pa rin tayong talo. Hahaha! Pero kahit ganoon masaya ako dahil nariyan ka palagi at hindi nagsasawang pangitiin ako. Sa susunod i-ta-tag na kita dito. Mag-iingat ka palagi.
**************************************************
Enjoy Reading! :)
#02-17-2015 MissPhotographer (11-11)
*************************************************
Nahiya ako bigla sa mga titig niya kaya binasag ko ang katahimikang namuo sa pag-aya na maupo kami. Marahan niyang inilapag ang mga gamit niya at pinagmamasdan ko siya habang kunwaring nagtetext sa phone ko. Medyo may kaputian si EJ, maikli ang kanyang gupit na may pagka wavy. Ang cute at mapungay ang mata niya lalo na kung nakangiti at ang kanyang labi ay natural na mapula. Hindi ko maiwasang pakiramdaman ang mga kilos niya. Baka kasi maarte o baka masungit dahil kahit papaano sa eh babae pa rin siya.
“Kamusta Clarisse?” Bahagya niyang inayos ang pagkakaupo niya at humarap sa akin.
“Ahh, a-ano hmm.. Ayos na-naman ako, eto bakasyon. Ikaw?” Naku heto na naman nauutal na naman ako. Bakit ba kasi tong dila kong toh.
“Hahaha! Clarisse magkaharap na tayo. Feeling ko parang nakikipagusap ka pa din sa telepono. Relax lang Miss. Di naman ako nangangain ng magandang tao eh.” OMG! Ano raw? Nahalata niyang nauutal na naman ako.
“Hmmpff! Mahiyain lang po. Pasensiya naman. Ngayon lang kasi ako nakakita ng gwapong babae eh.” Nginitian ko na lang siya ulit. Mukhang may pagkamakulit yata at may sense of humor. Ayos ito magkakasundo kami.
“Aba… Marunong ka na din bumanat ngayon ha. Huwag ka mailing sa akin, mahiyain din ako tulad mo pero dahil apat na araw tayong magsasama magpakapalan na lang tayo ng mukha at enjoyin natin bakasyon natin. Ayos ba sa iyo?”
“Sige EJ, nagdinner ka na ba?”
“Ahh, hindi pa eh. Nagmamadali kasi ako kanina noong umalis. Ikaw?”
“Nagdinner na pero parang nagugutom ako. Gusto mo bang magkape?”
“Ahh sige, ayos lang. DIto muna tayo at magkape ang lamig eh.” Tugon ni EJ.
“Okay, umuulan pa naman. Anong gusto mong kape?” Saka ako tumayo para i-orderan siya. Nakakahiya naman kasi nauna na akong nagkape kaya ililibre ko na lang siya. Pero nagulat ako dahil bigla niyang hinablot ang kamay ko.
“Clarisse ako na lang magoorder, dito ka na lang.” Sabay ngiti sa akin. Para talaga akong natutulala kapag nakikita ko ang ngiti niya. At may kakaibang pakiramdam uli nang hinawakan niya kamay ko. Kaya imbes na kontrahin ko siya eh napa upo na lang ako at gumanti ng ngiti sa kanya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makarating sa area kung saan magoorder. Iba ang dating ni EJ. Hindi mo siya makikitaan ng kayabangan o kapreskuhan kahit na isa siyang sikat na manunulat sa web online. Hindi ko inaakalang ang amo ng mukha niya at bagay na bagay sa kanya ang gupit niya. Parang koreana lang na napapanood sa Korean novela.
BINABASA MO ANG
Crossing the Limits (Lesbian Love)
RomanceSabi nila ang tunay na "Pag-big" yung hindi mo alam kung paano mo siya nagustuhan. Pero minamahal mo siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tanggap mo ang buong pagkatao niya, ang kanyang nakaraan at ang kanyang kasalukuyan. Hindi ba't napakasarap s...