Chapter 2

28 0 0
                                    

Chapter 2

~Hay grabe, ano kaya nangyari kela Tofer? Tagal naman nilang dumaan ulit. Nasaan na nga ba si Carla? Kakaiba talaga yun! Parang kabute eh. Bigla-biglang sumusulpot bigla-bigla rin nawawala.~

“Mae, nakita mo ba si Carla? Kanina ko pa siya hinahanap eh!”

Mae: “hindi pa nga eh! Tara na sa classroom baka na una na yun!” 

Pagdating naming sa room andun nga siya, teka bakit parang may iniisip siya? Mukhang malalim pa! Aba! Mukang nababahala ‘to ah? Hmm.. matanong nga..

“CARLA!! Loko ka! Hindi mo man lang kami tinext na andito ka na sa room!”

Vince: “Bianx kanina pa yan natutulala! Sarap ngang batukan eh! Akala mo math yung sinosolve niya! Jusko po! Pwede ba!”

Carla: “OH andito na pala kayo!! San kayo galing??”

Mae: “Anong san kami galing?? San KA nanggaling?!”

Carla: “Ah.. ako ba.. sa.. cr! Oo tama sa CR!! 

“ano ba yang excuse mo Carla.. minsan nga magisip ka!~

Bianca & Mae: “Ahh..”

Andito na yung Adviser namin! Nako mukhang napagalitan na naman ng principal ‘to ah.. ano kaya sasabihin niya ngayon?

Mr. Fuentes: “Class, kinausap ako ng principal.. as usual wala na naman daw naka pasok sa Top 100 miski isa sainyo. Please naman.. magaral naman kayo kahit papaano.. lagi akong pinagtatawanan sa faculty room, ako naman tanggol ng tanggol sa inyo, hindi ba pwedeng kahit ngayong ga-graduate na kayo mag aral naman kayo?”

Class F: “Opo..”

Mr. Fuentes: “Ok class, wala ako sa mood mag turo ngayon, bukas na lang ulit tayo magka-class. Adjourned.”

Class F: “goodbye and thank you Mr. Fuentes”

Aba tapos na class ko! Pwede ko na ibigay yung letter ko kay Tofer! Asan na ba siya? Ah nasa east wing nga pala yung class room niya! Iintayin ko nalang siya sa may hallway! This is it!! 

“Mae, Carla.. sasabihin ko na sa kanya! Ibibigay ko na ‘tong letter ko! Eto na yung araw na pinaka hihintay ko!”

Carla: “BIANX! WAG!!!”

Wag? Bakit? Bahala siya! Tumakbo nalang ako papunta sa east wing para mag intay sa hallway.. 

Mae: “Bakit naman? Hayaan na natin siya na ipaalam kay Dylan yung tunay niyang nararamdaman, kesa naman habang bihay niya iyon pasahin.. at least nasabi niya yung gusto niyang sabihin. Kung ano ang magiging reaction ni Dylan, yun nalang ang isipin natin..”Carla: “Pero.. ~nagpropose siya kay Niña!!!~ o sige.. tara, sundan na natin siya..”

~Ang tagal namn ni Tofer.. na saan nab a siya?? OH MY GOD! AYUN NA SIYA! Ba’t nanlalaki mata ko? Teka wag! Pangit pangit! Dapat pa-cute ng konti..~

Habang naglalakad si Dylan papunta sa direction ko bigla kong inabot yung sulat at nakapikit na sinabing..

“GUSTO KITA MATAGAL NA. ETO SULAT PARA SAYO..”

~Aba tingnan niya lang ako! Bakit ganun? Parang wala siyang reaction sa ginawa ko.. napalakas ba yun? Wala naman tao ha.. bakit kaya ganun? Teka yung sulat?? Hindi niya rin kinuha!!~ 

Wala akong nagawa kung hindi mapaluhod.. nakakahiya yung ginawa ko.. tapos binaliwala niya lang.. 

Carla & Mae: “BIANX!!”

Mae: “Ano nangyari?? Pinansin ka ba niya?? Yung sulat!? Oh bakit nasasayo pa rin??! Hindi mo ba binigay? 

Carla: “LANCE DY!! Bakit hindi mo tinanggap yung sulat ni Bianca?? Kahit manlang basahin mo yung sulat! HA?! ANONG PROBLEMA AT HINDI MO SIYA PINANSIN?!” 

My Girl and I ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon