"Matuto kayong makinig sa rason ng bawat tao sa isang sitwasyon matutong magbigay ng pangalawang pagkakataon sa taong humingi nito sapagkat hindi natin alam ang buhay ng bawat Isa,pahalagan at ingatan mo ang bawat sandaling kasama mo ang iyong taong mahal."
Hindi na ako nakapag asawa pa sapagkat haggang ngayon ay hindi ko parin tanggap saaking sarili na masyado akong nagmatigas kay eliaz
kung sana ay pinakinggan ko ang rason niya ay baka namumuhay kami ng mapayapa kasama ang mga anak haggang sa huling hininga,umunlad ang pamumuhay ng aming pamilya at naging kilala ito sa buong bayan...
Ngunit hindi parin mawawala saamin ang pangungulila kay tatay,hanggang ngayon ay ang nagaalaga saakin ay ang aking pamangkin na tinuring ko nang parang anak
At ang bundok sagana isa na lamang itong pangkaraniwang bundok na nag iiwan ng madaming ala-lala sa lahat bayan ng de los santos
Nakatanaw pa rin ako sa bintana ngunit may naka pukaw saaking pansin may lalaking nakangiti sa baba ng malawak na damuhan naka tingin ito saakin,pamilyar ang kanyang mukha,ang tindig at ang dalawang biloy nito sa magkabilang labi.....
Eliaz,
sinta ko
Napatayo ako at nagmamadaling bumaba sa hagdan upang daluhan siya
"Eliaz ako'y na ngungulila na sayo o aking sinta"
Hinawakan nito ang mukha ko"alam ko Mahal ko kaya't tayo na pumunta Tayo sa paraiso kung saan tayo sasaya"
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito at sumama na sa kanya minsan ko pang nilingon ang bahay ng Mahal kong pamangkin ng makarinig ako ng malalakas hagulgol mula rito at tuluyan nang sumama kay eliaz
Ako si Esmeralda Ibañez at ito ang kwento ko sa bundok Sagana.
-WAKAS-
_________
A/N:Nais kong magpasalamat sainyo sa pag sama at pagiging saksi ng pagmamahalan nina Esme at Eliaz, Nawa'y may natutunan kayong mga aral na babaunin niyo sa inyong lakbayin sa buhay, galing sa kaibidturan ng aking puso maraming salamat ulit sa pagbabasa ng aking kwento.💖
Nagmamahal,
may akda
| Jorij Vieno |
BINABASA MO ANG
BUNDOK SAGANA(Maikling Kwento)
HistoryczneAng wagas na pag mamahalan nina Eliaz at Esme na kanyang hamakin ang lahat makapiling lamang ang isa't isa......