Chapter 6 .

148 1 0
                                    

~ Amusement Park Part 2 ~

Prince POV's

Nandito pa rin kami sa amusement park .. kakatapos lang namin kumaen ... ngayon ko lang nafeel na masaya din naman pala siyang kasama kahit papano .. ngayon lang ulit ako nakapunta dito ... at sa tuwing pupunta ako dito horror house lang ang hindi ko pinapasukan dahil ayaw ko talaga .. pero eto yung first time ko nakapasok sa horror house ...

Pero ang akala ko lahat ng rides dito sinasakyan niya yun naman pala ayaw niya sa vikings ... kung ako napapasok niya sa horror house siya naman pinilit kong sumakay siya dun ... napasakay ko naman pero sobra yung kapit niya at ramdam ko nababasa yung damit ko ... umiiyak ba siya ? Hala ? Mukhang napaiyak ko siya kaya bumawi agad ako sa kanya ...naging sweet ako sa kanya mukhang epekto naman ...

Pagkatapos nun ay sumakay lang kami sa mga rides na hindi pa namin nasasakyan ..." saan mo gustong sumakay ? .." tanong ko sa kanya ..

" kahit saan basta wag lang sa vikings nayon  .. " sabi niya naman .. mukhang trauma na siya ..


" o sige ... hmm wild river sumasakay ka ? .." tanong ko sa kanya .


" oo naman .. isa yan sa mga gusto kong sakyan .. " sabi niya ..

" yun naman pala .. tara .." hila ko sa kanya ..

Nang makarating kami dun medyo mahaba yung pila pero ok lang naman .. nakita pa namin sila chester at krisha ... " andito rin kayo .. " sabi ni chester ..

" hindi wala kami dito .. picture lang to .." sabi ko sa kanya ..

" anyari sa mata mo carla ? Mukhang galing sa iyak ..? " sabi naman ni krisha

" ha ? Mukha ba ? Nakatulog lang kanina dun , medyo inantok kami ee .." palusot ni carla ..

" ohh kayo na .. " sabi ko sa kanila ..medyo nasa unahan na kasi sila nung nakita namin sila ..


" o sige kita kits na lang .." sabi ni chester tapos sumakay na sila ..

" maga ba ? Mukhang hindi naman ha .." sabay tingin ko pagkasakay nila ..


" ha ? Hindi naman halata .. siguro medyo lang kaya napansin ni krisha yun .." sabi niya ..

Hanggang sa kami na yung sasakay .. ako yung nasa harap siya naman yung nasa likod ko .. " kapit ka lang ha .." sabi ko sa kanya ..

Hanggang sa umandar na ... sa una smooth lang yung paglaglag namin medyo mababa pa .. eto na yung pinakamataas na .. " ready ka na ba ? .." tanong ko ..


" oo naman ..." sabi niya tapos konti na lang mahuhulog na kami ..hanggang sa derederetso kaming nahulog at basa kami parehas ...

" wohoooo grabe enjoy talaga ako ..." sabi niya at halata naman na masaya siya sa tingin ko nakabawi na ako sa kanya ..


" buti naman nag enjoy ka .. akala ko takot ka pa rin diyan .." sabi ko sa kanya .." wala tayong pampalit basa na tayo .. " sabi ko ..


" ok lang .. mamaya na tayo magpalit marami pa tayong hindi nasasakyan .. " sabi niya ..

" kung sa bagay .. " sabi ko .. ngayon lang ako nagenjoy ng ganito .. bata pa ako nun nung huling punta namin dito .. yun yung araw na kasama namin si papa nung hindi pa siya umaalis papuntang america ..yun yung last day na kasama ko siya ...the next day hindi na kaya hindi na ulit ako pumunta dito ...


Sa sobrang dami naming nasakyan na rides ni carla .. halos nagenjoy kami parehas .. may times na ayaw namin sumakay parehas pero sinubukan namin ... ang daming unexpected na nangyari ngayong araw ... ngayon naman ay pinapanuod na namin yung fireworks display sa labas ..

" its so beautiful  ...." sabi niya habang nakatingala siya ..


" mas maganda ka pa diyan ..." sabi ko sa kanya .. napatingin siya sa akin at mukhang gulat siya sa sinabi ko .." oo nga promise mas maganda ka pa diyan .." ulit ko ..

Ngumiti lang siya sa akin ... ngayon ko lang napansin na maganda talaga siya ... " thank you prince ha .. sinubukan mong sumabay sa mga trip ko , nakasabay ka naman .. thank you sa pagsama at pagtitiis mo na hindi ka makapaglaro ng paborito mong laro ..thank you dahil pinasaya mo ko kahit sandali lang .. sana hindi lang to yung huli may susunod pa ... " sabi niya habang nakatingin siya sa akin ...


Eye to eye lang kami sabay sa pagputok ng mga fireworks display ... ewan ko ba kung anong meron sa nararamdaman ko ... bigla ko na lang siyang hinalikan hindi ko ginusto at kusa ito ... halos nagtagal din yung kiss namin dalawa ...feel ko parang nagiging komportable na ako sa kanya .. pero hindi pwede dahil ... ahh basta hindi ako pwedeng mainlove sa kanya dahil talo ako pagganun ..

Tulala lang siya pagkatapos nun ... kita ko sa mga mata niya na nagtataka bat ko ginawa yun .. " i'm sorry carla .. hindi ko inakala .. nadala lang ako .. sorry .." sabi ko sa kanya ..

" ha ? Ok lang prince ... wala naman malisya kasi magboyfriend and girlfriend naman tayo kaya walang malisya sa akin yun .. " sabi niya ..

" ganun ba ? Baka lang kasi anong isipin mo .. " sabi ko sa kanya ..

" ano ka ba wala nu ...ok lang talaga sa akin yun .. " sabi niya ..

" ganun .. o sige tara balik na tayo dun kung saan tayo huli nagkita kita baka andun na sila .." yaya ko tapos umalis na kami ..


Ayun ang unang beses na mahalikan ko siya ..medyo nakakailang dahil hindi naman namin yun ginagawa ...akala ko sasampalin niya ako kasi ginawa ko yun pero nagkamali ako sa inakala ko .. ako yung nakokonsensya ee . Sa larong to .. ako yung talo at hindi siya .. gusto ko ng sabihin sa kanya na lahat ng to ay isang laro lamang .. at lahat ng to ay hindi totoo ...
Isang araw masasabi ko rin yung totoo .. sa tamang panahon .. yung maiintindihan niya ... hindi muna ngayon ..


___________________________________________.
Sorry sa mga readers ko ha .. slow update ako busy kasi sa school ee .. thanks nga pala sa mga nagbabasa nito .. dumadami na :) continue lang guys .. marami pa ang mangyayari ..

I'm Inlove With A CoC PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon