Trigger Warning: Violence and Harrassment
Chapter 1
Bata pa lamang ay naka-gawian na namin ni mama na umuwi sa Isabela, kung saan nakatira sila lolo at lola. Hindi sumasama si papa dahil busy sya sa trabaho.
Kung dati ay masaya kami'ng umuuwi, ay hindi ngayon.
Tumatakas kami, tumatakas mula sa tatay ko.
Kahit naka-jacket sya ay kitang-kita ko ang mga pasa at sugat na gawa mismo ng mga kamay ng ama ko.
Ama kong dati'y inakala kong isang huwarang ama't asawa.
Parang kanina lamang ay masaya kaming nag-ku-kwentuhan ni mama, kung ano ang nangyari sa eskwelahan, kung ano ang mga ginawa ko sa silid, at kung anu-ano pa. Parang kanina lamang ay masaya akong ipinagluluto ni mama ng corned beef. Ngunit lahat iyon ay nagbago nang dumating si papa.
"Walanghiya kang puta ka! Matapos kitang pakainin at bigyan ng pamilya, ganito ang igaganti mo sa akin, putangina ka?! Pagnanakawan mo ako?!", agad nyang sinugod si mama at hinila ito sa buhok.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pilit na nagpupumiglas si mama pero higit na mas malakas si papa.
"Wala akong ninanakaw sa'yo Victor! Lahat yon ay bigay ng nanay ko, hindi sa'yo!", mas lalo syang napaigik nang higpitan ni papa ang hawak sa buhok niya. Agad na kinaladkad ni papa si mama sa kwarto, narinig ko ang pagkabasag ng mga gamit at ang sigaw ni papa. Lalong nagsituluan ang mga luha ko nang marinig ang mga iyak at sigaw ni mama.
Agad akong tumakbo papasok sa loob ng kwarto, hindi nila ako napansin kaya naman agad akong tumakbo sa pagitan nila ni mama. "Tama na po! Ang bad bad mo papa! Wag mo nang bugbugin si mama!", buong lakas kong sigaw.
Napatigil naman si papa sa pagtulak ko sa kanya, at nakita ko na lang sarili kong nasa sahig, namamanhid ang pisngi.
"Emerald!", sigaw ni mama.
"Magsama kayo ng anak mong walang kwenta, Emillia.", malamig ang tinig ni papa at umalis na sa harap namin.
"Oh, Cordon, Cordon!", sigaw ng mama sa amin. Agad kaming gumalaw ni mama upang sumakay sa bus. Nakahanap naman kami ni mama ng bakanteng upuan.
Narinig ko ang pag-buntong hininga ni mama, at ang pagyakap niya sa nanginginig kong katawan.
"Shh, anak. Nandito na si mama...", patuloy nya akong inalo hanggang sa makatulog ako.
Naglalakad ako sa bago kong paaralan, dito na raw ako mag-aral, sa Diffun National High School, hindi kami puwede sa Santiago dahil tiyak na matutunton kami ni papa. Nag-rerenta lamang kami ng apartment gamit ang perang nakuha ni mama mula kay lola.
Naging labandera sya, para lamang buhayin kaming parehas.
"May transferee daw tayo..."
"Gagi pre, ang ganda."
"Kaso mukhang mataray..."
"Maganda pa rin."
Samu't-saring bulungan ang narinig ko. Agad akong yumuko at nagtungo na lamang sa classroom.
Pagkatapak ko pa lamang ay ramdam ko na ang mga tingin nila.
Nakakasakal.
Agad akong nag-angat ng tingin upang sana'y maghanap ng bakanteng upuan, ngunit lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko.
Nakatingin silang lahat sa akin.
Agad akong nakahanap ng bakanteng silya ngunit may katabi itong isang nagbabasang lalaki. Agad akong dumiretso doon, nilagay ang aking mga gamit sa ilalim ng lamesa at yumuko. Laking pasasalamat ko dahil hindi sumulyap sa akin ang lalaki.
Bulung-bulungan nanaman sila.
May mga lumapit sa akin at nagpakilala.
"Hi! Ako si Cheen!"
"Ako una dapat, hindi ba? Ako si Nalla!"
"Hoy, mga feeling close kayo ha? By the way ako si Grethel."
Kahit nahihiya ay pinilit kong magpakilala nang maayos sa kanila.
Dumating ang adviser at pinalapit ako sa kanya. "Hello class. This is Emerald Raiah dela Torre, your new classmate...", marami pang sinabi si ma'am pero hindi ko na masundan ito, puro lamang ako ngiti at tango. Masyadong naka-focus ang sarili ko sa lalaking nakatingin sa akin.
Naka-pangalumbaba na sya sa lamesa at nakababa na rin ang librong binabasa nya kanina lamang. At ang mga tingin nya ay parang tumatagos sa aking kaluluwa.
Hindi na rin ako natutuwa dahil mabilis ang pagpintig ng puso ko...
"Okay, you may now take your seat."
Agad akong yumukong muli. Umupo ako sa tabi ng lalaki, na hanggang mgayon ay nakatingin pa rin sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti. Nakalahad ang kamay.
"Ako si Emi, ikaw?"
Nakatingin sya sa kamay ko at nag-angat ng tingin sa akin.
"I don't do shake hands but my name is Romnick Leonel...
...Villafuerte."
Napanguso ako.
"Ang haba naman.."
Napapaling ang ulo nya, nakakunot na rin ang noo niya.
"Leo."
Mas lalong nangunot ang noo nya. Halatang nagtataka.
"From now on, I'll call you Leo."
Ilang minuto bago nya na-gets ang sinabi ko. Ngunit ang huli niyang ginawa ang siyang nagpalambot sa puso ko. Ngumiti sya.
Ngumiti sya, he smiled, ngumiti sya, he smiled.
PUTA NGUMITI SYA!
Ay, nakapagmura ako.
-------------------
