PROLOGUE:
Kenneth's Pov:
"Boss may mga parak." Sigaw ng isa naming kasamahan.
Kaya napalingon kami sa isang gawi kong saan naroon ang paparating na mga pulis.
Halos kumawala ang puso ko sa kaba nong makita ko ang limang sasakyan ng pulis na papalapit sa deriksyon namin.
"Kenneth. Kunin mo na lahat ng bag nila. Bilis. Tulungan mo na siya" utos ni Boss sakin.
Pati na sa isa pa naming kasamahan.
Kaya dali-dali kaming tumalima sa utos kahit labag man sa loob ko. Halos tumulo ang luha ko ng isa isa kong kinukuha ang bag ng mga pasahero ng buss. Nang bigla akong napatigil ako sa pag kuha ng bag sa isang pasaherong matandang na nginginig sa takot. Na halos paiyak narin.
Napatitig ako sa mga mata niya na ngayon ay umiiyak na.
"Maawa po kayo. Pambili ko po ito sa gamot ng apo ko.." Pag mamakaawa nya.
Habang umiiyak at yakap yakap ang bag nito.
Napatigil ako. Naaawa ako sa matanda. Kahit ganito ako may puso rin ako at hindi ko ginusto ang ganitong buhay. Wala lang akong mapag pilian.
"Kenneth, ano ba." Sigaw ng Boss namin.
Na nagpabalik sa katinuan ko. Muli akong napatingin sa matanda na pilit nag mamakaawa na wag ko raw kunin ang bag nya.
Tiningnan ko sya sa mga mata nya na ibig sabihin na wag mag alala. Kinuha ko ang bag nya na pilit hinahawakan. Maya maya ay ipinaubaya nya ito saakin habang umiiyak.
Hinalungkat ko ang bag nya para hanapin ang wallet nya at ng makita ko ay kinuha ko iyon at pasimpling iniabot ko sa kanya.
Nagulat sya sa ginawa ko. Kinuha nya agad iyon kasabay ng pag pisil sa mga kamay ko bilang isang pasasalamat. Napangiti ako kahit hindi nya nakikita ang mga mata ko. Dahil nakasoot ako ng bunit.
Agad akong umalis at lumabas ng buss bitbit ang mga bag kong saan naroon ang iba naming kasama.
Agad kaming umalis sa lugar nayon para tumakas ng hindi nakakasagupa ang mga pulis.
Agad kaming umakyat sa bundok kong saan naroon ang ka tribo namin.
Nasa Sampo kaming bumaba ng bundok para mag hanap buhay.
Ang hanap buhay na tinutukoy namin ay ang pag gawa ng krimin. Gaya ng kanina. Mang hold-up. At kong ano-ano pa para lang kumita ng pera. Yun ang kadalasang trabaho naming mga NPA.
Pag katapos akong bigyan ng parte ko, ay umuwi na ako. Nasa limang libo ang naging kaparte ko sa pag t-trabaho ko.
"Ma..?" Pag tawag ko may mama.
Pag bukas ko ng pintuan na gawa sa plywood. Maging ang dingding namin ay gawa sa plywood rin. Pero ang bobong namin ay gawa sa pawid. Yun ang kadalasang bahay dito sa bundok ng Brgy. Katikugan.
Ang Barangay namin ay nasa tuktok ng bundok ng Negros Oriental.
Bumababa kami ng bundok pag nag bibinta kami ng mga kakanin at kong ano-ano pa na pwedeng pag ka kitaan. Bawal sumama ang mga bata. At pag katapos non babalik ulit kami sa bundok. Doon lang umiikot ang mundo ko. Mundo namin ni mama.
Halos hindi kami makipag halubilo sa ibang tao.
"Anak ikaw na bayan?" Sigaw rin ni Mama mula sa kusina.
Kaya doon ako nag tungo. Nakita ko doon si Mama na nag luluto. Napayakap nalang ako sa lungkot ng buhay namin.
Tinapik ako ni mama para damayan. Alam niya kasing ayaw ko sa ganitong buhay. Hindi sa namimili ako, Gusto ko ng tahimik na buhay. Para kaming mga dagang takot sa mga tao. Mahirap yung lagi kang nag tatago.
BINABASA MO ANG
She's A Man
De Todoѕα mundσng αtíng kínαgαgαlαwαn αt mαgíng αng αtíng вuhαч, ítσ αч nαвαвαlσt ng kαѕíчαhαn αt mgα mαpαg pαnggαp nα mgα tασ. híndí pαrα mαg tαgσ dαhíl ѕα nαg kαѕαlα. kundí sa tαkσt. ѕα вαwαt αrαw nα nαg dαrααn mαч mgα вαgαч nα вαѕtα-вαѕtα nαlαng nαngчα...