Twenty

279 7 0
                                    

"And you said yes?"

Kinagat ko ang labi ko at dahan dahan akong tumango. Georgina eyed me in disbelief. Biglang gusto kong tumakas para makaiwas sa nagbabadyang sermon niya.

"Just like that?!" I flinched when her voice got louder. "Hindi mo ba alam kung ano ang pinaggagawa niyang si Dark nung mawala ka? Naging mas masahol pa nga 'yon sa asong nakawala sa hawla!"

Napangiwi ako sa term na ginamit niya. To describe someone like that is too much. Pero may parte din sa akin na sumasang-ayon. Dark turned really bad when I disappeared. He did so many unspeakable things.

"I know... He told me everything." I replied meekly.

Tumaas ang kilay niya pero ramdam kong huminahon din siya. She crossed her arms above her bulging belly, at tinitigan ako ng mapanghamon.

"And you're okay with that? Are you sure he told you the truth? Because girl, it was nasty." Puno ng pagdududang aniya.

Bumuntong hininga ako at muling tumango sa kanya. "He told me everything that same night. He confessed all the nasty things he did just to get over me and honestly, I'm not okay with it." Amin ko. "He's been with a lot of girls while he was the only man in my life. Pero technically speaking, he didn't cheat on me because we got separated before he got involved with all those girls."

Pero syempre, hindi mawawala sa akin ang makaramdam ng sakit. Lalo na nang aminin sa akin ni Dark lahat ng ginawa niya. It was like he have this different persona that I triggered when I left, and it controlled his life for years. He was so regretful when he opened up on me that night, and it was enough to ease the pain. Dahil nararamdaman ko ang sincerity niya nang aminin niya ang lahat.

He wouldn't kneel in front of me if he wasn't genuinely sorry. A man pure of pride like him will never show his weakness like that. Pero nagawa niyang lumuhod sa akin habang sinasabi kung gaano siya kagago at kung gaano niya iyon pinagsisisihan.

"I understand him, but I still asked for space. I need time to get over this jealousy inside of me." Ngumiti ako ng mapait. "Yes, I agreed to marry him, but it will be set next year."

Now she looks satisfied with it. Kumalma na siya ngayon at hindi na lukot ang noo niya.

Hindi ko napigilan ang ngiti nang muli ko siyang pasadahan ng tingin.

"Anyways! I'm glad I went home. I just witnessed the man hater Georgina Cruz, getting knocked up by the person she hates the most." I quickly changed the subject then I grin playfully to tease her. "Akala ko good boy ang hilig mo. Hindi mo naman sinabi na casanova pala ang hanap mo."

Mabilis na nagbago ang mood niya. Umasim ulit ang itsura niya at tinarayan ako.

"Girl, shut up." She hissed. "Just because I got pregnant doesn't mean that I'm gonna marry him."

"Only if I let you go, which will never happen." Biglang sagot ng boyfriend ni Georgina na kalalabas lang mula sa kusina.

May dala itong fruit bowl at gatas. Inilapag niya iyon sa harap ni Georgina at pagtapos ay inabot niya sa akin ang basong may tsaa. He gave me a friendly smile after I received the cup.

"I heard from my wife that you like tea. That's chamomile tea. Georgina loves to drink that after we have sex–"

"Silvester, shut up!" Suway ni Georgina sa lalaki bago pa nito matapos ang sasabihin.

However, I already heard what he said. Hindi ko napigilanan ang malawak na ngisi na kumakawala sa labi ko. But I tried to conceal it by drinking my tea. Mahirap na at baka ako naman ang masigawan ng buntis kong kaibigan.

Capricorn (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon