2

11 7 8
                                    

"Magkaibigan lang naman tayo di ba? Hindi naman ako nagbigay ng malisya sayo?" Sabi niya habang kumakain kami ng siomai sa Alaya Malls food court. Nagpasama siyang bumili ng damit sa akin.

Saglit akong napahinto sa pagkain dahil sa sinabi niya. Wala ba talagang malisya?

Nung isang araw na kumain kami pasimple niyang hinuli ang kamay ko at seryosong tumingin sa mga mata ko. Pero walang kahit anumang salita ang lumabas sa bibig niya. Kung bukas ang puso mo, mararamdaman mo ang ibig niyang ipahiwatig sa sitwasyon na yun.

Good morning and good night chats and texts, paghatid sa sakayan pauwi, calls to check if you got home safe at halik sa ulo ko nung isang gabi, kung manhid ka hindi ka kikiligin. Kung wala yung malisya at magkaibigan lang kami, does my male friends do that to me given that I know them longer than him? The answer is No.

"So yung kiss mo sa ulo ko nung isang gabi wala lang yun?" tanong ko.

"Huh? Kailan? Ginawa ko ba yun?" Nagtatakang tanong niya.

Oo nga pala lasing siya ng oras na yun. Tanga lang ang maniniwalang nakakalimutan ng tao ang ginagawa niya kapag nalalasing siya. Nalasing din ako pero naalala ko pa ang ginawa ko kinabukasan.

The only good thing about being drunk aside from it makes you forget your problems for a while, is that it gives you courage to say what your heart felt and do what your body wants.

Tumango ako.

"Hindi ko maalala." Of course you will deny it.

"Okay lang. Tara uwi na tayo. Huwag mo na akong ihatid." Nauna na akong naglakad sa kanya. Sinundan niya pa din ako hanggang sakayan ng tricycle.

I look back at him and said goodbye before riding the tricycle. Conscience was written all over his face.

Sinubukan kong umiwas sa kanya. Hindi bato ang puso ko para hindi mahulog sa kanya sa kaunting panahon na iyon. Ramdam kong ako rin naman ng masasaktan sa huli so I chose to ignore him as much as I can.


But I can't.

"Sorry. Ayokong masayang yung friendship natin." He never stopped saying sorry through chats and texts.

Tinanggap ko iyon hindi dahil sa nahuhulog na ako sa kanya, bagkus naaawa ako. He is too sensitive. Kilala ko ang mga taong nasa paligid namin. They threw jokes at him that he might find offensive. How can he face that alone? He needs me.

"Akala ba nila hindi ko nasesense na ako yung pinaparinggan nilang bading? Kung makatawa pa sila parang wala ako dun." Kwento niya ng kumain kami sa labas pagkatapos ng trabaho.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang naluluha niyang mga mata. He is too soft at sa aming magkakaibigan sa opisina ako lang ang nakakaalam nun.

"Some people were just born to be insensitive. Wala tayong magagawa. For them it was funny but for us it is hurtful. Iba iba ang tao. We need to adjust ourselves kasi may mga taong hindi yun gagawin para sa atin. This is reality."

Hindi ko alam kung bakit nila iniisip na bakla siya. Wala naman mali sa pagiging bakla. Sadyang hindi ko lang iyon nakikita sa kanya.

"Hello Yna. Saan ka? Kain tayo sa labas." Tumawag sa akin si Jennie.

"Ot ako. May ivivisit pa kaming venue." Sagot ko sa kanya.

"Come on, hindi naman kasama si Xid." Sabi niya.

That was a bluff. Xid asked me if where I am. I can also hear someone calling his name in the background. Akala niya hindi ako sasama dahil kasama siya. Nahahalata niya sigurong iwas pa din ako.

Nagkakasama pa din kami pero hangga't maaari gusto kong may kasama kaming iba kapag lalabas. But knowing him he won't open up to me kapag may ibang tao.


"Yna, pabalik ka na bang office?" Tawag sa akin ni Lisa sa telepono. Kanina niya pa ako niyayayang kumain.

"Oo na. Saan kayo?" Tanong ko.

