CHAPTER 2:

22 3 1
                                    

Kenneth's Pov:

"Ahhhhhh..." Sigaw ko

At napabalikwas ako ng bangon. Puno ng pawis ang mukha ko at habol ang aking hininga.

Napanaginipan ko na naman ang gabing tumakas kami ni Mama sa lugar nila Boss Jade. Puno ng sakit, hinanakit at takot ang naramdaman ko ng gabing iyon. Lalo na ng barilin ni Boss Jade si Mama.

Tatlong taon na ang nakalilipas ng mangyari ang gabing kinatatakutan ko noon.

Tatlong taon na. Pero sariwa parin sa puso ko yung takot. Dahil, alam ko hanggang ngayon, hinahanap parin ako nila Boss Jade. Kilala ko si Boss Jade. Hindi sya titigil hangga't nabubuhay ang taong nag kasala sa kanya. Lalo na sa pamilya nya.

Kaya ma'pa araw man o gabi. Lagi akong alerto. Feeling ko kasi na sa paligid lang sila. Na trauma narin ako sa pangyayari ng gabing iyon.

Sana, kong nasaan man si Mama ngayon. Sana maging masaya na sya.

Mismo ng gabing, hinimatay ako sa daan. Akala ko yun na ang katapusan ko. Pero hindi pa pala.

Dahil, doon pala mag sisimula ang bagong buhay ko.

Dahil ng gabing wala along malay sa daan. Nakita ako ni Madam Anna. Tinulungan nya akong dalhin sa Hospital. At simula noon. Sya na ang tumayong Mama ko simula ng ikwento ko ang totoong pangyayari.

"Kenneth..?" Tawag ni Madam Anna sakin.

Mula sa labas ng kwarto ko. Doon lang nag balik ang ulirat ko.

Hindi na ako sumagot, agad akong lumapit sa pintuan at pinagbuksan sya.

"Bakit po Mommy.." Tanong ko.

Nang mapagbuksan ko sya. Wag kayong ano diyan. Mommy ang tawag ko sa kanya dahil yon ang gusto nya.

Dahil simula ng tumira ako dito sa bahay nya. Tinuring na nya akong parang anak at ganoon din ako sa kanya. Tinuring ko rin syang parang tunay na Mama. Lalo na't nawalan talaga ako ng Mama. Kaya ganoon ako kalapit sa kanya.

At isa pa nagagalit yan pag Mama ang tinatawag ko sa kanya. Nakakatanda raw pakinggan. Mabait naman si Madam Anna at wala akong masabi doon. Wala rin itong asawa dahil maagang namatay sa sakit na lung cancer. At wala rin silang anak. Pero kasal naman siya sa yumaong asawa nito.

"Nasa baba si Romel. Hinihintay ka." Sabi ni Madam Anna.

Actually, hindi ako sanay na Mommy ang tawag ko sa kanya. Madam Anna talaga ang tawag ko sa kanya. Dahil yun ang tawag sa kanya ng mga katulong dito.

Tumango lang ako. Sala naman sya nag paalam na baba sya para mag handa ng almusal naming tatlo.

Hindi rin nag tagal ay bumaba na ako at hinarap ang aming bisita.

Naabotan ko si Romel na busy sa kanyang cellphone habang naka dikwarto itong nakaupo sa sofa. Nang makalapit ako, agad itong napatayo.

Ngumiti ito sakin bago ako binati ng magandang umaga. Ganun din naman ako sa kanya.

"Napadalaw ka Romel.?" Tanong ko sa kanya.

Nang maka upo kami. Si Romel ay manliligaw ko. Isa syang model dito sa pilipinas, iwan ko lang kong anong kompanya ang pinag m-model-an nya.

"Wala naman. Gusto lang kita makita. Anyway, may gagawin ka ba ngayon. Let's hangout.." Sabi nito.

Ang aga aga. Hangout agad. Anong trip ng lalaking to.

Actually, hindi naman ka gwapohan si Romel. At hindi sya yong tipong lalaking gusto ko. Dont get me wrong huh. Ayaw ko sa kanya kasi mayabang sya. Maayos naman sya mag soot ng damit. Mabango rin sya. Laging may soot na wristwatch. Sa subrang pag kagumon sa modeling. Pati wristwatch nito ay araw araw nag papalit. Kong pwede lang siguro mag soot ng relo sa magkabilaang kamay ay baka ginawa na nya. Ang kaso hindi, kaya araw araw nalang syang nag papalit ng relo.

She's A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon