Lumipas ang mga araw at lagi kaming magkasama,sinasamahan niya ako sa pagtitinda ng kakanin pagkatapos ay magtutungo kami sa paborito naming pasyalan ang bundok ng sagana at doon inaalagaan ang aming mga itinanim maging sa aming bahay ay napapasama narin siya minsan doon naghahapunan o kaya naman ay nag memeryenda bukal sa loob na pinapatuloy naman siya ng aking pamilya
"Aray Sige Sige"(awtss gege)nagulat nalang kami ni eliazar isang hapon habang kami ay nag memeryenda ay nagsalita na naman si ate ng kakaibang salita
"Ano iyon ate?"nagtatakang tanong ko at tumingin rin kay eliaz na ngayon ay nagtataka rin
"Aray nasasaktan ang damdamin kong makakita ng magkasintahan,pero Sige Sige ipagpatuloy niyo yan diyan kayo masaya eh"
sabi nito at dumiretso sa maliit namin na hardin at doon ay diniligan ang kanyang alaga nagkatinginan lamang kami ni eliaz at natawa
"Kakaiba ang mga tuwiran ng ate mo hahaha"
"Sinabi mo pa hahaha"
"Este!!esme!!"tama kayo ng iniisip si nanay nga yan normal na lamang sa kanya iyan yung akala mo laging may ka away kung makasigaw
"Po?"sabay na tanong namin ni ate
"Mamimitas kami ng gulay ni lita at susunduin ko narin ang inyong tatay at kuya!!"
"Sige po nay"ani ko
"Ingat po kayo"sabi ni ate estellaña
"Sasabay na po ako sa inyo tutal madadaanan nun ang aming hacienda"pahabol ni eliaz at hinagkan ako sa noo at nag paalam na
_________
A/N:Kakaiba talaga si este😌✋
| Jorij Vieno |
BINABASA MO ANG
BUNDOK SAGANA(Maikling Kwento)
Ficción históricaAng wagas na pag mamahalan nina Eliaz at Esme na kanyang hamakin ang lahat makapiling lamang ang isa't isa......