"Happy lane. Papunta na kami. Kasama ko sina Xid at Agassi." Kailangan ko lang idaan sa opisina ang ilang papeles bago sumunod sa kanila.

Pagkaout ko ay naglakad na ako papunta sa happy lane kasabay si Bont.

"Kakain kami nina Lisa sa Happy Lane. Gusto mo sumama?" Aya ko sa kanya.

"Sige ba." Siya ang madalas namin kasama ni Lisa noon kapag kakain sa Happy Lane kaya inaya ko na siya.

Pagdating doon ay natagpuan ko silang tatlo na kumakain sa may ihawan. Tiningnan lang kami ni Xid at hindi pinansin. Tuloy lang sila sa pagkain samantalang kami naman ni Bont ay umorder na lang ng isaw at betamax.

Pagkatapos kumain ay nauna nang umalis si Bont.

"O bakit pinaalis mo na yung boyfriend mo?" Mahinang tanong ni Xid sa akin pero narinig ko iyon.

"Tara na may bibilhin lang ako sa Mall." Inakay na ako ni Lisa paalis. Iniwan namin sila ni Agassi sa likod.

"Girl, ano na kayo ni Xid?" Curious na tanong ni Lisa. Sinabi ko sa kanyang walang malisya lahat ng ipinakita sa akin noon ni Xid.

"Wala, friends." bulong ko pabalik

"May friends bang ganyan? Feeling ko bet ka niya. Kanina nga nung sinabi kong susunod ka sa amin sa happy lane, girl ang saya niya. Pero nung dumating ka naman na kasama si Bont natahimik." Panggagatong ni Lisa sa nararamdaman ko.

Hindi niya ako gusto. Yun ang dapat kong ipasok sa isip ko.

"Boyfriend mo ba yun?" Andito na kami sa terminal ng tricycle. Hindi muna ako sumakay dahil marami pang pasahero ang nag uunahan sa dumadating na tricycle.

"Sino?" Tanong ko pabalik.

"Si Bont." Natawa ako sa tanong niya.

"Hindi ah. Well dati nililink kami kasi single din siya pero wala din yun. Friends lang kami." Sabi ko.

Napatango tango siya at ngumiti na.

Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan hanggang maubos na ang pasahero. Hindi ko na kailangan makipag agawan ng tricycle para makauwi.

Nagseselos ba siya? It seems like he is. Doon nagsimula na umasa ako.


"Goodmorning, kakagising mo lang?" Magkikita naman kami sa office pero nagvideo call pa rin siya kinaumagahan.

"Oo. " Sabi ko habang nagpapainit ng tubig.

"Magbreakfast ka na." Sabi niya habang vinivideo ang agahan niyang champorado.

"Ay pafall?" Biro ko.

"Bakit nafafall ka na ba?" Biro niya pabalik

Nagsisimula na.

"Asa." Natatawang sagot ko. Ganun naman talaga tayong mga babae di ba? Hindi aamin.


"Yna, si Xid ang ibibigay ko sayong photographer sa birthday event bukas." Lumapit sa akin si Kuya Hashim para sabihin iyon.

Ganun nga ang nangyari kinabukasan. He is actually good, hindi ko lang maintindihan kung bakit he is so insecure. Masyado niyang ikinukumpara ang sarili niya sa iba lalo na kay kuya Hashim.

"Magaling ka naman ah." Puri ko sa kanya habang kumakain kami ng mami sa happy lane.

"Gusto ko maging kasing galing ako ni Kuya Hashim." Close na sila. He obviously idolize him.

"It takes time." Simpleng payo ko sa kanya.

Ngumiti siya. Pagkatapos namin kumain ay may iniabot siyang envelope sa akin. Alanganin ko iyong kinuha at binuksan.

Pictures ko iyon during the birthday event kahapon. Sobrang busy ko kakaasikaso kaya hindi ko nahalatang kinuhanan niya pala ako. Stolen shots lahat except sa picture naming dalawa.

"Remembrance. Salamat, ikaw yung kasama ko sa unang event na dinaluhan ko as photographer." Nakangiting sabi niya.

"You're always welcome." Tinago ko iyon sa bag nang may ngiti sa mga labi.

_______________________________________
😊

Happy Lane (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon