CHAPTER 3:

16 2 0
                                    

Kenneth's Pov:

Maaga akong pumasok sa trabaho. Pag bukas ko ng pintuan ng coffee shop na pinag t-trabahaon ko bigla akong nagulat ng...

"Surprise❕❕" sigaw nilang lahat.

Halos ma out balance pa ako dahil sa gulat. Nakita kong nasa harapan ang mga katrabaho ko. Maging si Boss Donaline at sya ang may hawak sa cake.

Naguluhan ako. Teka, anong meron. Matagal pa naman yung birthday ko ah.

"Maam. Ano pong meron.?" Nahihiya kong tanong sa Boss namin.

"Pasasalamat namin sayo, dahil sa ginawa mo kahapon, at kong hindi dahil sayo. Baka kong ano ng nangyari sa coffe shop namin. At sana tanggapin mo aming taos pusong pasasalamat sayo" sincere na saad ni Boss.

"Ms. Kim salamat sayo. Kong hindi dahil sa tulong mo baka nawalan na ako ngayon ng mga alahas." Sabi ng isang Ginang sa tabi ni Boss.

Hindi ko siya maalala. Pero isa Siguro sya sa mga nabiktima kahapon ng mga holdupper.

"Wala ho iyon Maam. Obligasyon ko po ang tumulong." Sabi ko sa Ginang.

"And Maam. Marami pong salamat dito. Hindi niyo naman po kailangan ng ganito." Nahihiya kong sabi sa Boss namin.

"Tsk. Its really nothing Kim. At bilang pasasamat. Ikaw ang pagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay dito sa coffe shop. At ikaw ang magiging bagong Boss nilang lahat. Simula ngayon..." Sabi ni Boss Donaline.

Na aking lubos na ikinagulat. Kong ganun ako ang bago nilang manager.

"T-teka Maam. Sigurado ba kayo diyan. Baka naman nabibigla lang kayo.." Hindi ko makapaniwalang sabi.

Ngumiti lang ito. Saka ito tumabi sakin. Kaharap naman namin ngayon ang mga katrabaho ko. Ngumiti silang lahat sakin. Sabay sabing...

"At your service Maam." Sabay sabay nilang sabi.

Kasabay ng pag bow. Napatakip ako sa aking bibig at napaharap saaming Boss na si Maam Donaline. So seryuso pala to. Bigla ko nalang yinakap si Maam. Sa subrang tuwa. Na ikinatawa naman nya.

"Maam. Maraming salamat po.." Sabi ko habang nakayakap.

Tinap lang ako nito saaking balikat.

"Kainan na.." Sigaw ni Ate Bernabe

Kaya nag kasiyahan naman. Habang kumakain kami. Lahat ng katrabaho namin ay pinupuri ako at kino-congratulate ako. Wala namang hmpay ang aking pasalamat sa kanila.

Since maaga pa. Wala pang masyadong bisita. Nag bigay rin si Boss ng discount sa mga bumibili. Na ikinatuwa naman ng marami.

Habang busy kami sa pag kaing lahat. Biglang may pumasok na lalaki. Naka sumbrero ito ng iti. Naka black sando ito at fitted na jeans ang soot. Maganda ang tindig ng lalaki. Talagang malakas ang dating nito. Hindi ko lang makita ng buo ang mukha nito. Dahil may soot itong sunglasses. Pero kita kong matangos ang ilong nito. Mapula ang mga labi. Pero tila may inaabangan ito. Kita ko ring may nakakabit sa tenga nya. Para itong agent base sa galawan nya. Panay ang sulyap nito sa labas ng coffee shop. Alam kong may kinakausap sya. At alam kong sa nakakabit sa tenga nya nag mumula ang kausap nya.

Napaka mysterious naman ng lalaking to. Bigla akong siniko ni Diana. Isa sa mga katrabaho ko, kaya napalingon ako sa kanya.

"Lapitan mo. Tingnan natin kong ma attract sya sa ganda mo.." Mapanghamon nyang sabi sabay hagalpak ng tawa.

Natawa rin ako. Ito kasi lagi ang nang hahamon sakin. Katuwaan lang naman yon. At lagi akong na nanalo sa kanya.

"Gaga. Eh parang galit yan sa mundo. Tingnan mo nga, napaka seryuso. Mamaya bigwasan nalang ako nyan bigla ." Natatawa kong sabi.

She's A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon